Act 13: Angel

3K 56 10
                                    

THE VICTIM ACTS

No one escapes from my anger and pain.

ACT 13

Angel

[Kylie]

Galit na galit akong tumayo sabay hampas ko ng mga palad ko sa table na kaharap ko."Who the hell said that this case is already closed?!! Hangga't hindi nyo nakikita ang kaibigan ko, hindi pwedeng isara ang kasong ito!"sigaw ko sa officer na kausap ko.

"Easy ka lang, Kylie. Wala tayong mapapala sa init ng ulo mo." hinawakan ako ni Mike sa magkabilang balikat ko.

Tinignan ko sya ng masama. "Tanga ka ba?! Paano ako magiging easy kung tatanga-tanga ang mga humahawak sa kaso ng kaibigan ko? Sige nga, Mike. Ipaliwanag mo kung paano." nagbuntong-hininga na lang sya. Alam naman naming dalawa na tama ako.

Bakit kasi hanggang ngayon, hindi pa rin nakikita si Kira? Dumaan na ang isang buwan at ngayong magpa-pasko na, hindi pa rin nila nakikita ang kaibigan ko? Anong klaseng serbisyo ba ang meron itong mga pulis na ito at hanggang ngayon, ang kupad nila sa paghahanap kay Kira? Nakakabadtrip na!!

At sino naman kaya ang maglalakas-loob na ipasara ang kasong ito?? I can't believe the nerve of whoever that person is.

"Miss Tordesillas, ang nanay na po ng mismong biktima ang nagsabi sa amin na itigil na ang kasong ito. Tanggap na daw nila na wala na ang anak nila at ipapanalangin na lang ang kaluluwa nito." mahinahong sagot sa akin nung pulis.

"I-I don't get it. What did you say again??" pagpapaulit ko sakanya.

Si Tita Karen ang nagpatigil sa kasong ito? Pero paano naman nangyari ang bagay na yun? Ni wala syang alam tungkol sa pagkawala ni Kira at sigurado ako doon dahil ako na mismo ang nakiusap sa mga kasambahay nila na pag nagtanong si Tita Karen about Kira, sabihin na lang nila na maayos ang lagay nito. How could that possibly happen? They swore to me that they'd keep it secret.

This is so confusing.

Huminga nang malalim ang pulis na kaharap ko. "Si Mrs. Gonzaga ang nagpatigil sa amin na gawin pa ang kasong ito. Tumawag sya dito kahapon lang."

"But why?" yun na lang ang lumabas sa bibig ko. Napaupo ako bigla at inalalayan naman ako ni Mike.

"Sige po. Mauuna na po kami. Pasensya na po kayo. Si Tita Karen na lang po ang kakausapin namin." itinayo na ulit ako ni Mike pero sinusuportahan nya ako sa paglalakad. Sa puntong ito, di ko akalaing tinanggap na lang ni Tita Karen ang pagkawala ni Kira.

Naghahalong inis at galit ang nararamdaman ko ngayon. Naiinis ako kasi hindi nila nahanap ang kaibigan ko at nagagalit ako kasi wala akong magawa para mahanap si Kira. Isasama ko na rin yung pagpapatigil ni Tita Karen sa kasong yun. Nakakainis! Sobrang nakakainis!!

Binuksan ni Mike ang pinto ng kotse nya at inalalayan akong maupo. Kinabit agad nya ang seatbelt sa akin at pumunta na sa driver's seat. "How could this happen, Mike?" tanong ko sakanya nang di sya tinitignan.

Hinawakan nya ang kamay ko. "I don't know the answer to that pero.."

Nilingon ko sya. "Pero ano?"

Huminga muna sya ng malalim bago tumingin sa akin. "Pero baka oras na para tanggapin na natin na wala na si Kira." pinandilatan ko sya ng mata sabay alis ng kamay nya na nakahawak sa akin.

"What the fvck are you saying? Na kalimutan ko na lang na nawawala ang kaibigan natin?? Na isipin ko na lang na di sya nag-eexist sa mundong 'to? Ganun ba ang gusto mong gawin ko?? You're impossible, Mike. I can't believe you can say such things." matapos kong sabihin yun, inalis ko ang seatbelt at lumabas ako ng kotse nya. Naramdaman ko namang sinundan nya ko.

The Victim ActsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon