Act 20: For Felix

2.5K 44 1
                                    

THE VICTIM ACTS

No one escapes from my anger and pain.

ACT 20

For Felix

[Lee]

"Okay na ba ang lahat??"

"Oo. Natapos ko na yung pinapagawa mo. Baka nga sa mga oras na 'to, nakita na nya yun."

"Sige. Good job. Salamat."

"No problem."

Ini-end ko na ang call matapos kong kausapin ang isang tao na inutusan ko sa Pilipinas para gawin ang plano namin ni Kira para kay Felix.

"Lee, tara na." biglang pasok ni Kira sa kwarto ko.

Na-discharge na pala ako kaninang umaga at nag-aya naman si Cess na umalis muna pansamantala. Magsho-shopping daw kasi sila ni Kira.

"Okay." tumayo na ko sa kama at sinundan sya palabas.

"Ayos na ba talaga ang pakiramdam mo? Bakit tinanggal mo na yung benda mo sa ulo??" nakakunot ang noo nyang tanong sa akin.

"Okay naman na talaga ako. Kayo lang itong OA eh." ginulo ko ang buhok nya.

"Wag mo ngang guluhin ang buhok ko. Kita mong ang ganda ng ayos ko ngayon eh." hinampas pa nya ko sa braso.

Ngumiti naman ako sakanya ng nakakaloko. "Maganda pa ba yang ayos mo na yan? Kaya pala gusto kang ipag-shopping ni Cess."

Model si Cess at isa ring fashion designer kaya natural lang para sakanya ang maging sensitive at conscious sa pananamit ng isang tao lalo na sa sarili nya.

"Okaaaaay! Let's go!!" tuwang-tuwang sinabi ni Cess sa driver nya nang makasakay kami sa kotse.

"Pangit ba talaga akong manamit?" naka-ngusong tanong sa amin ni Kira.

"To be honest, girl... Hindi naman. Sakto lang. Pero gusto talaga kitang ipamili ng damit. Gusto kitang ayusan para mas lalo kang gumanda at para naman magkaroon na ng lakas ng loob ang pinsan ko na sabihing gusto ka nya." agad na tumama ang palad ko sa ulo ni Cess. "Ouch ha." reklamo nya sa akin.

Kahit kelan talaga itong pinsan ko na 'to, napaka-daldal.

Tumingin ako kay Kira at nagkulay kamatis bigla ang mga pisngi nya. "Uyyyyy. Nag-blush si Kira o! Gusto mo rin ang kuya ko nu??" pangungulit ni Cess sakanya.

Pinanlakihan sya ni Kira ng mga mata. "Hindi ah! Sino ba naman ang magkakagusto jan sa kuya mo na walang ginawa kundi ang asarin at inisin ako? Nako ha! Tigilan mo ko. Hindi ko nga crush yan, gusto pa kaya? Ha! Hahaha! Hahaha!" awkward ang pagtawa nya sabay iwas sa amin ng tingin.

Napangiti naman ako ng palihim.

"Defensive." mahina kong bulong sa hangin.

Biglang tumama yung kamao ni Kira sa braso ko kaya agad ko itong hinimas. "Hindi ako defensive!!" singhal nya sa akin.

Lumapad pa ang ngiti ko. "Talaga lang ha??" mapanukso kong tanong.

"Umayos ka ha! Asa ka, uy!"

"Sus. Kunyari ka pa. Ayos lang naman na magkagusto ka sakin eh. I mean, gwapo naman talaga ko. Di kita masisisi kung tinablan ka nun."

The Victim ActsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon