Act 3: The Doctor

4.2K 76 8
                                    

THE VICTIM ACTS

No one escapes from my anger and pain.

ACT 3

The Doctor

[Lee]

Think healing thoughts.

When you feel anger or resentment, ask God to help you feel it, learn from it, and then release it. Ask Him to bless those who you feel anger toward.

Ask Him to bless you, too.

When you feel fear, ask Him to take it from you. When you feel misery, force gratitude. When you feel deprived, know that there is enough.

When you feel ashamed, reassure yourself that who you are is okay. You are good enough.

When you doubt your timing or your present positionin life, assure yourself that all is well; you are right where you're meant to be. Reassure yourself that others are, too.

When you ponder the future, tell yourself that it will be good. When you look back at the past, relinquish regrets.

When you notice problems, affirm there will be a timely solution and a gift from the problem.

When you resist feelings or thoughts, practice acceptance. When you feel discomfort, know it will pass. When you identify a want or a need, tell yourself it will be met.

When you worry about those you love, ask God to protect and care for them. When you worry about yourself, ask Him to do the same.

When you think about others, think love. When you think about yourself, think love.

Then watch your thoughts transform reality.

Today, I will think healing thoughts.

"Sir," nilingon ko si Manong Tino nang tawagin nya ang pangalan ko. "sa tingin ko po may babae dun sa may tabi ng ilog." isinara ko ang librong binabasa ko at sumilip sa bandang ilog at nakita ang isang katawang nakalupasay sa tabi ng ilog at mukang wala itong saplot sa katawan.

Bumaba ako sa kotse at agad-agad tumakbo sa kinaroroonan ng katawan at tinignan ko kung may pulso pa ito. Hinubad ko ang suot kong jacket at ipinatong ito sa hubad nyang katawan sabay buhat sakanya papasok sa kotse nang makumpirma kong buhay pa ang babae.

"Manong, tara po sa bahay. Kailangan kong tignan ang mga sugat nya." utos ko kay Manong Tino.

Nagmadali syang nag-drive pauwi sa bahay at habang nasa byahe kami ay nilinis ko ang mukha ng babaeng nakita namin. Marami syang sugat sa katawan at karamihan dito ay malalalim na sugat. Kitang-kita rin sa mukha nito ang bakas ng pambubugbog kaya panay pasa ito.

Nang makarating kami sa bahay, agad kong pinalinis ang katawan ng babae sa mga katulong at nang malinis na nila ito, nilunasan ko na ang mga sugat nya. Halos isang buong betadine ang nagamit ko sa mga sugat nya sa katawan dahil sa sobrang tindi ng mga galos nya. Kinabitan ko na rin sya ng dextrose dahil nasa state of coma ang babae.

Lumipas ang tatlong araw at wala pa rin syang malay. Hindi ko na ginawa pa ang magtanong sa mga tao sa paligid kung may nawawala bang babae dahil kung meron nga, malamang nailabas na sa TV ang bagay na iyon. Isa pang dahilan eh ang pangamba kong baka may naghahanap rin sa taong ito at patayin na lang sya bigla. Napagdesisyunan kong hintayin ang paggising nya bago ko alamin ang lahat-lahat nang nangyari sakanya at kung sino ang gumawa sakanya ng mga bagay na nagresulta sa halos pagkamatay nya.

"Lee, baka matunaw na ang isang yan. Buong magdamag mo ba naman pagmasdan." mariing sinabi ni Jesse sa akin sabay tapik sa balikat ko.

"Siraulo. Nag-aalala lang ako sa tao. Anong pinagsasasabi mong buong magdamag ko syang pinagmamasdan ha? Tigilan mo ko ha." tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa tabi ng babae.

"Ewan ko sayo. Deny ka pa jan. Tatlong araw ka na kayang halos walang tulog kakabantay jan sa babaeng napulot mo." pagpapatuloy pa nya.

"Tigilan mo ko sabe." tinignan ko sya ng masama at ikinibit na lang nya ang balikat nya.

Totoo naman yung mga sinasabe ni Jesse kaya lang, idinedeny ko yun dahil di ko rin alam kung bakit ako ganito sa babaeng yun. Hindi ako mapalagay tuwing nakikita ko syang tila nahihirapan kahit na alam kong di naman sya nagpapakita ng emosyon at talagang tulog lang sya. Merong parte sa akin na nagsasabing wag na wag kong pababayaan ang babaeng yun kahit na di ko naman alam kung sino sya at kung saang lupalop ng daigdig nanggaling ang isang yun.

"L-Lee.. Tignan mo to.." lumapit ako kay Jesse at tinuturo nya ang babae.

"Bakit??" tinignan ko ang babae at unti-unti nitong iminumulat ang mga mata nya. "Pakikuha naman nung maliit na yun, Jess." tinuro ko ang isang maliit na flashlight kay Jesse at inabot naman nya ito sa akin.

Itinutok ko ang ilaw sa mata ng babae at iginalaw ito ng left to right para makita kung susundan nya ang ilaw na nakikita nya. Conscious na sya.

Nang patayin ko ang ilaw, tumingin sya sa akin. "Miss?? Anong pangalan mo?" tanong ko sakanya.

"Tubig.. T-tubig.." papikit-pikit nyang sinabi kaya agad akong naglagay ng tunig sa baso at tinulungan ko syang uminom.

"Anong balak mo ngayon, Lee?" tanong sa akin ni Jesse na nakatingin lang sa babae.

"Di ko alam." sagot ko rito.

Tumigil sa pag-inom ang babae at hinawakan nya ang kamay ko. "S-sino ka? Nasaan ako??" inilibot nya ang mga mata nya sa paligid ng guest room. "N-nasaan na sila?? Nasaan ako??!! Nasaan na ang mga walangyang yun?!! Mga hayop sila!! Mga wala silang awa!!!" nagwawala sya at pinipilit namin syang pakalmahin ni Jesse.

"Ako si Lee Jimenez at sya naman si Jesse Dollesin at nasa bahay kita!! Kumalma ka lang.. Walang ibang tao dito bukod sa amin at sa mga kasambahay.." ikinubli nya ang sarili nya sa kumot.

"Kasamahan ka ba nila?!! Anong ginawa mo sakin?! Bakit ganito ang suot ko?!!" nanlilisik ang mga mata nya habang tinatanong ako.

"Hindi ko kilala ang mga taong binabanggit mo. Nakita ka namin ng driver ko sa tabi ng ilog na walang saplot at wala ring malay. Dinala kita dito sa bahay ko at ginamot. Tatlong araw kang walang malay ta sa loob ng tatlong araw na yon, ang mga kasambahay ang nagpapaligo at nagbibihis sayo. Ngayon, ako naman ang magtatanong. Ano ang pangalan mo at ano ang nangyari sayo??"

The Victim ActsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon