2 4

9 3 0
                                    

ELARA'S POV

Elara Rivera. Not a sister by blood, but an eldest sister by heart of Deva, and a gorgeous lady at the age of 18. The story telling for this chapter!

"Hello, tita Luna!" magalang na bati namin nang maabutan namin siya sa bukana ng mansion nila.

"Oh, kamusta kayo, mga hijo at hija? Hindi ba't may pasok kayo ngayon? Napadpad kayo bigla rito. May kailangan ba kayo sa akin?" pambungad na bati niya sa amin.

"Opo, Tita. May pasok po kami pero nabalitaan po namin na nakauwi na si Deva." paunang sagot ni Neoma.

"Nandyan po ba siya?" pagtatanong ko naman.

"Ah, si Deva, ang anak ko?" napansin ko ang saglit na pagtigil ni Tita Luna, "Hindi pa siya bumalik dito simula noong umalis siya. Napa-extend kasi siya doon at hindi rin nagsabi sa'min kung kailan siya makakabalik rito. Pasensya na kayo."

"Ganu'n po ba, Tita?" sambit naman ni Adhara.

"Oo, pero noong tumawag pala siya kahapon ay sabi niya na malapit na din ang uwi niya, pero ayon lang walang eksaktong araw na binanggit." marahang pahayag ni Tita.

"Nasaan po ba talaga si Deva, Tita?" pagtatanong ni Holmes.

"Ang totoo nyan kaya siya biglang nawala ng halos magdadalawang buwan ay nasa isang misyon siya ngayon kaya hindi ko rin masabi sa inyo at habilin rin ni Deva sa akin na huwag ipaalam sa inyo dahil makakabalik rin siya unexpectedly." mahabang paliwanag sa amin ni Tita Luna.

"Anong klaseng misyon po at hindi niya kami isinama doon?" tanong ni Ed Asich.

"It's a family mission." panimula ni Tita, "Only the family member of the clan sent to that mission.  My Deva is the only heiress of our clan that's why we sent her there. It's a life and death mission." dagdag pa ni Tita.

Nagulat naman kaming lahat roon.

"Life and death mission po? Hindi po ba ako nabingi sa narinig ko po?" gulat na pangungupirma ni Nash.

"Yes. But don't worry because my daughter said she's fine and will be back soon." pahayag ni Tita habang nakangiti.

"Kaya pala hindi niya mabanggit sa amin kasi it's a private matter." biglang sambit ni Orion.

Napansin kong walang imik si Aris mula noong makarating kami rito at ang pagmamasid niya sa garahe.

"Tita, pwede pong magtanong sa inyo?" biglang sambit ni Aris.

"Ano 'yon, hijo? You can ask anything to me."

"Napansin ko pong wala iyong kotse ni Lua sa garahe ngayon pero madalas po akong magpunta dito noong nakaraan at nandyan lang po iyon. Sa pagkakaalam ko po ay hindi po basta magagamit ang sasakyan na iyon kung hindi si Lua ang gagamit, base sa sinabi niya sa akin noon-" paliwanag ni Aris pero naputol iyon nang dumating ang sasakyan ni Lua at lumabas roon si Kuya Warren, ang pinsan ni Deva, na kasama si Honey.

"Hello, Tita!" masayang bati nito habang buhat ang anak niyang si Honey.

"Lola!" masiglang bati naman ni Honey.

Masaya namang sinalubong ni Tita Luna ang dalawa.

"Tita, thank you po sa pagpapahiram ng sasakyan ni Deva kahit ayaw niyang ginagamit ng iba." nakangiting pahayag ni Kuya Warren.

"Walang anuman basta walang gasgas ang sasakyan at baka parehas tayo malagot sa anak ko. Masydong mahal ng anak ko ang kotse niya!" pagbibiro ni Tita.

RAINBOW ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon