Act 18: Kidnapped

2.6K 39 5
                                    

THE VICTIM ACTS

No one escapes from my anger and pain.

ACT 18

Kidnapped

[Selina]

Aish! Nakakapagod ang araw na ito. Bwisit na groupings yun. Bakit kasi pati sa college, merong role playing? Alam kong magaling akong umarte pero hindi pa ba sapat na napagdaanan na namin ang mga ganung groupings noong elementary at high school?

Tapos ang iro-role play nyo pa, mga taong kalye. Hindi naman sa masyado akong OA mag-react pero...

AYYYY GRABE!! Nahiya naman ako sa pinapagawa nila sa akin!! Umakting daw akong namamalimos habang nakaupo sa tabi ng kalsada. Alam nyo yung nakakainis duuun?? Hindi kasi sya basta role playing eh! Ivi-video sya! Dudumihan nila ang maganda kong balat!

Oo. Maarte ako. Ganun talaga eh. Pinapahalagahan ko ang katawan ko.

Speaking of Jethro pala, ayun. Ganun pa rin kami. Nilalandi pa rin nya ako este, nililigawan pala. Kelan ko kaya sya sasagutin? Patatagalin ko muna para naman may thrill. Ayoko nung sunggab agad eh. Gusto ko yung marami pang prosesong pagdaraanan.

Nagbibihis ako nang biglang may mag-doorbell sa unit ko. Ngamadali naman ako at pumunta sa harap ng pinto. Sinilip ko muna kung sino ang bisita ko pero wala namang tao. Para makasiguro, binuksan ko ang pinto pero saktong pagbukas ko, biglang may isang lalaki na humatak sa akin papasok sa loob ng unit ko, at tinakpan na nya ang bibig ko ng isang panyo.

Ang huli ko na lang na naaalala, kilala ko kung sino sya.

"Bakit, Jesse??" yan ang gusto kong itanong pero nawalan na ako ng malay.

[Jesse]

Hindi ko pwedeng hayaan si Selina sa mga binabalak nya. Kailangan ko syang pigilan. Tsk! Ano ba kasing iniisip nya? Ano bang mapapala nya kung aakitin nya yung rapist na yun, ha?! Tapos ibibigay pa nya yung katawan nya dun sa gagong yun. Di ako papayag! Akin lang si Selina!

Pumasok na ako sa condo kung saan nakatira si Selina. Hindi naman na ako tinanong nung guard kasi kilala na nya ako. Nang makarating ako sa tapat ng unit ni Selina, nag-doorbell na ko. Nagtago muna ako sa gilid ng pinto para pag sumilip sya sa eyehole, wala syang makikitang tao. Sumandal lang ako sa pader habang nakapamulsa. Kinapa ko yung panyo na nilagyan ko ng kemikal na itatakip ko sa bibig nya.

Mga isang minuto ang lumipas nang magbukas ang pinto at hinatak ko na agad sya papasok. Nanlaki pa nga yung mga mata nya nung makita nya ko pero pagkasara ko ng pinto, tinakpan ko na agad ang bibig nya nung panyo. Nag-struggle sya pero nawalan na rin sya ng malay.

Inihiga ko muna sya sa couch at hinugot ko ang mga appliances na nakasaksak. Matagal kaming mawawala at ayoko namang magkaroon ng sunog dito sa unit nya o kahit na anong incident. Malamang magagalit sya sakin at sisisihin ako pag may nangyaring di maganda dito sa unit nya. Iniisip ko pa lang, mukang mabubugbog ako nang di oras.

Binuksan ko na ang pinto nya at binuhat na sya. Sumakay ako ng elevator nang buhat buhat sya. Sinabi ko na lang sa mga tao na bigla syang hinimatay kaya dadalhin ko sya sa ospital. Nang makarating na ko sa kotse ko, inilapag ko sya sa backseat at nag-drive na papunta sa dapat kong puntahan kasama sya.

Halos dalawang oras ang byahe papunta rito sa San Pedro, Laguna. Malapit-lapit lang din naman kasi ito sa Maynila. May bahay ang pamilya namin dito kaya ayos na rin siguro na dito muna kami. Pinaayos ko itong bahay kasi halos isang taon na rin itong di natitirhan. Malaki-laki itong bahay na 'to. Apat ang kwarto at malaki ang sala pati na rin ang dining area.

The Victim ActsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon