Act 8: Finding It Out

3.2K 57 5
                                    

THE VICTIM ACTS

No one escapes from my anger and pain.

Act 8

Finding It Out

[Jesse]

Grabe na talag yun si Lee. Akalain nyong binlackmail ako para lang sa babaeng yun? Nakakainis ah! Sukat takutin daw ba ko about Megan!

"Hello?" pagsagot ni Lee sa phone call ko.

"Ano bang itsura nung mga lalaking yun?!" tanong ko sakanya.

"Ah, wait lang. --toot--toot--toot--"

Bwiset! Binabaan ako ng telepono! Sya na nga itong tinutulungan kahit labag sa loob ko tapos eto pa ang igaganti sa akin ng hinayupak kong bestfriend?! Langya talaga!

Nag-ring ang phone ko.

"Bat mo binaba?!!" sigaw ko sa kabilang linya.

"H-ha? S-sorry po. Lee~!!" ay shet, si Kira pala.

"U-uy, Kira!! Sorry. Si Lee kasi eh. May itatanong lang sana ako sayo." kalmado kong sinabi sakanya.

"Ano po yun?"

"Naaalala mo ba yung itsura nung mga lalaking gumahasa sayo?" kumuha ako ng sketch pad at lapis.

"O-oo." mejo nag-break ang boses nya.

"Pwede mo ba silang ilarawan sa akin isa-isa? Wag mo nang isali yung Jethro Marcos."

Matagal bago sya magsalita ulit. "Jonathan ang naaalala kong pangalan sa isa sa mga yun. Maputi sya at mejo singkit. Matangos ang ilong nya at tantsa kong nasa 5'5 ang height. Di gaanong makapal ang kilay nya at ganun rin ang mga labi nya."

Sinubukan kong i-sketch ang itsura nung lalaki sa pamamagitan ng paglalarawan nya.

"Paki-bigay kay Lee ng phone saglit." pakiusap ko sakanya.

"Ah, okay."

"Ano?" sagot ni Lee.

"May ifa-fax ako jan. Kunin mo at ibigay mo kay Kira." nilagay ko ang papel na may sketch sa fax machine at pinadala kay Lee. "Done. Nakuha mo na ba?"

"Yep. Wait. Kir.. I'll hand her the phone."

"Hello, Jesse?" boses ni Kira.

"Nakita mo na ba yung pinadala ko kay Lee? Ganyan ba ang itsura nung Jonathan?" pagtatanong ko.

Humina ng kaunti ang boses nya. "E-eto nga sya. Ganitong ganito ang itsura nya."

"Okay, good. Let's proceed to the other two guys, shall we?"

Inilarawan nya pa ang dalawang lalaki sa akin at tulad ng nauna, pinadala ko ulit ang kopya ng sketched drawing ko sakanya at tugma naman ang pagsasalarawan nya sa drawing ko. I just have to find out where they are.

"Ahm, Jesse.." pabulong si Kira.

"Bakit?"

Nagbuntong-hininga sya. "Kinausap ka ba ni Lee na gawin yan para sa akin?" mahina nyang tanong

Sinagot ko sya nang derecho. "Oo."

"S-salamat at sorry sa abala. Alam ko namang ayaw mo sa akin." halata ang pagka-dismaya sa pananalita nya.

"Wag mo nang isipin yun. Isa pa, kaibigan ko rin naman si Lee. Kung gusto ka nyang tulungan, ganun na rin ako. Hayaan mo. Hindi naman libre tong ginagawa ko. May kabayaran ang lahat nang ito mula kay Lee." at yun ay ang katahimikan nya sa mga kalokohan ko.

"O-osige. Salamat pa rin. May isa pang bagay akong dapat sabihin.."

"Ano yun?"

"May naaalala akong usap-usapan noon. Apat na magkakaibigan sina Jethro. If I'm not mistaken, lahat sila schoolmates ko. It's just that hindi sila laging nagkakasama sa loob ng school. There's this Felix something and Timothy ata yun? And yeah, I heard about someone named Jonathan as well. Ngayon ko lang naaalala ang tungkol sa mga bagay na yun. Wala kasi akong interes sakanila kaya madali kong nakalimutan." pagsasalaysay ni Kira.

"So, where's this school of yours?" kumuha ako ng notepad at ballpen.

"Somewhere in Manila. Loki University." I jotted down the place she told me.

"Okay, thanks. I better get going. Bye."

"Thank you, Jesse. I owe you and Lee my new life." after that, binaba ko na ang phone.

Loki University, huh. Sounds familiar.

The Victim ActsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon