Chapter Two - Sharie

1.1K 36 0
                                    


"Jannah! Hoy Jannah"




"Ano bah? Di ako bingi. Wag kang sumigaw" naka simangot pa siya. Busy kasi tong babaeng to  sa pagbabasa. Kahit saan dala niya yang Hunger game book niya. Kailan ba niya matatapos yan. Kahit break time nagbabasa pa rin. Duh! Boring. Siniko ko na talaga siya. Pero hinila niya ako papuntang classroom.  Pero may 15 minutes pa bago magsimula ang klase kaya pumunta muna akong cr.




"Hay naku Sharie Angella Flores sino bang nagsasabing panget ka? Haruuu! Ayan na oh, kitang-kita. Mirrors don't lie."  pagmamaganda ko sa salamin. Abah! Im so pretty kaya. Insecure lang ang iba sa exotic beauty ko. Makalabas na nga.




Opss.. nanlaki ang mata ko. Sila Trisha.  Dali-dali akong pumasok sa isang cubilcle. Naku-naku! Dear lord! Papa Jesus. Don't let them find me. Promise magsisimba na ako. Mas lumakas pa ang kaba ko nang marinig kong pumasok sila.




"Oh my God Trish! Have you seen him na?"  Ayy kahit dito sa cr boylet parin ang topic? Ang landi ah.




"Yeah Trish. As in oh em gee! He's so gwapo kaya. You must find that cute guy. Olala! He is so yummy, pak na pak."   I rolled my eyeballs up sa narinig. Yuck!




"SHUT UP KAREN!"  muntik na akong mapa lundag sa sigaw ni Trisha. Napa pikit tuloy ako. My gulay. Kakatakot talaga tong tipaklong na'to. Paano nalang pag nakita nila ako diba? Naku! 



"Ano ka ba Trish? Karen's right kaya. He has that shy type but in a mysterious way"



"Duh! Find! Gotta go girls. Ambaho dito."  Opss. Sorry naman. Naglabas lang ako ng kaba.  Narinig kong lumabas na sila kaya padabog akong lumabas ng cubilcle. Pero langýa! Napalingon ang mga bruha.




"YOU!"  pasigaw na sumugod si Trisha. Patay na! Pero bago paman niya ako mahablot ay may nakita akong dumaan.



"HELP!"  napatingin tuloy silang tatlo sa sinigawan ko. Pero muntik na  akong mapa iyak ng makilala ko yon. Lagot na! Si boy Makahiya.  Sisigaw ulit sana ako nang mapansing kong napangiti si Trisha at walang sabi-sabi eh nilapitan ang tukmol. Nakita ko pa ang pag higpit ng hawak niya sa bag pack niya. Nakayuko pa siya. Wala naman talaga akong planong magpatulong sa kanya eh, diba nga wala syang kwenta. Gusto ko lang ma divert ang pansin nila. Pero  sa nakikita ko mukhang kasalanan ko pa kung pati ang lampang lalaking to eh madamay pa sa kamalasan ko. Hmmp! Sige na nga.  Ako muna ang mag papaka knight in shining armor sa damong to.

SI BOY- MAKAHIYA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon