Act 9: Possibilities

3.3K 57 2
                                    

THE VICTIM ACTS

No one escapes from my anger and pain.

ACT 9

Possibilities

[Kira]

"Be sure na mag-jacket ka, okay? Malamig sa labas. Baka magkasipon ka." paalala sa akin ni Lee through phone.

"Oo na po! Pang-ilang beses mo na yang pinaalala sa akin. Hahaha. Anyway, papunta na ko jan. Kailangan ba talagang magpa-check-up ako? Okay naman na ko eh. Isa pa, doktor ka. Alam mo naman kung maayos ang lagay ng isang tao o hindi."

Kaya lang kasi nya ko papapuntahin sa ospital eh para ipacheck-up. Ewan ko ba sakanya. Maayos naman ang pangangatawan ko pero gusto daw nyang maka-siguro.

"This conversation again, Kira? Sige na. pumunta ka na dito. Bye." then he hung up.

Ang gentleman no? Binabaan ako ng phone. Pffft.

Matapos ang pag-aayos ko sa sarili ko, nagpahatid na ko kay Mang Tino sa ospital kung saan nagtatrabaho si Lee. Syempre may suot akong jacket na kasama sa mga ipinamili nya sa akin. Oo, ipinag-shopping nya ko. Haaay. Hanggang kelan ba ako mananatili sa puder nya? Nakakahiya na kasi. Pero di ko rin naman matanggihan yung alok nya sa akin na mag-stay kasi alam kong kelangan ko ring dumito muna.

"Salamat po, Mang Tino." sabi ko kay Mang Tino habang pababa ng kotse.

"Sige po, Ma'am Kira. Andito lang po ako sa parking lot." nakangiti nyang tugon sa akin.

"Kira na lang po. Sige po. Hahanapin ko na po si Lee." tumango na lang sya sa akin at pumasok na ko sa loob ng ospital.

Agad akong lumapit sa station ng mga nurse para magtanong kung saan ko makikita si Lee at agad rin naman akong pumunta sa directions na sinabi nila.

"Kira." lumingon ako sa likod ko nang marinig ang boses ni Lee.

Nasabi ko na bang sobrang gwapo nya pag suot ang coat nya?

"Andito na ko." I teasingly told him.

"Nakikita ko ngang andito ka na. May mata ako. Hahaha. Tara na?" nakangiti akong tumango sakanya.

Pinakilala nya ako sa ilang doktor na magsasagawa ng check-ups ko at sobrang nakakailang yung ibang mga tests. Lalo na yung sa mamography chuchu ever. I have to remove my bra for real. After all the tests they conducted to me, pinagpahinga ako ni Lee sa office nya.

"Baka next week pa natin makuha yung results nung mga ginawa sayo. For now, why don't we go to the mall para makapamasyal ka naman kahit papaano? Afterall, mag-out na rin ako ngayon." tinanggal nya ang coat nya at nag-ayos ng mga gamit sa desk nya.

"Lee..." tumayo ako sa maliit na hospital bed. "Ayos lang ba kung pumunta tayo sa Mt. Shinra ngayon?"

Tinignan nya ko ng may pagkagulat. "Are you serious?? Bakit kelangan mo pang balikan ang lugar na yun??"

"Kasi kailangan kong harapin ang mga masasamang alaalang meron ako. Lee, hindi sa lahat ng oras eh kailangan kong takbuhan ang mga pangyayaring yun. Tanggap ko na ang mga naganap. Ang hindi ko lang matanggap eh yung masayang namumuhay ang mga hayop na lalaking yun samantalang ako, nagdurusa pa rin sa mga kagaguhan nila. Please, Lee. Pagbigyan mo naman na ko." pagmamakaawa ko sakanya.

He sighed. "Okay. Sasamahan kita." napangiti ako sa pagpayag nya.

"Salamat. Ngayon magsisimula ang paghihiganti ko.." huminga ako ng malalim. "..kasama mo."

[Lee]

Tinignan ko ang maamong mukha ni Kira habang natutulog dito sa kotse. I leaned closer to her and put her head on my shoulder. Haay. Bakit kailangan pa nyang pagdaanan ang mga bagay na yun? I really think that she doesn't deserve all of it. Specially the pain.

"Sir, mahal nyo na po ba si Kira?" napatingin ako bigla kay Mang Tino na nagd-drive.

"Ano po bang klaseng tanong yan, Mang Tino?"

"Wala lang naman. Kasi mula sa salamin, nakikita ko kung papaano mo sya tignan. Ganung ganun mo tignan si Yuri nung nabubuhay pa sya. Alam ko ang bagay na yun kasi saksi ako sa pagmamahalan nyo noon." nakangiti nyang sinabi sa akin.

Si Yuri, ang namatay kong asawa. Inalagaan din sya ni Mang Tino noong mga panahong buhay pa sya. Sobra nyang mahal si Yuri na parang anak na nya.

Tinignan ko ulit si Kira. "Posible bang magmahal ang isang tao sa loob ng maikling panahon pa lang nilang magkakilala?" hinawi ko ang buhok ni Kira na nasa mukha nya.

"Posible yan, hijo. Lalo pa't mabait na bata iyang si Kira. Hindi kita masisisi kung mahulog ang loob mo sakanya."

"Hindi ko po sigurado kung mahal ko sya. Ang bagay na sigurado po ako ngayon, kailangan ko syang tulungan. At hinding hindi ako mawawala sa tabi nya hanggang sa makabangon sya mula sa masama nyang nakaraan." tumango na lang si Mang Tino sa mga sinabi ko.

Kung sakali mang mahal ko si Kira, malamang kailangan kong pigilan ang sarili ko. Hindi pa ito ang tamang panahon para sa pagmamahal dahil kailangan ako ni Kira bilang isang kaibigan at hindi ko sya bibiguin sa bagay na yun.

Mga dalawang oras rin siguro bago kami makarating sa Mt. Shinra. Tahimik naman na ang lugar na ito at wala na rin namang sign na may nag-iimbestiga pa. kung sabagay, matagal-tagal na rin naman ang nakalipas mula nung mangyari ang pagkawala ni Kira mula sa lugar na ito.

"Kira.." bulong ko para gisingin sya. "Andito na tayo."

Iminulat nya ang mata nya sabay kusot dito. "Nakatulog pala ko. Teka.." hinawakan nya ang balikat ko. "Haaay. Bute naman."

"Bakit? Anong meron?" hinawakan ko rin ang balikat ko.

"H-ha? W=wala! Hahaha!! Wala yun, ano ka ba." hinampas nya ko ng mahina sa balikat.

Ang weird talaga nito paminsan.

"Siguro iniisip mong natuluan mo ng laway tong polo ko noh??" ngiting-ngiti kong tanong sakanya.

Tinignan nya ko nang nanlalaki ang mga mata. "H-hindi noh!! J-jan ka na nga!!" at ayun. tama ang hinala ko. Kala nya tulo laway nya. XD

Lumabas sya ng kotse at tumakbo bigla. Hinabol ko naman sya pero nang may makita syang isang kulay blue na pick-up van, bigla syang tumigil.

Nilapitan ko sya't tinignan ang reaksyon nya. Parang gulat na gulat sya sa pick-up van na nakikita nya. "Why? What's wrong??"

"Let's get out of here." nakatulala nyang kinuha ang kamay ko sabay hatak sa akin palayo.

"Who owns that van?" tanong ko sakanya habang papasok sa kotse. "Alis na po tayo, Mang Tino." utos ko dito.

Ini-start na ni Mang Tino ang kotse pero biglang pinigilan ito ni kira. "Sandali lang po." nakatingin lang sya sa labas ng kotse.

Tumingin na rin ako sa labas at nakita ko ang isang lalaki na matangkad at may kasama syang babae na maganda at mahaba ang buhok.

"Mike.. Kylie.." isang patak ng luha ang kumawala sa mata ni Kira.

Mike? Kylie? Who are they?

The Victim ActsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon