Act 22: Back

2.2K 46 2
                                    

THE VICTIM ACTS

No one escapes from my anger and pain.

ACT 22

Back

[Kira]

"Wag ka na namang magalit oh." naiirita na ko. Pang-ilang beses na syang parang tanga kakasabi nyan sakin. Masasapak ko na talag 'tong isang 'to eh.

Matapos naming tumakbo kanina nang makita namin si Rex, inis na inis nya pa kong kinaladkad pauwi. Ni hindi na nga namin nahintay si Yassi na syang magsusundo samin para iuwi kami sa bahay ni Cess. Bakit naman kasi hindi nya sinabi sa akin na andito sina Rex at Reese eh alam naman pala nya ang tungkol dun dahil sinabi daw sakanya ni Jesse! At eto namang si Jesse, hindi rin sinabi sa akin! Magkaibigan nga talaga silang dalawa.

"Nakakainis, Lee!! Muntik na nyang malaman na buhay ako! It's a good thing na hindi naman ata nya nakita nang tuluyan ang mukha ko. Pero I know Rex too well. Once na may mystery syang nasaksihan, he won't hesitate to solve that. At dahil ganun ang ugali nya, we have to leave agad. At pwede ba ha.. Wag mo na ulit akong kakaladkarin! Paano na lang kung madapa ako?! Patay ka sakin pag may nangyaring masama sa katawan ko!" inis na inis ko syang hinampas sa braso nya.

Lumaki naman ang mga mata nya. "O-oo nga. I'm sorry! Hindi na mauulit. Nag-panic lang rin kasi ako. Kamusta ka nga pala? Wala ka bang nararamdaman na kahit ano after nung paghatak ko sayo kanina at pagtakbo natin??" tinignan ko lang sya ng masama.

He knows it and yet, he didn't even tell me. Ano bang akala nya? Makitid ang utak ko? Since di naman nya sinabi sa akin ang bagay na yun, di ko rin sasabihin sakanya na may alam ako.

"Okay lang ako. Don't panic. Dinaig mo pa ko. Bakla ka noh?" nag-gasp naman sya at napahawak sa bibig nya. Parang babaeng nagulat na ewan ang reaksyon nya. "Sinasabi ko na nga ba eh! Bading!" ibinaba nya ang kamay nya at tinitigan ako.

"Anong pinagsasasabi mo jang bading ako? Gusto mong halikan kita nang magkaalaman tayo?" unti-unti nyang inilapit sa akin ang muka nya.

Syempre di ako gumagalaw. Tinitigan ko lang rin sya sa mata. Ako pa ba ang tatakutin ng isang 'to sa mga ganitong scenario?  Hah! Laos na ang mga ganitong scene eh.

Nang magkadikit na ang mga ilong namin at amoy ko na ang hininga nyang hindi naman mabaho, pumikt na sya. Tinitigan ko lang sya hanggang sa parang wala na nga syang balak umatras at itutuloy nya ang paghalik sa akin. Gusto ko syang itulak pero yung mga kamay ko ayaw makisama.

Naramdaman ko ang paglapat ng mga labi namin sa isa't isa. Galit ako kanina sakanya pero bakit ganun? Nang mahalikan na nya ko, lahat ng galit ko, nawala bigla. At ang isa pang nakakaasar dun eh yung katotohanan na..

..gusto ko ang nangyayari ngayon. 

Nang humiwalay sya sa akin, napatulala na lang ako sakanya. "Bakit di mo ko tinulak? Gusto mo rin noh? Sino na nga ang bading?" ngumiti sya nang nakakaloko.

"Ehem.." pareho kaming napatingin ni Lee sa stewardess.

Pabalik na kasi kami ng Pilipinas ngayon at kasalukuyan kaming nasa eroplano. Dahil mga sa alam ko ang maaaring gawin ni Rex, agad akong nagpa-book ng flight pabalik sa Pilipinas. Hahanapin kasi ako ni Rex sa Amerika at tiyak ko na gagawin talaga nya yun. Alam ko rin naman kasi na kahit hindi nya gaanong nakita ang mukha ko kanina, alam nyang ako yung nakita nya lalo pa't hindi ko sya matignan kanina.

Bat naman kasi ipinanganak na matalino ang bwiset na lalaking yun. 

Pero.. I miss Rex. I miss all of my friends. Kamusta na kaya sila? Sana naman maayos ang lagay nilang lahat.

"Here's your water, ma'am." iniabot sa akin nung stewardess ang tubig na hiningi ko kanina.

"Thank you." nginitian naman nya ko.

"Do you need anything else, ma'am?"

Umiling ako. "Water is enough. Thank you again."

"You're welcome. Call me if you need anything." tumango ako at umalis na sya.

Nakakahiya. Nasa eroplano nga pala kami pero hinayaan kong mahalikan ako ni Lee!

"Sorry." nakayukong bulong ni Lee.

"Para saan na naman yang sorry mo?"

"Basta. Sorry."

"Bahala ka. Wag mo muna akong kakausapin."

Napa-sigh sya. "Okay. I'll give you space."

Hindi na kami nag-usap pa ni Lee. Ewan ko ba. Hindi naman na ko galit sakanya pero naging awkward na ang atmosphere nang mag-kiss kaming dalawa (na sa eroplano namin ginawa).

Nakatulog na rin ako dahil walang mapagka-abalahan. Nang magising ako, nasa Pilipinas na kami. Sobrang himbing ata ng tulog ko kaya di ko namalayan na nag-landing na ang eroplano.

"Hello, Jesse? We're back." kausap ni Lee si Jesse.

4:15 na ng hapon dito sa Pilipinas at magtataxi lang kami ni Lee papunta sa isang hotel dito sa Manila.

"Oo sige. Ingat kayo jan. Bye." nag-dial ulit sya ng naumber matapos tawagan si Jesse. "How was it??" tanong agad nya sa kausap nya sa phone. Kinuha nya mula sa kamay ko ang dala kong maleta. "Really? That worse??" tumingin sya sa akin. "Okay. Thank you. I'll tell her right away, bye." inend nya ang call at humarap sa akin. "Do you want to see Felix?"

Napataas ako ng kilay. "Why would I want to see him?"

"Because he's already admitted to a hospital?"

"And?"

"He lost his legs." kumunot ang noo ko. "Your plan worked. He's suffering right now. Gumana lahat ng plano mo. Pinutol yung dalawang paa nya nang maaksidente sya nung gamitin nya yung motor na pinadala natin sakanya."

About Felix, simple lang naman yung ginawa naming plano sakanya. He loves to collect motorbikes kaya naman naisip ko na magpadala ng motor sa bahay nya at syempre pag nakita nya yun, he would ride that bike for a test. Yun ang higlight. Pinatanggal namin ang break ng motor sa way na hindi nya mahahalata. The plan worked and now, he's suffering.

"I'm glad that he didn't die." hinablot ko sa kamay nya ang handle ng maleta ko. "At least he will know what pain is. Hindi nya matatakasan ang galit at sakit na nararamdaman ko para sakanila. Hangga't nandito pa ang binigay nilang pighati sa akin, hindi ko sila titigilan. Maghihirap sila."

"So, who's next?"

"Doktor ka naman di ba? Makakakuha ka naman siguro ng kahit na anong gamot mula sa pharmacy ng ospital na pinapasukan mo."

"Yeah. I think so. Bakit?"

"I need you to go and get me some drug."

Timothy Rigor, you're next.

The Victim ActsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon