Chapter Six - Sharie

805 35 0
                                    

Flag ceremony.. ang init2x.. Monday na Monday pero sira na ang araw ko. Ba’t ba ng tagal-tagal ni Jannah?  Never pa yung na late basta flag ceremony. Takot yun sa prefect.. may 10 minutes pa naman bago mag start. My gosh! Prito na ako sa init.

“ DAMN.. TANGA KA BA? LOOK WHAT YOU’VE DONE?” 

Napatingin ako sa kumpulan ng students. There, I saw the bully. Duh! Ang heartthrob kuno ng Ignacious High. Si Renzo Zulueta.. well, gwapo pero ang attitude.. yuck.. mapanghe pa sa iniduro..pwee!

“ punasan mo yan, kundi sisipain kita.”  Tinulak niya ang binubully. 

Takte!  Si makahiya!  Pinag tulak-tulakan siya ng apat. At ang tukmol nakayuko lang. gosh! Ang loser mo talaga kahit kalian ka.

“ANO?”  bulyaw ni Renzo.  Napapikit ako..

No Sharie.. wag kang maki alam dyan.. bahala si damo sa buhay niya. Bakla talaga. Ako…kailan niya ba ako tinulungan? Never! When did that stupid grass help me in times of my needs? Diba never!..

“ lumuhod ka! Haha.. ano iiyak ka..tol. bakla ata to eh” 

No Sharie!...

“ISA…” booggsshhh.. nasubsob si makahiya..

“DALA…”

“STOP YOU STUPID COW..!”    di ko alam bakit ako biglang naki alam dito. 

“what did you just call me?”  he smirk at my face.. tinulak pa niya ako.. nasubsob ako kay makahiya. . pareho na kaming nagka putik ang uniform.

nyeta! ginagalit ako nitong impaktong to..  tumayo ako at hinila patayo ang damong nakayuko. I position him at my back.

“bakla ka bah?  Unfair nyo ha. Isa laban sa tatlo”   ang dami ng nag bubulungan. Pero umuusok na talaga sa galit ang ilong ko.. nyahaha… ngayon nyo makikita na war freak ako.

 Bigla niyang hinindot ang noo ko. Tinampal ko agad. He just smirk.

“I like you..”    wapak!… natumba ang impakto.

0_0 . . . 

“GAGO KA..”   bumangon agad si Renzo at susuntukin sana si makahiya pero umawat na ang isang teacher. Nagpumiglas siya.

“HOW DARE YOU.. ANO SUNTUKAN TAYO?” 

“stop mr. zulueta.. you,you and you.. detention.”turo niya saming tatlo..pero. 

tama ba yung nakita ko. Nakasuntok si makahiya. At take note.. ang bully pa ng school ang inumbagan niya.. I almost teary eyed.. proud ako sa damo!

Dinala kaming tatlo sa discipline office. Walang nagsasalita samin ni makahiya. Itong impakto lang ang ang putak ng putak. Asus! Para namang ngayon lang siya na detention. Ako nga dapat di ako kasali dito eh.. grr… just because of that filthy grass masisira pa ang image ko. At 4 hours kami sa DR dahil dalawa ang offense namin. 1st ang pakikipag-away at pag skip ng flag ceremony.

“HUMANDA KA TALAGA SAKIN” kahit nasa detention room na kami eh nang gagalaiti pa rin ang impakto. Itong si makahiya palagi lang nasa likod ko. Umupo ako sa isang upuan. Sumunod nman agad si makahiya na pumuwesto sa upuan sa may likod ko. At ang isang kutong lupa eh ang sama-sama ng tingin sa makahiyang nakayuko lang. humalukipkip pa sa ding-ding at sa sahig nag emote. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sakin at sa damo. Then all of a sudden eh lumipat siya sa upuan sa harap ko. Naka harap pa siya mismo sakin. Sarap sipain!

SI BOY- MAKAHIYA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon