Chapter Eighteen - Drake

606 25 0
                                    

Maaga palang nag aabang na ako sa labas ng gate ng bahay namin. Pasilip-silip ako sa bahay nila angella pero di ko pa nakikita si Renzo. Sana di matuloy yung date nila.

“sir lunch na po!” nasabunot ko ang buhok ko dahil tanghali na pala.

“k..” pupunta sana ako sa daan ng tawagin ako ni yaya tasing

“ sir saan ka pupunta? Kain na po!”

“manang naman eh!” napayuko akong pumasok sa bahay. Parang walang ka lasa-lasa yung ulam. Pero minadali ko yung pag kain ko kasi ayaw kong magalit si yaya na di ako kumakain. At halos mabulunan ako ng marinig ko ang busena ng kotse.

Kumaripas ako ng takbo palabas. Muntik pa akong masubsob sa gate dahil napigtas yung tsinelas ko. Binitbit ko na lang yun saka tumakbo sa labas. Kitang-kita ko yung paglabas ni Angella sa bahay nila. Pero bago pa ako maka abot sa katabing bahay nila eh humarurot na ng takbo ang kotse ni Renzo.

“manang.. manang..”  nagtatakbo ako sa kusina kasi nandun si manang

“oh bakit natataranta ka?”  napakamot ako sa ulo ko. Nakakahiya man pero nanghiram ako ng pera sa kanya. She’s the one who handle my allowance. May ATM ako pero di ko nagagamit. Natatakot ako pumunta ng bangko.

“ano bang bibilhin mo?”

“date po!” nanalaki ang mata ko ng bigla niya akong niyakap.

“date ba kamo? Hala magbihis ka na! dali ihahanda ko yung gamit mo” napa atras ako sa narinig.

“di po!” inagaw ko agad sa kamay niya yung pera saka hinablot ang jacket ko sa may dryer. Pati yung tsinelas sa banyo binitbit ko na. kumaripas agad ako ng takbo palabas hanggang sa may exit ng compound.

Pero napatalikod ako at mabilis na sinuot ang hood ng jacket ko dahil nasa may gate pa ang kotse ni Renzo. May dumaang taxi kaya sumakay ako. At kahit doble-doble na yung kaba ko, pinasunod ko yung taxi sa kanila.

Napapatingin yung driver sakin sa reviewer mirror kaya yumuko na lang ako. Hindi ko alam kung ano tong ginagawa ko. Basta naiinis ako ngayon dahil magkasama sila ni Renzo.

Muntik na akong mag back out dahil sa isang mall sila pumunta. Natatakot man ako pero sumunod ako sa kanila. Buti na lang at kahit naka tsinelas lang ako eh naka pang jogging pants yung suot ko. Tama talaga na nag palit ako ng pajama kanina, kundi mas dobleng hiya pag Makita ako ng tao.

Nakasunod lang ako sa kanila. Di naman siguro ako makikilala ni angella dahil naka hood ako. At naiinis ako dahil ang lapit-lapit nila sa isat isa. And she even didn’t argue with him when he put his arms at her shoulder. Naalala ko, tinulak niya ako ng ilang ulit pag ganyan ako, pero pag si Renzo parang ang saya niya. Nasabunot ko yung buhok ko. Ba’t ba kasi ako sumusunod sa kanila?

Pumasok sila sa isang fast food chain. Nagtatalo yung utak ko kung papasok rin ba ako. Pero mas pinili kung maghintay nalang sa labas dahil nahihiya ako sa ayos ko.

SI BOY- MAKAHIYA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon