THE VICTIM ACTS
No one escapes from my anger and pain.
ACT 19
News
[Lee]
Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang paligid na tulad ng isa sa mga kwarto sa ospital. Nahihilo ako dahil sa amoy ng alcohol na nagingibabaw sa loob ng kwarto.
"Gising ka na.." inilingon ko ang ulo ko kung saan nagmula ang boses ni Kira. Nakahilig ang ulo nya sa kama kung saan ako nakaraty ngayon.
Naaalala ko na kung ano ang nangyari. Nasa snowmobile kami pareho nun. May nakita akong malaking bato sa daraanan ng snowmobile kaya naman iniharang ko ang snowmobile na gamit ko noon sa way nya at nabangga nya ito kaya naman ako ang tumalsik sa malaking bato imbis na sya. Tumama ang ulo ko at doon na ako nawalan ng malay.
Kung bakit naman kasi inaya ko pa sya sa isang date ehh. Di lang naman talaga kasi ako gaanong nag-enjoy nung unang date namin dahil nag-bike lang kami. Kaya ayun, inaya ko na lang sya sa isang parte dito sa Amerika kung saan may skii resort. nandito na kami ngayon sa NYC. Nagpaalam naman na kami sa mga magulang nya at pumayag naman sila dahil nga sa 2 weeks lang kami dito. Nagbabakasyon lang kami. Tatlong araw na lang ang natitira at uuwi na rin naman kami. Isa pa, kasama namin si Cess nung pumunta kami rito.
Napaupo ako bigla at napahawak sa kumirot kong ulo. Nahawakan ko ang bendang nakapulupot dito. "Oh, wag ka munang bumangon. Higa ka muna." tinulungan naman nya akong humiga ulit.
"Kamusta ka?? Wala bang nangyaring masama sayo? Ano?? A-ano.. May nararamdaman ka bang weird? May sugat ka ba ha? Asaan? Patingin nga ng kamay mo." kinuha ko ang kamay nya at may nakita akong maliit na gasgas dito. "Tsk! Sorry, Kira. Di ko naman alam na ganito ang mangyayari sa date natin na yun. Pasensya ka na. Ayokong mapahamak ka pero sorry talaga. Di ko sinasadya."
Kinuha naman nya yung kamay nya. "Wag kang OA. Ako nga dapat ang mag-sorry. Kung tinitignan ko lang sana yung dinaraanan ko, edi sana wala ka dito sa kwartong ito ngayon. Ako ang may kasalanan, Lee. I'm sorry." sumimangot sya.
"No, it's fine. Pero, ano?? Wala ba talagang nangyaring di maganda sayo? Wala kang nararamdaman na masakit? Na-confine ka rin ba? Gaano na tayo katagal dito?" napa-praning kong tanong.
Baka kasi nung mga oras na wala akong malay, nalaglag na ang baby na dinadala nya. Buntis sya! Bakit ba inaya ko pa sya sa ganung lugar!
"Wala naman. Okay na okay ako, Lee. Itong gasgas lang na ito ang meron ako. Tsaka don't worry. Wala pa tayong isang araw dito. Mga 5 hours pa lang naman ata. Pwede ka na daw i-discharge bukas. Magpahinga ka lang daw muna." pinakita nya sakin yung sugat sa palad nya.
Nakahinga ako ng maluwag. Safe ang bata sa sinapupunan nya. Hindi pa rin nya alam na nagdadalang-tao sya. Buti naman kung ganun. Di ko pa rin alam kung anong sasabihin ko sakanya kapag nalaman na nya ang totoo. Wala pa akong lakas ng loob para sabihin sakanya ang lagay nya ngayon. Hindi ko ata kakayanin kung ipapalaglag nya yung bata na nabubuo pa lang sa loob ng katawan nya. Dugo't laman pa rin nya yun.
"Mabuti naman." ipinikit ko muna ang mga mata ko saka tumingin ulit sakanya. "O, bat ganyan ang suot mo??" napansin ko kasing naka-school uniform sya. "Saan mo nakuha yang uniform na yan??" takang-taka kong tanong.
"Ahh. Hehe. Pinahiram 'to sakin nung nurse kanina. Sa anak daw nya 'to. Ang dumi kasi ng damit ko tapos basa pa dahil sa snow kaya ayun." iniunat-unat nya yung damit.
BINABASA MO ANG
The Victim Acts
General FictionShe is Kira Gonzaga. Raped by 4 unknown men and when they thought she was dead, they left her in a shallow river. She's up for her revenge with the help of the one who saw her lying on the midst of misery. One by one, she will make sure that they wi...