Chapter Nine - Sharie

729 29 0
                                    

Dinala kami ni sir david sa faculty room ng p.e subject. Kinakabahan nga ako eh dahil kasama pa namin si trisha.

“ since na move ang social dance next month instead of next week, I made a few changes”  napatingin ako kay makahiya na nakatayo lang sa likuran ni trisha. At bakit di ko alam na move ang dance chuchu nayan, ako lang ba ang walang alam?

“ salazar you can set”  kaya mabagal siyang umupo sa tabi ko. Magka harap kaming apat ngayon at kitang-kita ang pag ka inip sa mukha ni trisha.

“ change partners…”

“ me and drake are partners now so you better back off that ugly face of yours”  nanlaki ang mata ko sa sinabi ni trisha. Si sir david naman napa kamot pa ng ulo dahil inunahan siyang magsalita ng dimonyeta. Sinamaan ko ng tingin ang nakangising si Renzo. Siya may pakana nito eh. Alam ko dahil apo siya ng may ari ng school nato. Argh.. curse you Renzo zulueta!

“ yap.. so miss florez from now on, you and Renzo will be partners and vice versa”

“ sir..”  gusto kong umangal pero nag taas ng kilay si trisha. Napa tingin ako kay makahiya, naka yuko lang siya. Gusto ko siyang sakalin.. gusto kong magsalita siya.. I want him to shout no.. yan naman palagi ang sinisigaw niya pag di nya gusto ang isang bagay diba? Pero… bakit ngayon.. nakayuko lang siya? Shit kang damo ka!

Di nako pumalag ng hilahin ni trisha si makahiya palabas ng faculty room. Bakit pa ako mag a-ala knight in shining armor niya eh di man lang niya ako nilingon. Parang gusto naman ata niyang yung tipaklong ang partner niya eh.. nakaka asar! Wala akong paki alam sa kanya! Nang gagalaiti ako hindi dahil sa gusto kong si makahiya ang partner ko. Pero nasanay na ako sa kanya eh. Yun lang!.. at ayuko ring si Renzo ang partner ko. Nakaka high blood siya. Sakit sa bangs!

Di ko rin namalayang nasa dance studio na kami ni Renzo. Napa pitlag lang ako ng mag sitakbuhan palabas ang nag pa practice ng sayaw dahil pina layas sila nitong impaktong kasama ko. Pasalampak siyang umupo sa sahig.

“ set.”

“ ayuko”  pero hinila niya ang laylayan ng uniform ko kaya napa upo ako sa harap niya. May inabot siya saking sandwich.. inirapan ko siya. Kaya dinuldol niya sa mukha ko ang hawak niya..nyeta! kinuha ko yun at walang ano-anung binato sa mukha niya at padabog na tumayo. Argh… mag kaka alta presyon ako sa sama ng ugali niya. Pero…. Ang lintek, hinuli niya ang paa ko kaya…. Napapikit na lang ako dahil panigurado face first ang dive ko nito.

BLAGG… pero mas naunang nag dive si Renzo kaya sa dibdib niya ang landing ko.

“ ginagalit mo na talaga ako!” bulyaw ko sa kanya saka sinuntok ang tiyan na.

“aww….sha..rie..” nag pagulong-gulong siya hawak ang natamaang tiyan.

“ haha…bleeh..” agad akong tumayo. Ginagalit niya kasi ako eh. Kala mo gentleman pero walang modo. At wala akong panahon para sabayan siya sa kung anong trip nya. Hmmp.. maka alis na nga! Kinuha ko ang bag ko at sinadya ko talagang mapadaan ang bit2x ko sa mukha niya. Nyahaha.. pero…BLAGG… nasubsob na naman ako. Lang’ya ka talagang kutong lupa ka!

“ di mo ko matatakasan”

“ I hate you!”  sinipa ko siya saka gumapang patungo sa pinto. Pero hinatak na naman niya ang paa ko.

SI BOY- MAKAHIYA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon