Chapter Eleven - Sharie

766 31 0
                                    

“Hoy babaeta! Ano bang ginagawa mo ha?”

“binubuksan ang pinto. Gosh! Bat ba ayaw nitong bumukas? Kanina pa to ah”  pinagsisipa ko ang pinto ng classroom namin. Biglang pinitik ni Jannah ang noo ko saka kinaladkad ako.

“ ano bang nangyayari sayong babae ka? Kanina ka pa sa audi ah, mukha kang tanga!”

Nakagat ko ang koko ko. Sasabihin ko bang naki paglandian lang naman ako sa damo kanina?... holding hands.. haplos-haplos..

“aw..”  pinukpok niya sa ulo ko ang libro saka hinimas-himas ang noo ko.

“wala ka namang sakit. Suminghot ka ba ng katol ha sharie?”

“katol mo mukha mo!”

“ eh shabu sinubukan mo?”

“marijuana meron ako, hingi ka?”

“talaga! Pingi..   a-aw… ouch naman!”  ako naman ang sumabunot sa kanya. Loka-loka.

“ naman eh! Tara na nga!”

“ saan na naman tayo? Wala ba tayong class?”   akmang pupuk-pukin na naman niya ako pero naunahan ko siyang pinitik sa noo.

“peace… hehehe” peace sign pa ako.

“ ha..ha..ha.( sarcastic laugh). . tara na nga!”

Hinila na naman niya ako papuntang gym. Wait, anong meron ngayon at wala kaming pasok? Wala akong matandaan na school sctivity ah.

“ano bang ginagawa natin dito ah Jannah?” maktol ko kasi naman ang daming tao. Nakipagsiksikan pa si janah, ang dami tuloy nega.

“heller bff! Earth to you! May laro sina Renzo ngayon remember? My god! Im so excited. . .go aldren… yuuhoooo”

Nanlaki ang mata ko. Really? How can I forgot that eh araw2x ata tong binubunganga ni Renzo na panuorin siyang mag basketball. Nyeta! Wala naman akong alam sa larong yan! Malapit na nga pala ang foundation week kaya merong larong nalalaman ang school. Mga lower year lang naman ang kalaban nila Renzo pero parang inter-school ang labanan sa dami ng tao.

“helle.. mic test..mic test..”  natahimik ang lahat ng may magsalita sa speaker. At kinakabahan na ako dahil parang may di magandang mangyayari sakin dito.

“sharie angella florez”  ayan na nga bang sinasabi ko eh. Humalukipkip ako at dahan-dahang naupo para magtago.

“hehehe, it’s me Renzo, and I have a surprise to you!”

AYUKO! Gusto ko yung isigaw sa kanya pero di ko magawa. Papatayin mo ba talaga ako sa hiya impakto ka? Napa iling-iling pa ako dahil parang sakin nakatingin ang lahat. Kahit si Jannah gusto kong sabunutan sa pagkakanganga niya.

SI BOY- MAKAHIYA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon