Chapter Sixteen - Sharie

663 24 2
                                    

"akin ka na lang angella.. please!"  nabigla ako. Ni hindi ako nakagalaw sa narinig ko.

"please angella. . please.." mas humigpit ang yakap niya sa baywang ko. Ano bang nagyayari sa kanya? Dug..dug..dug.. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Oo, ngayon alam ko na. puso ko yung palaging naririnig ko pag kasama ko siya.

"angella.." parang natutunaw yung puso ko sa boses niya. Dahan-dahan kong hinila ang braso niya sa baywang ko. Pero mas nagulat ako sa sunod na ginawa niya. Pinihit niya ako paharap sa kanya at sinandal sa book shieve. Dug..dug..dug.

"maka...hiya.."  for the 1st time he look at me. Tinitigan niya ako! Napalunok ako ng ilang ulit dahil sa titig niya sakin. I never thought I could see his eyes like this. Nakakatunaw, parang hinihila ako sa ibang mundo. Nagwawala yung puso ko.

Pero muntik na akong mapasigaw ng lumapit ang mukha niya sakin. Hahalikan ba ako ng damo? Waahhhh... napapikit ako ng pinagdikit niya ang noo naming dalawa. OH MY GHAD! 1 inch na lang 1st kiss ko na! record holder.. sa damo pa!

"akin ka lang diba?"  napadilat ako bigla. Kahit halos maduling ako sa lapit ng mukha niya, nakikita ko paring nakapikit siya. Did I hear it right? Sa kanya ako? Talaga? Totoo? Walang halong joke?

Bigla kong inuntog ang noo niya.

"aw..." mabagal siyang napa atras hawak-hawak ang noo. Nakayuko rin siya at pasimple-simpleng sumusulyap sakin. Bigla rin siyang tumalikod at patagilid na sumandal sa book shieve. So ganun? Ang lakas ng loob niyang magsabi ng kung anu-ano tapos ngayon babalik siya sa pagiging damo niya. Grrrr.... Kahit kailan ang lakas mong mag pa assume damo ka!

"hoy tumingin ka nga sakin!" pero nanlaki ang mata ko ng bigla siyang humarap at akmang yayakapin na naman ako.

"op.. oppss... steady ka lang"  huminto naman siya saka yumuko ulit sa harap ko. Nakapa maywang akong humarap sa kanya.

"paki elaborate nga ng sinabi mo?"

"ha?" nagkamot siya ng ulo. Nyeta! Ako ba pinagloloko ng damo? Subukan niya lang kundi bubunutin ko siya sa lupang ginagapangan niya ngayon.

" God! Makahiya sumusobra ka na talaga! Naiinis na ako sayo alam mo ba yun? Ang dami mong ginagawa na di ko maintindihan. Ginugulo mo lagi yung utak ko! For once, ipaintindi mo naman sakin lahat ng to pwede? Kasi. . . kasi..."   di ko natuloy yung sinabi ko dahil niyakap na niya ako.

"sorry...!" 

"nakakainis ka!"  napasigok ako. Takte! Naiiyak na naman ako. Nasabi ko tuloy lahat sa kanya. Kasi naman ang gulo-gulo niya. Ano ba talagang gusto niya? Sana naman magsalita siya. Kasi ako. .  aminado na talaga akong gusto ko siya. Dear Lord!

" NASAN SI SHARIE?" sabay kaming napabitaw sa sigaw ni Renzo. Pero tumulo na talaga ang luha ko ng dahan-dahan siyang tumalikod palayo sakin. Akala ko ba sa kanya lang ako, bakit hinahayan niyang kunin ako ng iba sa kanya?

Waaahhhhhhhhh. . . nakakainis kang damo ka!

SI BOY- MAKAHIYA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon