Chapter Fifty Nine- Sharie

353 17 0
                                    


" Ma. . . makahiya..?" nagwawala ang tibok ng puso ko habang nakatitig sa kanya. Nasa harap ko siya. Buhay siya!




" Nice to meet you Miss Sharie Angella Flores." napasinghap ako at tuluyan ng napahagulhol ng tanggalin niya ang suot na sunglassess. Siya nga!



" makahiya ikaw nga! Nandito ka!" later did I know, I found myself frustratingly hugging him. Hindi ako makapaniwala na totoong buhay siya.

"




 tayka lang. . . sir. . please. si makahiya siya eh. Sandali lang naman po." pwersahan akong hinablot ni sir Charles palayo sa kanya. Nanikip ang dibdib ko ng tingnan lang ako ni makahiya na parang hindi niya ako kilala.





" Sit." he then said. Napatigil ako. Bakit parang iba siya? Yes, he changed. But his voice, alam kong siya ang taong nasa harap ko. Bigla akong inalalayan ni sir Charles paupo at muntik na akong mahimatay sa lalim ng titig ni makahiya sakin. I bit my lower lip. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. 4 years. 4 years akong naghintay na makita siya ulit, umaasang makasama siya ulit. Pero bakit parang ibang tao nag nasa harap ko ngayon? Yung buhok, yung pananamit, mas maputi at medyo naging built na rin ang pangangatawan niya. But I know he is makahiya.




Pero hindi ko na talaga napigilang mapahikbi when he just look at me seriously and then chuckled.






" tsk. Get out. Nawalan na ako ng gana." walang emosyong saad niya saka kinumpas ang kamay para palayasin ako sa harap niya. Nataranta ako.






" Please, ikaw yan diba? makahiya. . si Angella to. ako to!" pinilit ko siyang abutin pero hinarang ako ni sir Charles at sapilitang pinalayo kay makahiya. Hindi ko siya maintindihan. Hindi ba niya ako kilala? Bakit parang mas masakit malamang buhay siya pero parang burado na ako sa buong pagkatao niya?





" you heard him right? layas na!"






" No. Please Drake. . "






SI BOY- MAKAHIYA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon