POLARIS' POV
"Love, what happened to your niece? Why is she ending up in a coma a year ago?" I asked while cherishing Kahna as she fell asleep beside me.
"A year ago, after the celebration of her third birthday party and it happened when I was away here like I did last time, I didn't tell anyone of you that I went nowhere for a month. And she ended up in a coma because some suspicious guests wanted her to die just like her parents. She was roaming around with her nanny until she went to the grand staircase, and they deliberately planned an accident without any traces of them in my Dada's company party, but our head security caught them after they pushed my Dahl to the grand staircase. From the fall, my Dahl bumped her head multiple times as she got bruises around her young body -and ended up sleeping for a whole year. When I heard this bad news, even though I was still on my family mission, I went home with a total breakdown and sleepless night to secured that no one could hurt her again. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari sa kanya dahil wala ako para protektahan siya noon katulad ng pangako sa mga magulang niya." Mahabang paliwanag ni Lua sa akin.
"Kung halos isang taon na siyang nandito sa hospital, bakit hindi kita nakikita na malulungkot at naghihintay na magising siya lalo kapag nasa school tayo?"
"They always update me by sending me daily videos and photos of her. As for me, to be distracted for a while and could go to school without worrying about her, my parents decided to hire the highest-rank officers and 24/7 surveillance cameras all over the hospital. And I am thankful for that." She smiled.
"Why is she calling you her Mama Luan?" I curiously asked.
"Aside from her mother's look alike, I also got my name after her mother, ate Luana because my family said that I looked like her daughter when I was born. Para raw kaming pinagbiyak na buko."
"Baka naman pinaglihian ni Tita Luna si ate Luana mo sa'yo kaya naging magkamukha kayo?"
She laughed, "Actually, yes. Kuwento sa akin noong bata pa ko na noong pinagbubuntis ako ni Mama na ayaw na ayaw raw makita niya si ate Luana tapos akala nila may galit si Mama sa kanya, pero ang nakakatawa doon hindi raw kinakain ni Mama iyong i-se-served na pagkain sa kanya maski galing kay Dada kung hindi si ate Luana ang magbibigay sa kanya kaya kahit ayaw siya makita ni Mama noon -ayon no choice si ate Luana na tumira kila Mama lalo kasi sobrang selan na nagbuntis noon at halos umiiyak raw si Mama kapag hindi niya makita si ate Luana. Kawawa rin daw si ate Luana kay Mama Luna noon dahil doon. Halos si ate Luana nga raw ang palaging hinahanap ni mama."
Namangha na lang ako sa kuwento niya.
"Tapos noong si ate Luana naman ang nagbuntis kay Dahl, ako naman ang pinaglihian niya pero hindi kasing tindi kay Mama Luna na akala mo may galit. Gustong-gusto naman niya akong nakikita kaya ayon nagstay siya sa bahay noon at ako lang ang palaging katabi niyang matulog sa kwarto niya noon." Dagdag pa niyang kuwento sa akin.
Napailing na lang ako sa mga nalalaman ko at medyo nagbiro naman sa kanya, "Baka kapag ikaw naman ang magbubuntis baka si Dahl naman ang paglihian mo sa magiging anak natin."
Natatawa na lang siyang napailing sa biro ko sa kanya. Lumipat naman kaming maupo sa sofa para hindi magising sa pag-uusap naming si Dahl.
"Ayos lang bang malaman ko kung ilang taon si Dahl noong iniwan siya sa iyo?" seryosong tanong ko naman rito.
"Dahl was two years old back then. Iniwan siya sa amin sa mansion bago sila magpunta sa medical mission dahil parehas na doctor sila ate Luana at kuya Keepers. Iniwan nila si Dahl kasi delikado iyo para sa bata dahil may tendency na may mangyari sa kanyang masama doon -pero sa mahigpit na tatlong buwan na umalis sila, nabalitaan na lang namin na nadamay sila sa isang shoot-out sa lugar ng medical mission nila at napag-alaman namin na sinadyang targetin sila dahil ang suspect doon ay rival clan namin pero hindi sila nahuli maliban sa isang tauhan nilang hanggang ngayon ay ayaw pa ring umamin."
"Ibig mong sabihin ay wala pa rin kayong alam kung sino ang pumatay sa kanila?"
"Oo dahil marami kaaway ang pamilya namin at bilang lang sa kamay ang kakampi namin na maaasahan namin na alam naming hindi kami kayang tratraydorin sa alanganing sitwasyon." Seryosong sambit naman nito.
"Tingin mo sila rin iyong hinahanap natin sa misyon natin?" pagtatanong ko.
"Posibleng mangyari iyon, pero kailangang mag-ingat tayo dahil matinik silang kaaway at mahirap na makalaban. To be honest, it was hard to find evidences about them especially they were deliberately hide their identities in public." Simpleng saad niya.
"Don't worry, love. We'll help you as much as you need our help, or even our clan's power. We always got your back." I assured her as I held her hands.
"Thanks a lot, Polar. I just hope no one will got involved here, especially the Rainbow Academy students. I know they targeted to expose what insides the academy. Gusto kong maunahan sila sa kung ano mang binabalak nilang plano at sana mahanap na natin kung sino ang kailangang spies sa loob ng school." nag-aalala kong pahayag.
"No matter what happen, love, we will gonna expose them, too."
Biglang dumating naman ang mga kaibigan namin, napansin ko na rin umuwi iyong iba at si Titania na lang ang kasama nilang bumalik rito sa kuwarto.
"Boss, kilala mo si Felicia Collins? Iyong co-historian officer ko?" Biglang bungad na tanong ni Titania at hawak ang isang envelope na binigay niya kay Lua.
"Oo, bakit?" sambit naman ni Lua habang binuksan iyong laman ng envelope na tungkol sa mga papeles para sa school project.
"Nagtataka lang ako, boss."
"Tungkol saan naman?" pagtatanong ni Lua at seryosong tumigin kay Titania.
"Scary mo naman tumingin, boss -anyways, nagtataka lang ako kung papaano niya nalaman na nandito ka ngayon kasi siya mismo ang naghatid niya rito at hindi na niya pinaabot bukas na ibigay sayo nang personal." Simpleng sagot naman ni Titania.
"Agree ako, bunso. Lalo Sunday ngayon at obviously hindi nila malalaman ang whereabouts mo kasi diba rules mo as student council president sa amin na no weekend meetings sa mga officers mo." Paliwanag naman ni Adhara.
"Isa pa, nabanggit niya si Molly Turner ang nagpapaabot niya para ibigay sa'yo kasi may nakaconfined na kamag-anak ni Felicia na binisita niya kaya pinasabay na lang raw para mareview mo iyong laman ng envelope na iyan." Dagdag naman ni Nash.
"Nagtataka rin ako paano nalaman ni Molly na nandito sa eksaktong hospital kung saan rin naka-confined ang kamag-anak ni Felicia." nahihiwagaang pahayag ni Elara.
Sumang-ayon rin kaming lahat sa sinabi ni Elara patungkol kay Molly.
"Baka coincidence lang?" komento naman ni Orion.
"Pwede ring hindi coincidence iyon! Lalo wala namang nag-u-update sa atin ng whereabouts natin sa socials eh!" giit naman ni Neoma.
"Nagpost yata ako kahapon?" alanganing pahayag ni Titania sa amin, "Peace be with you? He-he."
Tumango lang si Lua at nakangiting nagsalita, "Hayaan niyo na, mukhang urgent ito dahil para sa outreach program natin this coming week na ito."
Nagkatinginan lang kami doon dahil pinagsawalang bahala lang ni Lua ang mga sinabi nila. Napansin ko naman ang penmanship sa papel na kasama doon sa envelope.
Teka, saan ko ba nakita ang gaanong penmanship noon? Nakita ko na ito dati noong nasa student council office or sa office ni Lua sa Hell House.
Arrgh! Saka ko na nga lang alalahanin kapag nakita ko ulit iyon.
ΦΦΦΦ
P a d a y o n . . .
BINABASA MO ANG
RAINBOW ACADEMY
Teen FictionRAINBOW ACADEMY is a school where a bitter-sweet story hides and seeks, death and happy endings. The two major rules are that students and teachers are not allowed to tell everybody about the colorful stories outside of the school - and do not trust...