THE VICTIM ACTS
No one escapes from my anger and pain.
ACT 33
Are You Man Enough?
[Lee]
"She's okay. She just passed out. Wala naman tayong dapat na ipag-alala. Baka na-stress lang sya. Mabilis lang siguro talagang mapagod ang mga buntis." pag-aanunsyo ko sakanila pagkalabas ko sa kwarto ni Kira.
Hinimatay na lang si Kira bigla kaya dinala ko muna sya sa kwarto nya para naman makapagpahinga sya. I never thought it would get this serious. Bakit padami nang padami ang mga problema nya? Tingin ko nakadagdag pa ko.
Isa pa itong si Rex. Bakit ba ang galing ng isang 'to? Pwede na rin syang maging tulad ni Jesse sa sobrang galing nyang mag-imbestiga sa mga bagay-bagay. Hindi sya madaling lokohin at lalong hindi ko sya dapat maliitin.
"That's good to hear. Pero uhh, Lee?" lumapit sa akin si Kylie. "Can we talk?"
"We're talking, Kylie." napangisi pa ko sakanya kaya sinimangutan nya ko. Totooo namang nag-uusap na kami ah.
"Err. Anyway, as I was about to say.. Sa December 16 na ka--"
"Yep. Yung birthday ni Kira. 3 days na lang yun. What about it?"
Sinamaan nya ko ng tingin. "Sige, ikaw na lang kumausap sa sarili mo. Ikaw na talaga."
"Huh?"
"Wala! Eh basta, anong balak natin sa birthday nya??"
"Is that necessary??" biglang sumingit si Rex sa usapan namin. Hinarap sya ni Kylie at batid kong may galit syang nararamdaman para sakanya.
Kanina pa kasi sya hindi pinapansin ni Rex. Yung mga tanong ni Kylie, hindi nito sinasagot. Kahit nga si Mike di rin sya makausap nang matino lalo na pag tinatanong sya tungkol sa kakambal nitong si Reese Trias. Base pa naman sa mga nasagap ni Jesse na impormasyon, halos di sila mapaghiwalay ni Reese. Kahit ako magtataka kung naging kaibigan ko sila noon pa.
"What now, Rex?? Ano na naman ba 'to??" naiiritang tanong ni Kylie.
Tintigan lang sya ni Rex. "Stop it. Both of you." pag-awat ko sa titigan nilang makamandag. Baka mamaya ako pa ang matuklaw ng dalawang ito.
"Nakakainis kasi eh. Hindi ba pwedeng magpahinga si Kira kahit konti? Yung makapagrelax man lang? Birthday na nya in three days time tapos parang ayaw mong i-celebrate nya yun? Oh come on, Rex! Are you even our friend??" singhal ni Kylie kay Rex.
"I'm your friend. I'm still your friend. Kaya nga nagiging against ako sa celebration na gusto mo eh. Sa tingin mo ba, gugustuhin pa rin nyang mag-celebrate gayong may problema sya??"
"Ang tanga mo talaga. Kaya nga magce-celebrate kasi ang dami nyang problema!"
"Ano?? Icecelebrate mo yung fact na marami syang problema? Do you even have a heart??"
"WILL THE BOTH OF YOU CUT IT OUT?!!" biglang sigaw ni Mike. "Birthday ni Kira tapos nag-aaway kayong dalawa?? What happened to us?? Bakit nawala na yung dating tayo?? Si Selina at si Reese, nowhere to be seen! Tapos eto pa tayo ngayon, nagkakagulo. Meron pa bang pagkakaibigan na namumuo sa pagitan nyong dalawa? Kasi ngayon pa lang nagsasawa na ko sa pagtatalo nyo eh. Dati naman hindi tayo ganito."
BINABASA MO ANG
The Victim Acts
Fiction généraleShe is Kira Gonzaga. Raped by 4 unknown men and when they thought she was dead, they left her in a shallow river. She's up for her revenge with the help of the one who saw her lying on the midst of misery. One by one, she will make sure that they wi...