Act 32: Unexpected Guest

2.1K 40 14
                                    

THE VICTIM ACTS

No one escapes from my anger and pain.

ACT 32

Unexpected Guest

[Kira]

"I'm really sorry, Kira. Kung nalaman lang sana namin ang lahat kaagad. Wala man lang kaming nagawa para tulungan ka nung mga oras na yun. Pasensya ka na talaga." patuloy sa pag-iyak si Kylie habang si Mike eh hindi mapakali. Lakad lang sya nang lakad habang inihihilamos sa muka nya ang dalawa nyang kamay.

Hays. Na-frustrate silang pareho dahil nalaman nilang na-rape ako at ang mas ikinaiinis nila, nabuntis ako dahil doon. Pero nangyari na ang mga nangyari. Wala naman na kaming magagawa para ibalik pa ang nakaraan. Siguro naman may reason rin kaya nangyari yun. I just have to live with that nightmare and with that nightmare, I won't let my baby get affected. Gagawin ko ang lahat para maprotektahan sya kahit ang ibig sabihin pa nun eh ang ilayo sya sa kung sino man ang ama nya.

Naputol ang pag-uusap namin nang biglang may nag-doorbell. Wala ang mga kasambahay dito kaya walang tumutugon sa kung sino man ang taong nasa labas ngayon.

"Ako na." tumayo si Lee at agad na pumunta sa harap ng pinto para buksan ito.

Nagulat na lang kami nang biglang tumumba si Lee dahil sinuntok sya nung tao na pinagbuksan nya ng pinto kaya napatayo kami ni Kylie. Unti-unti itong lumapit kay Lee at mas lalo kaming nagulat nang makita ng mga mata namin na si Rex ang taong ito.

"REX?!" sabay-sabay naming nasambit nina Mike at Kylie.

Paano nya nalaman ang lugar na 'to? Bakit nya sinuntok si Lee?? Anong ginagawa nya dito??

Nang magtama ang mga mata namin, bigla akong kinilabutan dahil pakiramdam ko, mapapatay nya ko sa sobrang sama ng tingin nya sakin. What did I do?!

Napahawak ako kay Kylie habang papalapit sa akin si Rex pero bigla syang hinawakan ni Lee sa braso. Nakatayo na pala ito mula sa pagkakatumba. May dugo sa labi nya at mejo namumuo na ata ang pasa rito.

"Bitiwan mo ko." malamig ang pagkakasabi ni Rex kay Lee.

Umiling lang si Lee. Halatang nanghihina ito. "Don't ever think about it." bulalas nya kay Rex.

Akmang susuntukin sya ni Rex nang awatin sya ni Mike. "What the heck is this fuss all about?! Ano bang problema mo, Rex?! Nawala ka tapos ngayong nandito ka, bigla kang manggugulo!! Gago ka ba?!" inalis ni Rex ang kamay ni Mike sa kamay nya at itinulak si Lee.

Inalalayan ni Mike si Lee na makatayo. Tumingin na naman sa akin si Rex nang masama at biglang nagbuntong-hininga.

"I'm sorry." sabi nito. Hindi ko alam kung kanino say nagsosorry.

Nung nasa Amerika kami, hindi naman sya ganito. At lalong hindi talaga sya ganitong klase ng tao. Bakit bigla ba syang nanununtok? Bakit ganun na lang sya kung makatingin sa akin? Wala akong matandaan na may nagawa akong masama sakanya.

"Ano bang nangyayari sayo, Rex?? Nasaan si Reese??" tanong ni Kylie sakanya.

Hindi nya pinansin si Kylie at nilapitan ako. Gusto ko sanang lumayo sakanya pero wala na ang masamang tingin nya sakin kaya hinayaan ko na lang sya. "Ano bang mero, Rex? Bakit ka napasugod rito? Paano mo nalaman kung nasaan kami? Bakit m--"

"What have you done, Kira??" napatigil ako sa tanong nya.

What have I done? May nagawa nga akong masama sakanya? Pero, ano yun?? Ano bang nagawa ko??

"What are you talking about??" di ko maiwasang maguluhan.

"Three men, Kira. Nagawa mong manakit ng tatlong tao and you were asking me kung anong nangyayari sakin?? Ha??" nanlaki ang mga mata ko. Naaninag ko rin ang pagkunot ng noo ni Kylie at maging ang puzzled expression ni Mike.

"Anong nanakit? Si Kira?? Nanakit si Kira ng tatlong tao?? You're wrong, Rex. Si Kira pa nga ang nasaktan. Did you know that she was raped and she was almost killed?? And now she's pregnant." mariing sinabi ni Kylie kay Rex.

"Shut up, Kylie. You don't know everything. And yes, I know she's raped but about that pregnancy, ngayon ko lang yan nalaman. I bet magtu-two months na ang batang yan." ang harsh ng words nya. Parang patalim na pilit akong sinasaksak nang paulit-ulit.

I know Rex have all the wit you could ask for pero sumobra naman ata ngayon. Pinaimbestigahan ba nya ko at si Lee?? Sinasabi ko na nga bang di sya titigil hangga't di nya ko nahahanap. At tungkol pala dun, naalala kong di ko pa natatanong kay Kylie kung papaano nila nalaman na nandito ako at kung papaano nya nakilala si Lee. May lahi bang imbestigador o detective ang mga kaibigan ko?

"How did you know about all of those things?" sumingit na si Lee sa usapan namin at dahil barado si Kylie, nadismaya sya at pumunta muna sa labas kasama si Mike. Ang pride talaga ng isang yun, sobrang taas. "Tama ka na may nasaktan pero mali ka ata sa impormasyong tatlong tao yun."

"Felix Quintos, Timothy Rigor, and Jonathan Santino. How could I be wrong? I mentioned three names, right?"

"Si Jonathan?? Pero wala pa akong ginagawa kay Jonathan."

"Yung presence mo may nagawa sakanya. He's now insane, Kira. Nakapatay sya at nasa mental institution na sya ngayon." napa-iling ako. "Yes, Kira. Nakapatay si Jonathan. Namatay yung nasaksak nya kagabi dahil sa pagwawala nya. He saw you, Kira. Way back there in the hospital where Timothy is confined. How did I know? I've been following you since you got back here. You know me, Kira. We've been friends for years already."

Napanganga kaming dalawa ni Lee. Ibig sabihin pala, alam talaga nya ang mga ginagawa ko dahil sinusundan nya ko. Matalino talaga ang isang 'to. Napakatalino nya para magawang di ko sya mapansin o kahit na si Lee.

Pero si Jonathan?? Nasa mental dahil nasiraan ng bait nung makita nya ko? Ganun ba kabilis ang serious breakdown capacity nya?? Wala pa man din akong ginagawang pananakot sakanya, nabaliw na sya. And worse, nakapatay pa sya.

"And one more thing.." seryoso lang kaming nakatingin ni Lee sakanya. "Sumuko si Jethro Marcos sa mga pulis pero hindi sya dinetain dahil walang sapat na ebidensya laban sa mga sinasabi nyang akusasyon sa sarili nya. So, Kira.. You won, right? Pero nanalo ka nga ba talaga? Masaya ka ba??" tumingin sya kay Lee. "And you, Dr. Lee Jimenez, alam mo bang pwede kang matanggalan ng lisensya kapag nalaman ng mga tao na may kinalaman ka sa mga nangyare kina Felix at Timothy?"

"Yes. Alam ko yun pero what can I do? I love Kira. Nagmamahal lang ako at tinutulungan ko lang ang babaeng mahal ko."

Nang marinig ko ang mga sinabi ni Lee, napaiyak na lang ako.

I'm so stupid.

You're so stupid, Kira Elaine Gonzaga. Bakit di ka na lang namatay??

The Victim ActsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon