**
Uwaaa. Sorry po sa late update. Salamat sa mga naghintay. Nakuha ko na po kasi yung hiling kong PSP sa tatay ko last week kaya ayun. Sobrang excited. Laro ako nang laro. Sabaw tuloy utak ko ngayon.
Anwy, I'll have to let you guys come out sa last chapter so kelangan nyo talagang lumabas dahil magdedemand ako. Di lang readers ang pwedeng mag-demand di ba? So yeah, sana mapagbigyan nyo ko.
Happy April!!
**
THE VICTIM ACTS
No one escapes from my anger and pain.
ACT 29
Bethany
[Kira]
Nang makaalis si Lee ng bahay, agad akong lumuwas pa-Maynila para alamin kung ano na ang lagay ni Timothy. Dumerecho ako sa ospital kung saan sya naka-confine ngayon.
Pagkarating ko sa ospital, pasimple akong lumapit kay Bethany Aquino, yung maid nila Timothy na syang in-offer-an ko ng trabaho na gawin ang plano ko. Hindi naman ako nahirapan dahil sinunggaban naman nya yun agad. Kapag sinuswerte ka nga naman.
"Kamusta? Di ka naman ba pinagdudahan?" agad kong tanong sakanya nang magkita kami sa tapat ng kwarto kung saan nakaratay si Timothy.
Ang sabi sa akin ni Beth, na-stroke si Timothy dahil inatake ito sa puso. Well, alam ko naman nang mangyayari yun at kahit sya alam yun.
Tumingin-tingin sya sa paligid. Wala naman yung mga kaibigan ni Timothy dito kaya ayos lang na mag-usap kami kahit papaano. "Yung isa sakanila, nagdududa sa akin. Si Jonathan. Hindi sya makapaniwala na kahit nainom na ni Timothy yung gamot, inatake pa rin ito. N-natatakot ako. Ang sabi kasi nung doktor, magsasagawa sya ng blood test. Paano pag nalaman nila na iniba ko yung contents nung capsule?? M-makukulong a--" di ko sya pinatapos at niyakap nang mangiyak-ngiyak na sya.
"Hindi ka makukulong, okay? Pinag-usapan na natin 'to. Ako ang bahala sayo. Trust me." tumango sya nang umalis ako sa pagkakayakap sakanya at inabot ang isang white envelope na naglalaman ng pera. "Alam kong dahil jan kaya mo tinanggap ang trabahong yun. I'm sorry kung kailangan mong pagdaanan ang mga ito nang dahil sa akin pero please, wag mo sanang ipapaalam kahit kanino ang mga napag-usapan natin at lalo na kung sino ako."
"Hindi. Wag kang mag-sorry. Tinanggap ko nga yung trabaho, di ba? Ayos lang yun. Tsaka may mga rason rin naman ako kaya tinanggap ko yun."
"Bukod sa pera?"
"Mm-hmm. G-gusto ko kasi si Timothy." panandalian akong hindi naka-imik. "Gusto ko sya pero lagi naman nya kong sinasaktan. Kahit papaano, pakiramdam ko gumaan ang loob ko dahil sa nangyare. Atleast nakuha nya kong yakapin at halikan at syempre, nakaganti ka sa ginawa nya sayo."
"Beth.."
"Alam mo, kinabahan ako habang pinapalitan yung nasa loob ng capsule na iniinom nya. Tuwing nagjo-jogging sya, iniinom nya yung gamot nya para di sya atakihin sa puso. Pero nung araw na yun, pagkatapos nyang inumin yung gamot na binigay mo sakin, bigla na lang nya kong hinatak at pinaghahalikan. Sabi nya mainit kaya tinanggal nya yung damit nya. A-ano bang gamot yung binigay mo sakin para ipalit dun sa gamot nya??"
"Bromocriptine. Isang aphrodisiac sa kaalaman ng marami."
"Aphrodisiac??"
BINABASA MO ANG
The Victim Acts
General FictionShe is Kira Gonzaga. Raped by 4 unknown men and when they thought she was dead, they left her in a shallow river. She's up for her revenge with the help of the one who saw her lying on the midst of misery. One by one, she will make sure that they wi...