Act 14: The Start

2.8K 56 6
                                    

THE VICTIM ACTS

No one escapes from my anger and pain.

ACT 14

The Start

[Kira]

Kanina pa ako nakatitig ng masama kay Lee na halatang nagpipigil ng tawa at masaya dahil nakaupo lang sya sa couch habang ako, eto.. Nakaluhod sa asin. Pinaluhod kasi ako ni mama nung makita nyang hawak ko yung libro ni Lee. Malay ko ba naman kasi kung anong content nung librong yun.

Nasabi ko bang ganito ako parusahan ng nanay ko kapag may nagagawa akong mali? Kung hindi, ayun nasabi ko na. Tuwing may nagagawa akong kasalanan, pinapaluhod nya ako sa asin o kaya naman monggo seeds. Kapag naiba naman ang trip nya, bibigyan nya ko ng dalawang makakapal at mabibigat na libro saka yun ilalagay sa magkabilang kamay ko para i-balance nang nakatayo. Makalumang pagpapahirap ang trip nyang parusa sa akin. Hindi uso sakanya yung salitang 'grounded.'

"Hoy! Kasalanan mo kung bakit ganito ang itsura ko. Kanina pa sumasakit itong tuhod ko. Lagot ka sakin mamaya, makikita mo!" singhal ko sakanya.

"Aba!! Bakit ako ang sinisisi mo?? Kasalanan ko bang bigla mong kinuha yung libro sa akin? Sabi ko naman sayo nung nasa eroplano pa tayo na bawal sayo yun pero kinuha mo pa rin." binelatan pa nya ko. Ugh! Napaka-ungentleman! Tuwang-tuwa pang nakikita akong naghihirap!!  

Biglang dumating si Papa. "Oh?! Bakit nandito ka?!" nakaturo saking tanong nya habang hawak ang paper bags na mukang grocery items na pinamili nya.

Napa-kunot ako ng noo nang dumating si Mama. "Hayaan mo yang batang yan. Alam kong bookworm ang isang yan pero di ko akalaing magbabasa sya ng tulad nito." itinaas nya ang libro ni Lee.

"Mama naman eh!! Di ko pa nga nababasa yan! Kay Lee kaya yang libro na yan!" tinuro ko si Lee.  

Nanlaki naman ang mga mata ni Papa. "Oh?! At sino naman sya?!" nakaturo kay Lee nyang tanong. He shifted his eyes on me. "Boyfriend mo??" nakangiti na sya.

Pinaningkitan ko sya ng mata. "Hindi po. Wala akong boyfriend. Papa naman eh!! Sabihin nyo naman kay Mama na patayuin na ko dito! Kakarating ko lang tapos eto agad ang ibubungad nyang parusa sa akin!! Ma--" natigil ako ng makaramdam ako ng paglalaway. Hindi ako gutom pero nasusuka ako kaya agad akong tumakbo sa kusina at doon ako nagsuka sa sink.      

Naramdaman kong hinihimas ni papa ang likod ko at hinayaan lang akong magsuka doon. Nagmumog ako nang ma-feel kong ayos na ko. Nakita ko sa mukha ni Lee ang pag-aalala pero sinimangutan ko lang sya. Di ko pa rin nakakalimutan na tinawanan lang nya ko at hindi pinagtanggol sa nanay ko.

"Ayos ka na ba, anak?" tanong ni Papa.

Nginitian ko sya. "Opo, Pa. Baka nahilo lang ako sa byahe." niyakap ko sya nang mahigpit. "I missed you, Pops. It's been almost a year." he patted my back.

"I missed you, too sweetie!!  Why are you here, by the way? Hindi pa tapos ang school year nyo ah." nagtataka nyang tanong sa akin.

"Okay lang po yun. Gusto ko lang po talagang magbakasyon. Besides, pwede naman pong mag-aral through web. Para saan pa't meron silang website kung di magagamit ng mga estudyanteng tinatamad pumasok sa school?" natatawa kong tanong sakanya.

"Bruha ka talagang bata ka! Hala, sige! Tayo na't kumain!!" utos ni Mama sa aming tatlo.

Nang matapos kaming kumain, umakyat na ko sa kwarto ko. Tatlo ang kwarto nitong bahay namin dito. Isang master's bedroom (yung room nila mama), room ko, at isa pang room para sa mga guest. Dahil sa guest na ring maituturing si Lee, doon na muna sya magsstay.

Humiga muna ako sa kama ko pansamantala bago ko kinuha ang envelope na ibinigay sa akin ni Lee kanina. Binuklat ko ang mga papel na nadito. Bawat isang page na binubuklat ko, bumabalik ang mga nangyari sa akin nung gabing yun. Bigla na namang sumiklab ang galit sa akin.

Yung files ng mga gumahasa sa akin ang laman ng envelope na ibinigay sa akin ni Lee.

Sa unang kumpol ng files, nakalagay ang description ni Felix. Mula sa buong pangalan nya, date at place of birth, pangalan ng parents nya, hanggang s pinaka-walang kwentang impormasyon nandoon na. Pero isang makatawag-pansin ang nabasa ko sa files nya.

Collects motorbikes.

And then it hit me. Sobrang dali lang naman pala ng pwedeng gawing parusa kay Felix. Hinding-hindi ako mahihirapan sakanya.

Naaalala ko kung sino sa apat na yun si Felix. Sya yung lalaking kalbo na ubod ng kamanyakan sa katawan. Naaalala ko rin kung paano nya hapitin ang dibdib ko nung mga oras na ginagalaw nya ako. I hate them all.

Pumunta ako sa kwarto ni Lee at naabutan ko syang may kausap sa phone nya. Hindi pa rin sya nakakapagbihis at para bang natutuliro sya. Palakad-lakad sya tapos biglang hihinto at lalakad ulit. Nang maibaba na nya ang phone nya, humarap sya sa akin at nagulat.

"K-kanina ka pa ba jan??" problema nyan at nauutal??

"Hindi naman. May sasabihin lang ako sayo." umupo ako sa gilid ng kama nya.

Inilagay nya sa bulsa nya ang isa nyang kamay sabay harap sa akin. "Ano yun?" Inilahad ko ang kamay ko sakanya. "Alam kong kamay yan pero anong hinihingi mo? Wala akong barya dito. Kelan ka pa naghirap?"

Inirapan ko na lang sya. "Peram ng cellphone. May tatawagan lang ako."

"Sino naman?"

"Basta!!" binigay na nya ang phone nya.

Tumayo ako at idinial ang number sa police station malapit sa Mt. Shinra na syang may hawak sa kaso ko. Kung bakit alam ko ang number dun? Simple lang. Dahil ilang beses akong nag-attempt tumawag dun para isuplong yung mga gumahasa sa akin kaso napag-isip-isip kong hindi naman sila papahirapan nung mga pulis kaya di ko itinuloy ang balak kong yun.

"Katarungan Police Station." pagsagot ng isang lalaki sa tawag ko.

"Yes. My name is Mrs. Karen Gonzaga. I am the mother of Kira Gonzaga and this call is made for me to let you know that I want you to close the case of my daughter. We've been aware of all the situations and we decided for this matter to take place since there's no more point in fighting if there's no lead in my daughter's case." matapang kong sinabi dito. Pilit kong pinalalaki ang boses ko para maging makatotohanan ang mga ito.

"But Ma'am, we are still investigating the case. We can't just stop it."

"Please. Hayaan na lang po nating malagay sa tahimik ang anak ko. We will just pray for her soul. Thank you." pagkatapos nun, inend ko na ang call.

Nakatitig lang sa akin si Lee at nagtataka kung bakit ko ginawa ang bagay na yun.

Ngumiti na lang ako sakanya. "I'm gonna start already, Lee. Unang hakbang pa lang ang ginawa kong yun. Kailangang makampante sila na hindi na sila pinaghahanap pa ng mga pulis."  

Umupo ako sa tabi nya. "Mukang nakita mo na ang laman nung ibinigay ko sayo." kinuha nya sakin ang phone nya. "Very well, need a help? Sino ang mauuna sakanila?" nakataas ang kilay nyang tanong sa akin.

"Felix Quintos."

"What's your plan??"

"Simple. I really need your help though. Financially."

"Sure. Name it."

"A motorcycle. BMW K 1300 S" I smiled and he smiled back.

"Pareho tayo ng naiisip na gawin. Okay. I'm on it."

Felix Quintos, it's my turn to turn you on.

The Victim ActsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon