THE VICTIM ACTS
No one escapes from my anger and pain.
ACT 16
Say You Like Me
[Selina]
Breathe in. Breathe out. Breathe in. Breathe out. Kaya mo yan, Selina. Konti pang kembot at makukuha mo rin ang puso nya.
"Are you okay?" tanong sa akin ni Jethro nang mapansin ang sunu-sunod kong buntong-hininga.
Nasa isang restaurant kami ngayon. DATE ang tawag dito. He asked me at syempre pumayag ako. Hindi naman ito ang first date na naranasan ko pero ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan nang ganito. Bumibilis lagi ang tibok ng puso ko sa tuwing kasama ko ang lalaking ito.
Paano ba namng hindi bibilis ang tibok ng puso ko eh sa tuwing nakikita ko sya, puro galit ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko, gusto ko syang sakalin hanggang sa mamatay dahil sa ginawa nila sa kaibigan ko. Pero wala nang mas gaganda pa sa plano kong paibigin sya para saktan sya.
Mas doble ang sakit na mararamdaman nya sa oras na malaman nyang niloloko ko lang sya. Higit na masakit ang maiwan ng taong mahal mo kesa masaktan ang isang tao nang pisikal. Paiikutin ko ang mundo nya sa akin at kapag dumating na ang tamang oras, doon ko na pasasabugin ang kagimbal-gimbal na plano ko. Nakikinita ko na kung paano sya mabubuhay nang parang patay. Magdudusa sya nang higit pa sa pagdurusa ni Kira.
"Okay lang ako. Don't worry about me." I gave him my sweetest killer smile. Kung nakakamatay nga lang talaga ang ngiti ko, malamang kanina pa sya nakabulagta dito sa resto. -__-
"That's good to hear. Uhh.." bigla syang na-tense.
"Hmm?" tinaasan ko sya ng kilay na parang nagtatanong ng 'bakit?'
"N-nothing. N-nag-eenjoy ka ba? A-ano k-kasi ehh.." naisuklay nya ang mga daliri nya sa buhok nya. "Shit. This is my first effin' date. I don't know how to start a conversation well." nahihiya nyang sagot.
First date? Ako ang first date nya?
Very good, Selina!! Ikaw ang first date nya! Keep up the good work!! Ganyan talaga ang plano mo. Bwahahahahaha!!
Natawa ako sakanya. "Ikaw naman!" nag-lean ako nang kaunti at hinampas ang balikat nya. "Syempre naman nag-eenjoy ako! Sobra nga nag pag-eeffort mong dalhin ako sa isang sikat na reastaurant na tulad nito. Thank you."
Nag-sigh sya. "Buti naman kung ganun. Hindi kasi talaga ako nakikipag-date. Uhh.. Basta.. It's embarassing." bigla syang tumayo sa inuupuan nya. "Wait here. Uhmm.. I-I will just.. Tss.. S-show you what I've got." naiilang syang lumakad palayo sa akin at pumunta sa harap kung saan merong maliit na stage.
Kinausap nya ang members ng banda doon at nagulat na lang ako nang pumunta sya sa harap ng mic at nagsimula nang tumugtog ang banda na kinausap nya. Oh my ghaaad. What's he doing ba?
At nasagot ang tanong ko nang bigla syang kumanta. Sa akin lang naka-focus ang tingin nya.
"She's the girl that no one ever knows.
And I say hi, but she's too shy to say hello.
She's just waiting for that one to take her hand
And shake her up.
I bet I could.
I wish my heart was always on her mind.
BINABASA MO ANG
The Victim Acts
Ficção GeralShe is Kira Gonzaga. Raped by 4 unknown men and when they thought she was dead, they left her in a shallow river. She's up for her revenge with the help of the one who saw her lying on the midst of misery. One by one, she will make sure that they wi...