Chapter Twenty Two- Drake

682 19 0
                                    

Naka lagay ang  ulo ko sa arm chair ng may nag tampal ng batok ko. Nag angat ako ng tingin pero nakangiting mukha ni angella ang bumungad sakin.

“good morning makahiya.” Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Hanggang ngayon di parin ako sanay na pansinin siya sa maraming tao, nahihiya pa rin ako sa kanya. Pag kaming dalawa lang, humanda siya. Umuob ulit ako sa arm chair. Inaantok pa talaga ako.

“ friend ba’t di ka pumunta sa party ni rick, may surprise paman kami sayo!”

“ANO?” sigaw ni angella. Narinig ko ang pagpukpok ni Jannah ng libro sa ulo niya.

“kailangang sumigaw? Tsk.. naku ang arte-arte mo talaga. Ininvite ka na nga na ninjan ka pa”

“di ko sinabing pupunta ako kaya sorry nalang!” napapangiti talaga ako pag nagtataray siya.

“sus! Sinong kasama ko kagabi aber?” napa ayos ako ng upo at nagkunwaring nagsusulat. Tinapunan ako ng tingin ni angella bago siya nagsalita.

“si. .  mommy’t daddy. Sino pa ba?”

“weh? Nakita ko kaya sila tita sa company kagabi kasi dumaan ako dun”

“weh? Di mo ako nakita dun? Tsk bulag ka talaga! Shut up ka na nga Jannah, inaantok ako!” nakita kong napatulala si Jannah na parang may iniisip. Siguro napaniwala niya ang bestfriend niya. Bahagya kong inusog ang upuan ko palapit kay angella saka tinusok ang baywang niya ng ballpen. Napatayo agad siya saka tinitigan ako. lumabas ako ng classroom at alam kong susunod siya.

Pag labas ko nakita ko si Renzo na kausap yung rick na sinasabi nila kaya bumalik ako sa loob at hinila si angella pabalik sa upuan niya.

“kyyaahhhh… oyyy si Salazar type makipag holding hands kay sharie hahaha”

“hey, shut up you bruha”  sigaw ni angella. humalukipkip ako ng upo dahil sa hiya. Ano bang nasa isip ko ba’t ko ginawa yun? Ayaw ko lang namang magkita sila ni Renzo, nagagalit talaga ako. di ko masikmurang isipin na niyayakap niya ang pag mamay-ari ko. Kahit mahirap, kahit nakakahiya gagawin ko ang lahat di lang sila magkalapit na dalawa. Sa lumipas na mga araw nasasanay na akong sa akin lang si angella, kahit palihim, kahit kami lang dalawa. Di naman sa rami ng taong nakakaalam ang sukatan ng pagka gusto mo sa isang tao diba? Kahit kayong dalawa lang ang nakakaalam, sapat na yun para mag grow ang feelings niyo sa isat’t isa. Yan ang palaging sinasabi ng mom ko.

“hoy may rehearsal daw sa social dance. Labas lahat!” nagtakbuhan silang lahat pero hinila ko ang kamay ni angella kaya napag-iwanan kami sa hulihan.

“pwde bang wag ka na lang sumali?” bulong ko sa kanya saka mahigpit na hinila ang baywang niya. Kumunot ang noo niya.

“di pwede, grades yun!”napa atras ako kasi ang lapit ng mukha niya.

“hoy Salazar! Bilisan mo na dyan!”  hinila ako ni angella palabas hanggang sa field. Iniwan nya rin ako dahil ang dami ng tao. Parang nagsisi ako bakit hinayaan kong pakawalan ang kamay niya dahil hawak-hawak na siya ni Renzo ngayon.

SI BOY- MAKAHIYA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon