Chapter Twenty-One - Sharie

606 25 0
                                    

Nasa science lab kami ni Jannah dahil tinatapos namin yung experiment namin. Dahil sa katamaran ngayon pa kami gumagawa nito eh mamaya na ang deadline. Si makahiya di na ulit ako pinansin simula kahapon nung sumigaw si Jannah ng Drasha love team is back. Nagsabunutan pa kaming dalawa para manahimik siya dahil na fe-feel ko na unti-unting nalalanta ang damo sa kahihiyan. Oo, alam kong ayaw niyang ipagsabi kahit kanino ang secret affair namin, naiintindihan ko yun at support ako sa decision ng damo. Si Jannah lang talaga ang nega.

“Friend..””

“ano?” nag da-dissect kami ng ipis ngayon. Buti nalang talaga di ako takot sa ipis.

“pwede bang ikaw nalang mag pasa nito mamaya sa faculty?”

“at bakit?” sigaw ko sa kanya. Nagkamot siya ng ulo. Alam ko ang mga ganyan niya eh.

“may date ka noh?”

“hehehe diba foundation week na next week? You know!”

“alam ko! Ano naman ngayon?”

‘wolo long..” binato ko sa kanya ang antenna ng ipis. Nakailag naman siya at tinapon pabalik sakin.

“basta, may pupuntahan ako after class. Di ka kasama kasi secret yun. Surprise nalang kita”

“whatever Jannah!”

‘thanks bff”

20 minutes kaming tahimik ng bigla siyang sumigaw.

“friend una na talaga ako! Bye na!”

“ANO?” kumaripas siya ng takbo palabas. Naman! Buti nalang talaga at tapos na kami, nag eencode nalang ako ngayon sa laptop ko ng hypothesis namin. Ilang minuto ang lumipas ng maramdaman kong may naglalakad sa likod ko.

“oh ba’t ka bumalik ja…..” na estatwa ako ng may brasong pumulupot sa baywang ko. Parang nanghihina ang tuhod ko sa pagyakap niya at paghalik sa ulo ko. Di ko na siya kailangang lingunin o kilalanin, dahil sa amoy palang niya at pagwawala ng puso ko, alam kong siya ang yumayakap sakin ngayon.

“a… anong gi..ginagawa mo?” pakiramdam ko mabibingi ako sa lakas ng pintig ng puso ko. Idagdag pa na nararamdaman ko ang mainit na katawan niya sa likod ko.

“angella…” napapikit ako sa lamig ng boses niya. Kailan ba ako masasanay sa yakap niya? Ghad! Ang amoy niyang nakaka adik! Mas pinulupot niya ang braso sa baywang ko.

“dito lang ako”

“ah.. ha?’ humigpit pa lalo ang yakap niya. Mahihimatay na ata ako dito. I think I can’t breathe.

“just breathe angella. Don’t mind me” isinubsob niya ang mukha niya sa balikat ko.

SI BOY- MAKAHIYA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon