Chapter Forty Two- Sharie

351 17 0
                                    

“let’s go babe.” Hinila ako ni Renzo pababa ng bahay. Naka bihis na rin si Jannah at nanunuod ng spongebob sa sala. Dumiretso kami sa labas kaya nagkumahog sa pag takbo si Jannah.

“hoy! Iiwan niyo na naman ako ha?”  nag sumiksik siya sa likod ng kotse kaya wala ng nagawa si Renzo. Tahimik kaming nag byahe. Hindi ko alam kong anong sasabihin ko, kung anong nararamdaman ko ngayon. Buti nalang talaga at tahimik lang si Jannana nagbabasa ng libro. Tumingin ako kay Renzo na seryosong nagmamaneho. Hindi ko pa pala alam kung saan kami pupunta.

“Enzo, saan tayo….”

“secret.”  Nakangisi niyang saad. Ngumiti rin ako sa kanya saka binaling ang tingin sa labas. Ilang minuto pa ay nakarating kami sa isang subdivision. Huminto kami sa isang malaking bahay na color white. Sobrang laki at ganda.

“welcome to my humble home!” hinila niya ako papasok sa loob. Grabe! Sobrang laki ng bahay nila. Si Jannah nagtatakbo na agad sa second floor, ang kulit talaga!

“anong ginagawa natin dito?”

“to celebrate your birthday.”  Tinaasan ko siya ng kilay.

“na naman? Tataba ako nito eh!” I pouted kaya ginulo niya ang buhok ko.

“ipapakilala lang kita sa kanila.”

“ha?”

SI BOY- MAKAHIYA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon