Act 17: A Date, A Cousin, and Someone

2.6K 47 4
                                    

THE VICTIM ACTS

No one escapes from my anger and pain.

ACT 17

A Date, A Cousin, and Someone

[Someone's POV]

"Umuwi na tayo. Please? Sumama ka na sakin pabalik." pagpupumilit nya sakin.

Sa tuwing darating sya dito sa bahay ko, yan at yan lang ang palagi nyang ipinipilit sa akin. Hindi ba sya titigil hangga't di ako sumasama pabalik?

Nahihirapan lang ako lalo sa tuwing nakikita ko sya. Kaya nga ako umalis para makalimutan ko na sya. Bakit ba ganito ang tadhana? Sa tuwing may isang bagay kang gusto, gumagawa sya ng paraan para di mo yun makuha.

Ilang araw na syang pabalik-balik dito at ilang araw na rin syang umiiyak sa harap ko. Hanggang kailan ba nya ako iiyakan? Nababasag lang lalo ang puso ko sa bawat butil ng luha na kumakawala sa mga mata nya. Hindi ko sya halos matignan sa tuwing nandito sya. Gustong gusto ko syang yakapin pero hindi ko magawa. Ano bang meron ako para magkaganito sya? Hindi pa ba sapat ang mga pagtataboy na ginagawa ko sakanya? Hindi ba sya nagsasawa??

Kasi ako malapit nang magsawa...

..sa kakalaban dito sa nararamdaman ko para sakanya.

"I've said this for how many times already. I won't go. Umalis ka na." pagtataboy ko sakanya.

Aakyat na sana ako nang bigla nya akong yakapin mula sa likod. "Please naman o. Bumalik na tayo." lalo nyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. "Ano bang kailangan kong gawin para lang bumalik ka kasama ko? Nahihirapan na ko eh. Ang sakit na. Ang sakit sakit na nitong ginagawa mo. Naging manhid ka na ba talaga? Hanggang kelan mo ko titiisin nang ganito??" isinubsob nya ang muka nya sa likod ko at patuloy na umiyak doon.

Pilit kong iniaalis ang pagkakayakap nya sa akin pero ayaw nyang magpatinag kaya hinawakan ko na lang ang kamay nya. "Wala kang dapat gawin at wala ka na ring magagawa para mapilit ako sa bagay na gusto mo. I just need some space. Can't you at least give me that?? How about some respect for my decision for not granting your request? Fuck! I'm so tired of this shit! How many times do I have to let you know that I don't wanna go home?! " nai-hilamos ko ang mga kamay ko sa mukha ko.

Gusto nang kumawala ng mga luha sa mata ko pero pilit kong nilalabanan ang mga yun. Hindi ako pwedeng maging mahina sa harap nya. Paano na lang ang effort kosa pagtataboy sakanya kung sa bandang huli, matatalo rin naman ako ng nararamdaman ko.

Kahit pa alam ko na ang totoo, hindi pa rin maiaalis ang isang kaisipang pinanghahawakan ko ng buong buhay ko. Sa ngalan man lang ng pagrespeto, sisiguraduhin kong magagawa kong patayin ang mga hindi ko dapat maramdaman.

"At least let me live here with you! Hindi ko kaya na wala ka. I miss you so bad!! Let's start out fresh. Forget about that stupid truth and be happy. Hindi pa rin ba pwede yun?!"

Tinanggal ko na nang marahas ang pagkakayakap nya sa akin saka ko sya hinarap. Parang nadurog ang puso ko nang makita ko ang mga mata nyang mugto na sa kakaiyak. Damn it. I wanna wipe all the tears but I just can't. I have to do this. Para rin naman sakanya ito eh. Hindi ba nya nakikita yung side na yun?

"Hindi! Nasisiraan ka na ba ng ulo, ha?! Come on! Grow up! At wag mong sasabihin na di mo kaya nang wala ako dahil eto ka o. Humihinga ka pa rin naman di ba? Buhay ka pa. Makakaya mo yan." tumalikod ulit ako sakanya. "Please leave...and don't ever come back."

"Yes, I'm still alive but I just wanna let you know that I'm dying." parang tumigil ang oras nang marinig ko ang mga salitang yun mula sakanya.

The Victim ActsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon