Chapter Twenty Four - Sharie

518 21 1
                                    

Last day na bukas ng foundation week at bukas na ang social dance. Yeah, I’m a little bit excited pero parang may di ako magandang nararamdaman these past few days. Well, sa nakalipas na tatlong araw, buntot ng buntot sakin si makahiya, palagi kaming magkasama at pasimple-simpleng naghaharutan. Not that super harutan like what you all been thinking we just always hug and holding hands everytime. Mas nahuhulog na ang puso ko sa damo. I won’t deny it, I think mas lumalalim na ang nararamdaman ko sa kanya. Pero di ko na ulit hinayaang matulala sa titig niya dahil palaging nagbabadya ang lips niya. Kung pwede lang talagang lagyan ng packaging tape I’m sure silyado na ang nguso niya.

Game ngayon nila Renzo kaya nandito ako sa gym. Di naman talaga dapat ako nandito dahil ayaw ni makahiya pero kasi sa nakalipas na araw di ako pinapansin ni Renzo. Minsan nagkakasalubong kami pero he will just stare at me for 5 seconds and then he will walk away. I know mabuti narin yun para wala ng gulo pero may di talaga ako magandang nararamdaman ngayon eh.

Si makahiya? Ayun! Kinidnap ni trisha sa soccer field. Nalingat lang ako ng kunti, nawala na siya bigla and worst, I will see him in trisha’s arm? Animal siya! So here I am, pinipilit ang sariling panuorin ang impaktong kahit sulyap man lang sakin di magawa. Shete! What’s wrong with this day?

“go renz.. waahhh ang gwapo mo!”

“papa Renzo goooo… kyaaahhhhh…..”  inismiran ko ang mga trying hard na fan. Kung makasigaw halos pumutok na ang mga litid sa leeg nila, may mga banner pa.

“hi enzo…”   I wave at him dahil  nakatingin siya sakin pero nawala agad ang ngiti ko nang di man lang siya ngumiti at tumakbo na papuntang bench nila.

“hahaha.. feelinggera..”

“I’m sure nagsawa na si renzo sa kanya, masyadong maarte kala mo maganda!”    I’m swear, gusto ko silang sabunutan at ihagis sa basketball ring. But I choose to be calm kahit naiiyak na ako sa frustration. Makahiya is with trisha, tapos di ako pinapansin ni Renzo. Nyeta! Ang panget ng araw na’to!

Kahit di pa tapos ang game, lumabas na ako. di ko na kaya ang ingay at init sa loob. Dumiretso ako sa field pero tapos na yung cheering team sa pag perform, may tinatayo na ngang stage sa gitna eh. I sigh. Nasan na kaya ang damo? I look at my phone, walang text. I’m not expecting makahiya na tatawag sakin noh, I’m expecting Jannah or Renzo.

“sharie? Oh my gosh shar.. I miss you! Musta ka na?” nag atubili akong tanggapin ang yakap ni ate alexa. Sobrang jolly niya na parang matagal na kaming magkakilala, well in fact isang beses pa lang naman kaming nagkita.

“hi rin po. Ano pong ginagawa niyo dito ate alexa?”  halatang nag panic si ate alex, lumingon-lingon pa siya na parang may hinahanap. Bigla niya akong hinila paupo sa may bench.

“aahh.. hehe. I just want to check Ren-Ren, that’s all!”  nag clap pa siya ng kamay. Kumunot tuloy ang noo ko.

“Ren-Ren?”  bigla siyang tumawa saka tumayo.

SI BOY- MAKAHIYA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon