Chapter Fourten 2.0 - Drake

670 21 0
                                    

Drake

“hi Drake..”   napayuko ako agad ng tumabi si Trisha sakin. Sa gilid ng gym kasi ako madalas tumambay, wala kasing tao at puro puno lang yung nandito.

“kumain ka na?” umiling-iling ako sa kanya. Bigla siyang nag latag ng tela at nilabas lahat ng pagkaing dala niya. Mas napayuko tuloy ako ng ngumiti siya.

“dali kain ka na. niluto ko yan for you! Favorite mo ba ang caldereta? Ako kasi that’s my fav. Wooahh sarap..”  nayakap ko ang tuhod ko saka umuob. Natakip ko pa sa ulo ko ang librong binabasa ko. Caldereta. Naalala ko si Angella sa caldereta. Nung nasa bahay siya sarap na sarap siya sa ulam nayan.

“come on! Don’t waste the blessings. .  plus the effort”  tumawa siyang hinila ako at pinaupo sa tela. Nayakap ko tuloy yung bag ko. Binigyan naman niya ako ng paper plate na may lamang pagkain. I just stared at it so she took my bag and put the plate in my lap. Napatingin ako sa kanya pero umiwas din agad ako ng tingin dahil nakangiti siya. Tahimik nalang akong kumain, siya naman nakangiti lang sakin.

Well, she’s not that brat gaya ng una kong akala sa kanya. Sa lumipas na araw nakilala ko siya. She’s annoying sometimes but she has a sense on everything. At kahit tango lang ang palaging sagot ko sa kanya, she still kept on talking as if she wants me to know her story, so I listen. Dalawa lang daw silang magkapatid. At kung maldita daw siya, wala siyang panama sa kapatid niya. She said her sister is a bitch. I don’t even know what that means. Kasi di lang naman sa ugali na me-measure ang personality ng isang tao. That’s what my mom taught me.

“Practise tayo after symposium?”

“k..” I nodded saka tumayo na. tapos na kasi kaming kumain.

“hmm drake.. pwede ba akong pumunta sa bahay niyo?” I took a step back at tumalikod sa kanya.

“k..”

“yeehheyy… thank you..”  then she hug me. Pansin ko lang ang hilig-hilig niyang magyakap. Ang hilig niyang maglambitin sa leeg ko kada practise namin kahit parang tuod lang naman ako sa twing ginagawa niya yun. Well, Trisha is a sweet girl.

“tara sabay na tayo sa audi” hinila niya ako papuntang science building, nandun kasi yung auditorium. Pero nung nakita ko si Angella papuntang locker room, kumaripas ako ng takbo at di ko na pinansin yung nakakabinging sigaw ni Trisha. Sinundan ko si Angella hanggang sa audi. Kaya nung nakita kong wala na siyang maupuan ay hinila ko siya dun sa pinakasulok.

Ito na naman yung abnormal na pagtibok ng puso ko ng mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. I don’t want to lose her grip again kaya kahit sobrang pawis na ako dahil sa kaba, mas hinigpitan ko ang hawak sa kanya. I even intertwined her hands to mine. Pakiramdam ko talaga. .  akin lang siya!

“hoy..  hoy..”

“no!”  hinila ko yung kamay niya papunta sa leeg ko. I’m securing her hand as if there might be someone who will grab her.

“a. .  ano ba?”  umuob ako sa arm rest kasama ang kamay niya sa ilalim ng leeg ko. Kung pwede lang siyang ibulsa at dalhin sa bahay, ginawa ko na. I’m shy. .  but I’m being possessive to Angella.

SI BOY- MAKAHIYA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon