THE VICTIM ACTS
No one escapes from my anger and pain.
ACT 24
She Knows It, Too
[Lee]
"What the heck's wrong with you?!!" sigaw ko kay Kira pagpasok na pagpasok pa lang nya sa kwarto ng hotel kung saan kami nakacheck-in ngayon.
Wala naman kasi akong bahay dito sa Manila kaya naman nag-decide ako na dumito muna kami sa isang hotel. Kailangan ko nang bumalik sa bahay bukas dahil tapos na ang leave ko.
"I'm tired, Lee. Please naman. Wag muna tayong magtalo ngayon." sagot nya sakin habang tinatanggal ang wig na suot nya.
Kanina kasi bigla na lang syang umalis nang hindi man lang sinasabi sa akin kung saan sya pupunta pero nag-text naman sya sa akin at sinabi nyang sa ospital kung nasaan si Felix sya nagpunta. Nakakainis lang na malaman kong kinausap nya si Jethro.
Well, sinundan ko kasi sya doon. Nagulat nga ako nung makita syang nakatayo sa harap ng kwarto nung Felix eh. Naka-wig kasi sya at ayos na ayos pa.
Binigyan nya ng panyo si Jethro dahil muka daw itong iiyak. Nasaktan lang ang pride ko dahil panyo ko yung binigay nya sa rapist na yun. Di man lang nagpaalam sa akin ang isang 'to na ipapamigay nya ang panyo ko. At isa pa, paano kung nakilala sya ni Jethro at hindi naniwala sakanya na hindi sya si Kira?!
Pinangalagaan namin ng husto na wag syang makita ng mga taong nakakakilala sakanya at maitago sakanila na buhay pa rin sya. Pero bakit parang lahat nang 'yon, binabalewala na nya??
Matapos kong makita ang pag-uusap nila, umalis na ko at dito ko na sya hinintay.
"Ano bang iniisip mo, Kira?! Bakit mo ginawa yun?! Paano kung mabuking nya na ikaw nga si Kira?!" naihilamos ko ang mga kamay ko sa muka ko. "Bakit, Kira??" nginusuan lang nya ko.
At nakuha pa talaga nyang magpa-cute ngayon.
Effective eh.
Tinapal ko ang kaliwa kong kamay sa nguso nya kaya nahalikan nya iyon.
Tss. Naalala ko kung gaano kalambot ang mga labi nyang ito. Malay ko bang hindi nya iiwasan yung halik ko. Siguro gusto rin talaga nya yun. Akala nya nagbibiro lang ako? Hah! Iba ata itong lalaking kaharap nya.
"Pwede bang wag kang gumanyan ngayon? Seryoso ako." nanliliit ang mga mata ko.
Tinanggal nya ang kamay ko. "I told you I'm tired. Pwede bang mamaya na lang tayo mag-usap??"
"Hanggang ngayon ba galit ka pa rin sa akin? Please, Kira. Kausapin mo na ko."
"Kinakausap na kita, Lee. Hindi ako galit sayo."
"Eh bakit ayaw mo akong kausapin ng matino??"
"Paanong matino ba ang gusto mo? Nagjo-joke ba ko sa harap mo ngayon?" tinignan nya ko ng isang tingin na hindi ko malaman kung may galit ba o talagang seryoso lang sya. "Magpapahinga na muna ako."
Papalayo na sya sa akin nang bigla syang umaray. Paglingon ko sakanya, nakahawak na sya sa tyan nya.
Dali-dali ko syang binuhat para madala sa ospital pero hindi ko inaasahan ang mga salitang lumabas sa bibig nya habang papunta kami sa parking lot.
"Yung baby ko.. Lee, y-yung baby ko.." nawalan na sya ng malay at may pumatak na luha sa mata nya.
Paano nya nalaman na buntis sya? At kelan pa??
BINABASA MO ANG
The Victim Acts
General FictionShe is Kira Gonzaga. Raped by 4 unknown men and when they thought she was dead, they left her in a shallow river. She's up for her revenge with the help of the one who saw her lying on the midst of misery. One by one, she will make sure that they wi...