Act 2: Mt. Shinra

4.5K 69 4
                                    

THE VICTIM ACTS

No one escapes from my anger and pain.

 

ACT 2

Mt. Shinra

[Kira]

Halos pitong oras rin kami bumyahe papuntang Mt. Shinra at masasabi kong worth it ang pitong oras na yun. Sobra kasing nakaka-relax ang ambiance ng lugar na ito. Mahangin, tahimik kahit papaano, at nakakatuwang makita ang mga puno na sumasayaw sa hampas ng hangin.

Eto ang bakasyon!

"Nakuha nyo na ba ang mga gamit nyo? Na-inform ko na ang moutaineers about satin and they will guide us til we reach the campsite. Make sure na yung mga pagkain nyo anjan ah." panimula ni Mike sa amin.

"I'm readyyyyy!!" masaya kong sinabi sakanila at tinawanan na lang nila ako. Minsan lang ako maging ganito kaya pagbigyan na lang nila ko.

"Okay guys, let's go!" umakbay si Rex kay Reese at nagsimula na kaming maglakad papunta sa campsite or should I say, mag-hike papunta sa paroroonan namin.

Marami kaming nadaanan na shallow waterlands kaya naman basa ang mga sapatos namin pero walang arte arte samin kaya wala rin kaming pakialam kahit matalsikan pa ng putik ang mga damit na suot namin. May mga parte rin na sobrang creepy dahil sa kapal ng mga halaman kaya naman iwasan daw namin ang mag-isang maglakad sa gubat dito sa bundok dahil panigurado daw na maliligaw kami. Not just that, dahil sa wala ring masyadong tao rito para mag-hike, there's a possibility na walang makarinig sa amin if ever we beg for help at wala ring reception dito kaya no matter how many times we try to call someone, it will be nonsense.

It was a very exhausting hiking pero okay lang kasi sulit naman kasi pagdating namin sa campsite, sobrang ganda ng view. Mula sa itaas, kitang-kita ang mala-pastulan ng hayop na fields. Feeling mo rin maaabot mo na ang mga ulap mula rito. Sariwang sariwa ang hangin at sa di rin naman kalayuan ay may malinis na falls kung saan pwedeng maligo kung kelan mo gusto.

"Hwaaaaaaaa!! I'm loving the ambiance here!!" paghanga ni Kylie sa place.

"Ang sarap namang tumira dito!" sabi naman ni Reese.

"Pag dito tayo tumira, di tayo papayagan ng parents natin. Alam mo naman sila mommy--" pinutol ni Reese ang sasabihin ni Rex at sya na ang nagtuloy.

"Alam naman natin sila mommy, sobrang napapraning pag di tayo nakikita sa bahay. Nahirapan nga tayong magpaalam para dito sa outing ehh. Alam ko naman yun, Rex. Takot lang natin sa mga magulang natin." nagtawanan kaming lahat sa sinabi ni Reese.

Umupo ako sa isang tabi at kinuha ang tent na tutuluyan namin ni Selena. "Pagabi na. Tara na't maghanda ng mga tents natin."

Matapos naming itayo ang mga tents namin, napag-desisyunan nila na magswimming sa falls pero bigla akong nahilo kaya naman sinabi ko na lang na maiwan na lang ako dito sa campsite.

"Ha?? Okay ka lang? Paano kung may biglang sumulpot na wolf o kaya naman fox dito at lapain ka nang buhay??" tanong sa akin ni Selina na mejo paranoid na ata.

"Hahaha. Baliw ka. Walang fox o kahit wolf dito nu. Okay lang ako. Baka pag sumama ako sa inyo, malunod pa ko at mamatay dahil sa pagkahilo." sagot ko naman sakanya. Praning na talaga ang isang yan.

"Sure ka jan? Okay ka lang ba dito??" nag-aalalang tanong naman ni Kylie.

"Oo naman. Okay lang ako dito. I'll zip the tent na lang para safe." nginitian ko si Kylie.

Lumapit si Rex sa akin. "Basta if ever na may mangyari, try to scream so loud na maririnig ka namin ha??" tumango ako sakanya.

"Ano ka ba naman Rex! Kahit anong sigaw nya, di natin sya maririnig. Remember, falls yung pupuntahan natin. Ay nako talaga tong kapatid ko." nasapo na lang ni Reese ang noo nya habang nakangiti at umiiling.

"Sabi ko nga eh."

"O sige na. Just take care of yourself habang wala kami ha? Eto ang gamot oh." inabutan ako ni Mike ng isang paracetamol na tablet. "Pwede na yan sa hilo siguro o kaya magpahinga ka na lang jan. Wag na wag kang aalis dito, maliwanag ba yun Kira??" tianaas ni Mike ang dalawa nyang kilay.

"Aye aye, Captain!" sumaludo ako sakanya at nasapok nya ko ng mahina.

"Pag ikaw nawala, lagot ka samin pag nakita ka namin." hinalikan nya ang noo ko sabay pitik dito. "Alis na kami. yung mga bilin namin ha? Naku, Kira."

Pinalo ko sya ng mahina sa braso. "Hindi na ko bata! Mauna na nga kayo at lalo lang akong nahihilo. Hahaha." tinignan nila ko saglit at umalis na rin.

I zipped the tent like I told them para walang kahit na anong creature ang makapasok dito. A few minutes later, I felt something weird. Para bang may kung anong nakatingin sa akin from nearby. Dineadma ko lang yun nung una pero things got worse nang may marinig akong tunog ng uwak kaya sa sobrang pagpapanic at takot ko, lumabas ako ng tent pagkakuha ko ng flashlight at nag-start akong tumakbo papunta sa falls kung saan naroon ang mga kaibigan ko.

It was a never ending run. Wala akong makitang falls sa paligid hanggang sa may maaninag akong figure ng isang tao at lumapit ako rito upang humingi ng tulong. "E-excuse me.. P-pwede po bang magtanong??" sabi ko rito habang hinahabol ko ang paghinga ko.

He turned to me and smiled. "Sure. Anong tanong ba??"

I smiled back. "Naliligaw po ata kasi ako eh. Alam nyo po ba kung nasaan ang falls dito?? Andun po kasi ang mga kaibigan ko."

"Ah! Yung falls. Naku, malayo na yun dito eh." unti-unting lumapit sa akin ang lalaki. Itinapat ko sakanya ang flashlight at namukhaan ko sya bigla.

Schoolmate ko sya. Si Jethro. Anak sya ng Governor ng lugar namin. Kinatatakutan sya ng mga estudyante samin dahil kahit na sobrang amo ng mukha nya, sobra sobra naman ang kasamaan ng ugali nya.

"Jethro.." napaatras ako bigla at nang muntik na kong tumumba, may lalaking sumalo sa akin.

"Easy there, babe. Hahaha. Baka magasgasan ka nyan." inamoy nya ang buhok ko kaya umiwas ako sakanya.

"Jonathan, wag mong tinatakot si Miss Beatiful at baka mag-panic yan." utos sakanya ni Jethro.

Umatras ulit ako nang lalong lumapit sa akin si Jethro at biglang may sumulpot na dalawa pang lalaki sa tabi nya. "S-sige. S-salamat. Alis na ko."

 

Aalis na sana ako nang biglang humarang sa akin si Jethro at ang tatlo pang iba. Punong puno na ng takot ang dibdib ko. Gusto ko sanang sumigaw pero hindi ko magawa.

"Wag ka munang umalis. Maglaro muna tayo."

The Victim ActsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon