Act 26: Aphrodisiac

2.2K 41 6
                                    

THE VICTIM ACTS

No one escapes from my anger and pain.

ACT 26

Aphrodisiac

[Kira]

"Lumayo ka nga kahit 1 inch lang! Ay hindi, 2 inch pala! Kinikilabutan ako sayo eh!" parang tanga lang itong si Lee kung makadikit sa akin. Akala nya ba kami na? Eh nililigawan pa nga lang nya ko eh!

Tinotoo nya yung sinabi nya sa akin na liligawan nya ko. Sobra nga kung mag-alaga ang isang 'to eh. Kulang na lang mag-apply sya bilang tatay ko. Sweet sya, aminado ako dun. Kaso nakakakilabot na talaga paminsan eh. Ultimo pag kakain ako, gusto nya susubuan pa nya ko. Ano ako, BATA?? Wala ba kong kamay?? May sakit?? Malala?

"Ang naaalala ko, buntis ako. Wala akong malalang sakit, Lee. Umayos ka ah. Baka gusto mong bastedin kita??" napalayo sya sa akin ng kaunti. Hahaha! Takot oh!

"Inaalagaan lang kita pati na rin si baby. Alam mo namang ayoko nang napapagod kayo eh." ngumiti sya nang nakakakilabot. I got goosebumps dahil sa ngiti nyang yun. Bwiset!

"Stop that!!" tinapal ko ang palad ko sa bibig. "You're freaking me out!"

Kumunot ang noo nya sabay kuha sa kamay ko at..

..hinalikan nya ito.

Nakakainis. Uminit ang pakiramdam ko dun ah. Lalo na yung pisngi ko. Grabe siguro ang pamumula ng mga ito ngayon. Tch! Kakainis na Lee Jimenez!! Pinapakilig na naman ako!!

I'll admit that I like him. Aarte pa ba ko? Gwapo na, mabait pa. Maalaga na, mapagmahal pa. Yun nga lang, siraulong tunay sya. Wahaha! Ssssh. Pero mahal ko na rin ata ang isang yan. Haaay! Bakit ba na-inlove ako sakanya? Siguro nawalan lang ako ng choice kaya sya yung napili ng puso kong mahalin. Swerte nya dahil sya ang first love ko, aba! XD

Natulala ako sa ginawa nya kaya ngumiti sya nang malapad. "Please..."

"H-huh?"

"Please don't let me see you blush. Natetempt akong halikan ka eh." then he winked. Ugh! Ang yabang talaga! Sabe sa inyo siraulo sya eh.

Hinighit ko ang kamay ko sakanya. "K-kapal mo ha! Subukan mo lang at baka mawalan ka na ng buhay!!"

"Bakit?? Papatayin mo ko?" nakangiti pa rin sya. Nang-aasar pa ang gagung 'to.

"Oo! Mamamatay ka talaga!"

"Papaano mo ko papatayin? Tsaka, kaya mo ba??"

"Ako pa ba, Lee?? AKO PA BA??" nag-puppy eyes ako.

"What will you do then?" inilapit nya sakin ang mukha nya.

Ayan na naman sya. "Papatayin kita.." inilapit ko rin ang mukha ko sakanya. "..sa pamamagitan ng pagwasak jan sa puso mo." and I winked sabay tayo at naglakad papasok sa kwarto ko, leaving him there with his mouth hanging open.

Bwahahaha! Laglag panga nya eh!

Nandito na pala kami sa bahay nya. We headed back here nung araw na dinala nya ko sa ospital. Pinagpahinga lang naman ako nung doktor dun for a few hours kaya na-discharge ako agad at dahil sa patapos na ang leave ni lee nung araw na yun, umuwi na kami dito. It's been three days na mula nung incident na yun at ayan si Lee, full time manliligaw ko na ngayon.

Pangit nga lang ata tignan na magkasama kami sa iisang bubong pero once na matapos ako sa misyon ko, iiwan ko na rin ang bahay na ito at babalik sa condo unit ni Selina o kaya sa bahay namin sa Sta. Rosa. Kaso, will I ever have the guts to leave Lee? Pero naaah. Susundan ako nun. Ako pa. Mahal nya ko eh. Di ba?

Kumatok si Lee at biglang pumasok sa kwarto ko. "Kira.." nakabusangot ang mukha nito na animo'y nalugi sa sugal. "Naman eh.." para namang batang babae 'to kung makareklamo at makanguso pero cute!

"Tch. Joke lang naman yun. Sineryoso??" nagpipigil ng tawa kong tugon sakanya.

"Edi.." lumapit sya at umupo na rin sa kama. "sasagutin mo na ko??"

"Kapal ha! Agad-agad??"

"Tsk. kala ko pa naman ganun na yun. Oo nga pala.." may binigay sya sa aking listahan. Kinuha ko yun at binasa nang tahimik.

Niacin

L-Arginine

Pantothenic Acid

Yohimbe

Herbal Ecstasy

Bromocriptine

Deprenyl

Gamma hydroxubutyrate

MMDA

"MMDA?? Yung MMDA?? As in MMDA?? Ano ba 'to?" tanong ko sakanya.

"Yan yung listahan ng aphrodisiacs na meron sa pharmacy namin. Well, aphrodisiac in some cases, I mean. And no, hindi yung MMDA natin but 3-methoxy-4,5-methylenedioxyamphetamine; 3-methoxy-MDA ang ibig sabihin nun."

Napanganga naman ako. Anu daw? Chuchu ever chorvalu chenez petiks lalala? Haba ehh. "Ahh. So eto na pala yun. Malaki ba ang tsansa nyang mabuhay once na i-take nya ang isa sa mga ito?"

"Yes. Malaki ang tsansa nyang mabuhay."

"Good."

It's showtime.

The Victim ActsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon