Chapter Thirty Eight- Sharie

395 17 0
                                    

Medyo maayos na ang pakiramdam ko kinabukasan pagpasok ko ng campus. Nakita ko si Jannah na inaabangan ako sa may gate.

“ Sharie..”

“ good morning Jannah....”

“ ahm.. cutting class tayo!”

“ ano?”   hinila niya ako palabas ng gate.

“ hoy Jannah.. ano bang nagyayari sayo?”   kumawala ako sa hawak niya at tumakbo papasok ng campus. Hinabol niya ako pero mas mabilis akong tumakbo.

“ Sharie.. wag dyan sa bulletin....”   huli na ng marinig ko siya dahil nangingilid na ang luha ko na ngayon ay nakatulala sa bulletin board.

“ witness the  engagement party of two souls with one heart. Tiffany Belle Villafuerte and Drake Justin Salazar’s engagement ceremony.”

I bite my lower lip as Jannah encircled her hand at my shoulder.

“ friend okay ka lang...”

“ I’m fine! Hmm.. wala na bang bago?”    naglakad ako. I just pretended to be okay habang papasok kami sa campus. Kahit parang ang hirap humakbang at ang bigat ng pakiramdam ko.

Wag kang iiyak Sharie!

“ Sha..”     nakahinga ako ng maluwag ng Makita si Renzo.

SI BOY- MAKAHIYA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon