THE VICTIM ACTS
No one escapes from my anger and pain.
Act 7
How It Should Be Done
[Lee]
Pagkatapos ng nakakapagod na araw sa ospital, dali-dali akong nakipagkita kay Jesse. About a week ago, Kira told us everything that happened to her. Sobra akong naawa sakanya. I don't even know how to help her. Pero may naisip na akong paraan ngayon para makatulong sakanya.
"Hey. Bakit mo ko pinapunta dito? Ano bang favor yang hihingin mo sakin, ha?" tanong ni Jesse pagkaupong pagkaupo nya sa tabi ko.
Uminom muna ko ng vodka sa shot glass na hawak ko sabay tingin sakanya. "Gusto ko lang sanang mangalap ka ng information about Kira. Pati na rin yung apat na lalaking lumapastangan sakanya. The leader's name is Jethro Marcos. Find out who the remaining three guys are."
"What?! Anong tingin mo sakin, private investigator?? Stalker? No way, pare. Ayoko. In fact, Kira's not my business and not even yours. Natulungan mo na sya, Lee. Hayaan mo na sya ngayon." sumandal sya sa upuan habang umiiling.
Haaay. Sabi na nga ba't hindi magiging madali ang pangungumbinsi ko sa isang to. Sa lahat pa naman ng kakilala ko, itong lalaking to ang pinaka-maarte. Minsan nga naiisip kong bakla sya at kaya gusto nyang lagi akong kasama eh dahil sa type nya ko.
"Okay. If you say so. Tatawagan ko na lang si Megan at may itsi-tsismis ako sakanya." kinuha ko ang phone ko at waring tatawagan si Megan nang hablutin ni Jesse ang phone ko.
"Fine!! Geez, Lee! You're so annoying!" ngumiti ako sakanya sabay kuha ng phone ko sa kamay nya.
"Deal. Walang bawian ha. Tawagan mo na lang ako pag may nalaman ka na." ininom ko ang natitirang vodka sa baso ko sabay tayo. Bago ako umalis nang tuluyan, nilingon ko ulit si Jesse. "Dude, wala akong number ni Megan." kitang-kita ko ang inis sa itsura nya kaya bago nya pa ko maupakan, tumakbo na ko palabas ng bar.
Nang makauwi ako sa bahay, naabutan ko si Kira na nasa living room at hawak ang isang picture frame kaya agad ko naman syang nilapitan.
"Good evening." nagulat sya sa bigla kong pagsasalita kaya nabitawan nya yung frame at nabasag ito.
"S-sorry!!" dali-dali syang umupo at natatarantang dinampot yung frame at pinick-up isa-isa yung bubog na nasa sahig.
Kinuha ko ang kamay nya at itinayo sya. "Hayaan mo na yan. Ipapaligpit ko na lang sa mga kasambahay. May walis naman, bat kelangan mo pang pulutin yung mga nagkalat na bubog?" pinagpag ko ang maliliit na bubog sa kamay nya.
"S-sorry talaga. Di ko naman sinasadyang maihulog itong frame. Nasira tuloy yung pinaglalagyan ng picture na to." kinuha nya sa basag na frame yung picture sabay pagpag dito. "Sino 'tong babae na kasama mo dito?" nakatitig nyang tanong sa akin.
Nakangiti kong kinuha ang picture sakanya. "She's my wife." nilapag ko ang picture sa mesa. "Yuwe!! Pakiligpit naman nung kalat dito oh." utos ko sa maid.
"Opo, sir." tumango si Yuwe at hinigit ko na si Kira paakyat sa kwarto nya.
So far, so good. Yan na lang ang masasabi ko about Kira's recovery from what happened. Ilang araw pa lang ang nagdaan mula nung magising sya from coma pero okay naman sya. She's a strong woman although there are specific times na nagigising ako at night pag naririnig ko syang sumisigaw. She's having nightmares kaya paminsan, binabantayan ko sya sa pagtulog nya. I'm so into her. I just can't help myselp from protecting her.
"Kuya Lee, if the woman in that picture is your wife, then where is she?" tanong nya sa akin nang makaupo sa kama nya.
I smiled. "She died a year ago." kinuha ko ang gamot nya sa desk at nagsalin ng tubig sa baso. "Drink your med na." I handed the medicine to her.
Kinuha nya ito at ininom. "I'm sorry to hear that po." nakayuko nyang sinabi sa akin.
"It's okay. There's nothing to be sorry about." umupo ako sa tabi nya. "3 days after ng kasal namin, she died. Meron kasi syang cancer of the bones. Kumbaga, I just wanted to marry her for the last few days of her life. I want her to be my wife before she dies. I did everything to make her happy during those days. I love her. That's all I know. Sya na rin kasi ang nagsabi sakin na kapag nawala sya, gusto nyang tanggapin ko na lang kasi that's the way it is. Ngayon, mahal ko pa rin sya pero tanggap ko na wala na sya. I moved on. I bet she's happy now." nagulat ako nang bigla nyang isinandal ang ulo nya sa balikat ko.
"A very nice story from your past. You're very brave, Kuya Lee." bulong nya.
"Brave? I don't know. Maybe. Kaya ikaw, I want you to be brave when you finally get the chance of having your revenge."
"I don't even know how to start, Kuya Lee." umupo sya nang maayos.
Hinawakan ko ang kamay nya. "I know how you'll start. Tutulungan kita. And can I ask you a favor??"
Kumunot ang noo nya. "Favor? Name it."
Huminga ako ng malalim. "Pwede bang wag mo na kong tatawaging Kuya? Lee na lang. 3 years lang naman ang tanda ko sayo eh. I'm only 23."
Tumawa sya ng malakas. "Ang tanda mo na pala! Hahahaha!! Pero infairness ha! Doctor ka na agad! Hahaha! Matalino ka rin eh, noh? Hahaha!"
I never thought na ganito sya mang-alaska. She's recovering really fast. Nagagwa na nya akong asarin ngayon.
"At the age of 16 pa lang kasi nakapag-college na ko. Every summer naman, kinukuha ko na nang advance yung ibang subjects kaya mabilis akong nakatapos. Grabe ka ha. Kung mang-asar ka kala mong gurang na ko."
Tumigil sya sa kakatawa. "Graduating na sana ako ngayon. Kung di lang nangyari sa akin ang lahat nang iyon, masaya sana akong nag-aaral ngayon. Fvck them all. Hintayin lang nilang dumating yung araw na makapaghiganti ako. Lahat ng mga pangarap nila sa buhay, mawawala na lang na parang bula."
"Good. That's how it should be done. We will make them pay for what they have done to you."
BINABASA MO ANG
The Victim Acts
General FictionShe is Kira Gonzaga. Raped by 4 unknown men and when they thought she was dead, they left her in a shallow river. She's up for her revenge with the help of the one who saw her lying on the midst of misery. One by one, she will make sure that they wi...