Act 25: Discovered

2.2K 43 3
                                    

THE VICTIM ACTS

No one escapes from my anger and pain.

Act 25

Discovered

[Kylie]

"Mike.." sinampal ko sya nang malakas.

"Aray!! Bat mo ko sinampal?!!" reklamo nya sa akin habang nakahawak sa pisngi nyang dinapuan ng malakas kong sampal.

"Baka kasi nananaginip lang ako."

"Eh bakit ako ang sinampal mo? Hindi ba dapat ang sarili mo ang sampalin mo at hindi ako?" pinaningkitan pa nya ko ng mata.

Sinampal ko ulit sya.

"Ano ba, Kai?! Talagang pinantay mo yung dalaw kong pisngi?!" reklamo nya ulit.

"So, hindi nga ako nananaginip??" pagtatanong ko sakanya.

"Try mong sampalin sarili mo. Yung malakas rin. Tss." umiiling-iling nyang sagot.

So, totoo itong nakikita kong picture sa phone ko na pinadala nung tumawag sa akin na lalaki.

Picture ni Kira na nakalingon habang natakbo na hawak ang kamay ng isang lalaki.

Hindi ako maaaring magkamali. Alam kong si Kira ang babaeng ito. Mula sa anggulo ng muka nya hanggang sa pangangatawan nya, syang sya talaga 'to. Buhay si Kira. Buhay ang bestfriend namin. Pero bakit hindi nya sinasabi sa amin?? Hindi ba nya alam na halos mamatay kami sa pag-aalala sa kanya?? Mula doon sa araw na mawala sya hanggang sa mga oras na 'to.

Alam ko kung paano sisihin ni Mike ang sarili nya nung mawala sya sa bundok na yun. Kung papaano mawala sa sarili nya si Selina at maging ako. Kitang-kita ko rin kung papaano umiyak nang husto si Reese nung araw na yun at kung papaano ma-frustrate si Rex dahil sa paghahanap sakanya. Hindi man lang ba nya naisip na may mga kaibigan syang naghihintay na makabalik sya?? To the point na inakala ng karamihan na patay na sya??

Why, Kira?? Why are you doing this?? What's your reason behind all this? Why didn't you tell us you're alive??

Hinawakan ako ni Mike sa magkabilang braso. "Baka naman hindi si Kira yan, Kai. Kilala natin si Kira. Wala namang itinatago sa atin ang kaibigan nating yun kaya bakit naman nya itatago sa atin na buhay sya, di ba?"

Napa-iling na lang ako. "Ewan ko rin, Mike. Naguguluhan ako. Aalis muna ko." kinuha ko ang bag ko at inilagay ang phone ko dito.

Pinigilan ako ni Mike. "Teka lang. Saan ka naman pupunta, Kylie? Ni hindi nga natin alam kung saan yung lugar na pinagkuhaan nung picture na yun. saan mo hahanapin yun ha?"

"Hindi ko naman hahanapin ang lugar na yun."

"Eh saan ka nga pupunta?"

"Sa bahay nila Kira sa Sta. Rosa."

"Anong gagawin mo dun?"

"Magtatanong tungkol kay Kira. Basta Mike. I have this feeling na si Kira talaga yung nasa picture." hinawakan nya ang kamay ko.

"Sasama ako."

"Okay."

Nagpaalam ako sa parents ko na may pupuntahan lang at agad na rin kaming pumunta ni Mike sa bahay ng mga Gonzaga sa Sta. Rosa, Laguna. Ilang oras rin ang byahe papunta rito dahil ma-traffic ngayon. Friday kasi.

The Victim ActsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon