Chapter Twelve - Sharie

779 28 2
                                    

“ sharie”

“ wag kang magulo, mainit ang ulo ko!”

Biglang hinatak ni Jannah ang papel na kanina ko pa buong pagmamalaking pinang gigilan.

“ FLAMES?”

“sshhhh…”

“ hihihi.. anong result?”

“ WALA!”   nilukot ko ang papel at nag 3 points sa trashbin.

Duh! Buong gabi lang nman akong nag-isip kung anong nangyayari sa buhay ko. At buong morning class nag fe-FLAMES ako. Me and Renzo LOVERS… me and drake MARRIAGE.. so si Renzo ang lover ko pero si makahiya ang husband to be ko? What a life! Sinubukan ko rin ang love calculator, ang ending 99%.. kanino? Of course dahil sa malandi ang mga hormones ko.. silang dalawa!

Arghh… sasabog akong brainceels ko, pati ang hypothalamus ko for sure mag fo-flow.

“ SHARIE”

Agad akong nagtago sa ilalim ng upuan. Nag quit sign pa ako kay makahiya dahil natapakan ko ang ugat niya.

“ NASAN SI SHARIE?”  lang’ya kang impakto ka. Lubayan mo na ako! Di ako sasama sayo sa kabilang mundo.

“ oy si sharie daw”

“ nandun lang yun eh”

Animal kang Tristan ka! Humanda kang makalbo mamaya! Pati yang balbas mong nagpipilit mag live show dudukutin ko yan.

“ sharie… anong nangyari sayo? Nadapa ka ba? Alin nag masakit?”

Di ko na nagawang mag evaporate ng lumuhod si Renzo sa harap ko na kulang nalang hubaran ako at eh xray ang katawan ko.

“ lamp aka talaga!”  pinagpag niya ang damit ko. Nman renz! Utang na loob! Wag kang mag pa cute, nasisira ang calculations ko.

“ tumabi ka nga!”  pinagtulakan niya sa upuan si makahiya ng pinatayo niya ako. Natural, yumukyok ang damo at napilitang malanta sa isang sulok.

“ tara na. tabi2x harang-harang kayo!” at hinila niya ako palabas. Oyy.. holding hands.. ma measure nga ang intensity ng electric current.

“ panuorin mo akong sumayaw sa dance studio sharie. Sumali ako sa hiphop. Naman! Gwapo na talented pa at…

“ ayy…”

Ang measurement ko lumagpas sa tape measure ng may biglang humila sakin at kinaladkad ako sa likod ng school.

Takte! Halos naimagine ko pang naglipa ang cm and inch sa sobrang high ng intensity of electric current and electric shock.

SI BOY- MAKAHIYA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon