Chapter Fourten 1.0 - Drake

698 21 0
                                    

( refer to chap 5-11)

DRAKE POV

Alam kong magkakalat lang ako sa P.E class namin dahil partner ko siya. Kinakabahan pa ako dahil panigurado sisigawan lang niya ako. Alam kong galit siya dahil bagsak siya sa exam report ko. Sinadya ko na ngang easy question lang yung exam ko pero bagsak pa rin siya. Nanlilisik tuloy yung mata niya. Bakit ba palagi siyang nagagalit sakin? Ginagawa ko naman lahat diba?

I tried to be calm kahit natakot ako sa sigaw ni sir David. Idagdag pa na halatang galit si Angella sakin. Alam kong nakita niya ako sa locker kasama yung tatlong babae, nakalimutan ko ang pangalan niya, basta yung maganda at sexy.

“Salazar what are you doing? Hold your partner!” mas nadagdagan ang hiya ko ng siya mismo ang kumuha ng kamay ko.

“you want another partner?”

“NO!”  napasigaw ako at wala sa loob-loob ko na humigpit ang hapit ko sa baywang niya.

And this is want what I’m saying. . .  natatakot akong hawakan siya dahil baka di ko na siya bitawan pa! Oo mahiyain ako, pero pag ganitong sobrang lapit ako sa kanya pakiramdam ko AKIN LANG SIYA!

At kahit tinutulak na niya ako, mas isinubsob ko siya sa dibdib ko kasi parang ang saya sa pakiramdam na ganito siya kalapit sakin. It’s weird!

“please……”  

****************

In my own little ways, I know she’s mine. Pero di ko inasahan na may isang tao ring aangkin sa kanya. Isang taong kahit balik-baliktarin ang mundo, wala akong panama sa kanya. He’s a heartthrob, I’m a commoner. He’s bully, I’m being bullied by him. He is Renzo Zulueta, and I’m just Angella’s makahiya. Ang bobo ko para makipag kompetensiya sa isang tulad niya.

“ I like you!”  sinuntok ko siya ng sabihin niya ang salitang yan kay Angella. Ni hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para gawin yun. Maybe I’m scared. .  I’m scared of the fact that there’s someone who can steal her. At di ko naisip na may ibang magkakagusto sa kanya ng ganun-ganun lang. Galit ako sa sarili ko na sa tinagal-tagal na pag sunod-sunod ko kay Angella, may isang taong kayang isigaw sa lahat ng tao na gusto siya. Eh ako? Hanggang pag-iwas at yuko lang ang kaya ko. I even can’t help myself from being bullied, pero siya pa nag nagtatanggol sakin. I’M STUPID!

“One day, I promise, she will be mine!”  his words strike me like a lightning, hindi ako makatulog, ni makakain dahil parang nahihirapan akong huminga sa twing naaalala ko yun. Ibig bang sabihin nun, aagawin niya si Angella? Magiging kanya daw si angella, ganun ba niya ka gusto yung babaeng yn na isigaw talaga sa mukha ko. Oo, I know she’s not anyone possession pero mas una ko naman siyang napansin diba? Diba yun counted? I sigh.

Lumipas ang mga araw na para akong lutang. Idagdag pa si Trisha. Palagi niya akong inaabangan sa labas ng classroom, sinasamahan sa lunch. Pero kahit nabawasan yung takot ko sa kanya, si Angella parin yung nasa isip ko kahit halata namang naiirita sya sakin dahil sa pag-iwas ko sa kanya.

Kaya sobrang saya ko ng mag practise kami. Nagbaon pa talaga ako dahil di ako nakakain pag si Trisha ang kasama ko. At gaya ng dati. . . natatakot na naman akong bitawan siya.

Aaminin ko Na miss ko siya! Na miss ko yung hawak niya. Kay mommy ko lang naramdaman ang ganitong feeling.Di ko alam kong nararamdaman niyang humigpit ang yakap ko sa kanya. At parang di na ako makahinga kasi ito naman yung kakaibang kaba ko sa twing ganito kami kalapit sa isat isa.

“breath. .  I can’t breathe…”   Totoo! Di na ako makahinga dahil sa kaba, saya at takot. Totoo nga yung sabi ni yaya Tasing dun sa pelikulang “She’s dating the gangster”. You can’t breathe because breathing is like love. And I think I can’t breathe without Angella. I don’t even know what’s the meaning of this. Ang alam ko lang gusto kong palaging hawak siya.

‘”wa.. what?”  hinapit ko ang baywang niya. Ni hindi ako nakaramdam ng hiya ng tumili na yung bestfriend niyang si Jannah.

“heart… heart attack…”   I hug her tight. Di yun ang ibig kong sabihin pero wala na akong ibang maisip kaya hinila ko siya papunta sa likod ng science building. Ang daming nabubuong plano sa isip ko dahil sa wakas na solo ko siya. Pero hanggang plano lang ako dahil ang nanginginig na ako sa kaba.

“anong trip mo?”   napakamot ako sa batok ko. Nakakahiya man pero ito lang talaga ang naiisip ko.

“sasayaw tayo dito? Haha adik ka!” tinampal niya ang kamay ko saka tumayo.

“please…”   Angella please!

“fine!”   hinapit ko agad ang baywang niya. Ang lakas ng loob kong yakapin siya. Ewan ko ba, nasasanay agad akong hawakan siya. Wala naman akong ibang gustong gawin kundi maksama siya. Possible kayang gusto ko na talaga siya? Pero kasi, inamin ko naman na sa sarili ko na akin siya. Ewan ko! Pakiramdamam ko talaga akin siya!

“angella…”

“bitawan mo na nga ako. Uuwi na ako”

“NO!”

“Tayo na sabi eh!” di na ako pumalag ng hinila niya ako pabalik sa room namin. Holding hands? Ang sarap rin pala sa feeling pag may ka holding hands kaya mas humigpit tuloy ang hawak ko sa kamay niya.

Pero kung gaano kadali yung happiness na naramdaman ko sa twing kasama siya, agad yung napalitan ng sobrang kaba. Di ko na naintindihan ang mga sinasabi ni sir David. All I know is that Angella is not my partner anymore. Ni hindi ko na nagawang sumigaw kahit gustong-gusto kong magreklamo. Natatakot ako at nahihiya ako sa sarili ko. Parang ang hirap isipin na may ibang hahawak at yayakap sa kanya. I don’t know, but I think. .  I’m hurt!

But when this beautiful and sexy girl named Trisha hug me, I managed to smile. Dahil kahit sinong babae ang hahawak at yayakap sakin, iba pa rin yung tibok ng puso ko pag si Angella yung hawak ko.

Days passed at para na akong tulala. Hindi na niya ulit ako pinapansin, ni sulyapan parang ayaw niya. Sinasadya kong makasalubong siya araw-araw. I still stalked her every day. na kahit magkatabi lang kami pero parang nag layo- layo parin niya.

Si Renzo araw-araw kasama niya. Araw-araw sumasayaw sila. Angella.. sana partner pa rin kita.!

SI BOY- MAKAHIYA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon