THE VICTIM ACTS
No one escapes from my anger and pain.
Act 6
A Friend in Need is a.. Witness
[Kylie]
5 days and still counting. Ganyan na katagal mula nung mawala si Kira sa Mt. Shinra. I really don't know what the hell happened pero I'm worried sick of what might have happened to her. Nasa States pa man din ang parents nya ngayon at hindi pa nila alam ang tungkol sa bagay na ito. Sooner or later, makakarating din ang news na ito sakanya. Lalo na pag nagtanong na ang parents nya sa mga kasambahay nila sa bahay.
Somehow, we all think it is our fault na nawala sya. Sana pala pinilit na lang namin syang sumama sa amin kahit masama ang pakiramdam nya kesa iwan syang nag-iisa. Sana.. Sana.. Buhay pa sya. Sana ligtas sya.
SANA.
At eto kami ngayon ni Selina sa Mt. Shinra, nakikibalita. Later on, pupunta na rin ang iba dito. Sobra na ang pag-aalala namin. Lalo na si Mike. He's been blaming himself all along at kitang kita sa itsura nya na di sya nakakatulog every night. Sigh. What's happening? Napaka-malas ba ng timing ng outing namin??
"Sir, wala pa po bang trace sa kaibigan namin? Limang araw na po kasi ang lumilipas pero wala pa rin pong balita." tanong ko sa pulis na nag-iimbestiga sa mga nangyare.
"Sorry, hija. Pero wala pa rin talaga kaming idea kung nasaan ang kaibigan nyo eh. Halos libutin na namin ang buong area pero wala pa rin. Sigurado ba kayong walang kaaway ang kaibigan nyong si Kira? O kaya naman eh, stalker?" nag-isip ako nang mabuti pero knowing Kira, sa bait nyang yun, wala syang kaaway. At kung meron man syang stalker, sasabihin nya agad yun kay Selina.
"Wala po talaga, sir. Mabait naman po kasi si Kira." nag-aalala kong sagot sakanya.
"Okay. Right now kasi, eto lang ang nakita namin." may ibinigay syang plastic na naka-zip at nakalagay dito ang isang hikaw na kulay pula.
I analyzed the earring at positive. Kay Kira ang hikaw na to.
Inilabas ko ang hikaw sa plastic. "Kay Kira po ang isang to. Hindi ako pwedeng magkamali. Kanya to. Di ba, Selina??" pinakita ko kay Selina ang hikaw na hawak ko pero she's just looking straight to the ground at para bang wala sya sa sarili. "Hey??" I snapped my fingers in front of her.
"H-huh?? Ano yun??" naguguluhan nyang tanong at napatingin sya sa hikaw na hawak ko. "T-that.." nanlaki ang mga mata nya.
"Why?? Kay Kira to di ba??" tanong ko sakanya.
Kinuha nya ang hikaw mula sa palad ko. "Y-yes. Kay Kira to. A-ako ang nagbigay nito sakanya. C-can I keep it??" tinanong nya sa pulis.
Tumango ito sakanya. "Mauna na muna ako sa inyo. We are thinking kasi na suyurin ang mga katabing bayan nito at baka sakaling andun ang kaibigan nyo. I'm sorry to say pero there's only a small chance na makita pa natin ang kaibigan nyo. Kung makita man natin sya, baka.." I cut him off.
"NO! Hindi pa patay ang kaibigan namin! Makikita namin sya!! Tara na nga, Selina!!" tumalikod na ko at nag-walkout pero hindi sumunod sa akin si Selina. Nakatitig pa rin sya dun sa hikaw ni Kira and this time, she's crying.
Ewan ko ba. Pero lately, lagi na syang nawawala sa sarili nya. Lagi syang tulala at di makausap ng maayos. Pero kahit ganun, I understand kumbakit sya nagkakaganyan. Maybe she's just too emotional sa pagkawala ni Kira. Ganun rin naman ako pero I have my hopes up. Di ako mawawalan ng pag-asa na makikita pa namin sya. I will be strong enough for Kira. And if there's someone, somebody, anybody out there who is guilty of what happened to Kira, I swear to seek justice for my friend.. my bestfriend.
BINABASA MO ANG
The Victim Acts
General FictionShe is Kira Gonzaga. Raped by 4 unknown men and when they thought she was dead, they left her in a shallow river. She's up for her revenge with the help of the one who saw her lying on the midst of misery. One by one, she will make sure that they wi...