1 8

11 3 0
                                    

LUA'S POV

"Bad mood?" bungad ni Elara sa akin.

Salubong ang kilay kong tumingin sa kanya sabay nito ang hindi ko pagsagot sa katanungan niya at naupo lang sa pwesto ko saka naglagay ng earphones sa tenga na hindi naman nagplay ng music.

"Hey, Aris!" pagtatawag ni Adhara.

Napansin ko ang paglapit niya rito.

"Good morning. Bakit?" bati niya kay Adhara.

"Anyare kay Deva? Salubong ang kilay eh! May problema ba siya?" rinig kong pagtatanong nito.

Sumang-ayon naman sila Elara at Neoma.

Napapikit naman ako habang nakikinig sa usapan nila.

"Baka hang-over lang naman siguro 'yon! Hayaan niyo muna siya." rinig kong sagot niya sa kanila.

Ramdam ko ang paglapit niya sa table niya pati sa tapat ko bago minulat ko ang mga mata ko sa kanya.

"Coffee." simpleng pahayag niya at inilapag sa table ko ang isang Starbucks coffee.

"Thanks." kaswal kong tugon at bahagyang itinaas ang cup ng kapeng binigay niya sa akin.

Ngumiti lang siya bago bumalik sa pwesto niya para maupo dahil dumating na din ang unang teacher namin ngayong umaga at nag-umpisa na rin ang mga klase namin pati ang aming mga aralin.

"Miss Howard, can you stand up and I have a question for you?" anang teacher namin.

"Yes, Sir? What is it po?" nakangiting sambit ko at tumayo na rin.

"Does God put a bitter story in our hearts?"

"Yes po." mabilis kong tugon.

"Why yes, Miss Howard?"

"I believe that we all got our own version of bitter story is not all about tragedy –or a sad ending, but it is all about the challenges that God gave us we were willing to face along with others as a person. A bitter story equals a moral lesson we could use for future problems. God created imperfect humans who need to struggle with pain, hatred, heartache, and sorrow, not causing us to suffer but to see what life is all about. Life is not perfect, it could have been bitter for once, but a lesson to be learned from others' mistakes and to have another chance to live."

At natapos din iyon nang inanunsyo ni Sir Logan na magkakaroon ng meeting ang buong faculty members kaya wala kaming klase ngayong hapon at pinauwi na din nila ang lahat ng mga estudyante.

Lumapit ako kay Elara para sabihing papuntahin ang buong gang sa Hell House at saka naunang umalis. Hindi na din ako naabutan ni Polaris sa parking lot dahil dala ko ang itim kong motorbike na mabilis kong minaneho patungo sa aming meeting place at doon naghintay ng mga kasama ko.

"Anong meron, Deva?" pambungad ni Glyndon.

"Torture?" nakangiting saad ni Ophelia.

"Hacking someone?" ani Titania.

"Mission?" tanong ni Saross.

"Training?" ani Aten.

"Punishment?" alinlangan sambit ni Amaris.

Ngumisi akong lumingon sa direksyon ni Ed Asich.

"Uh-oh! Bad sign!" rinig kong tugon nila Elara, Neoma at Adhara.

Napailing naman sila Orion, Nash at Holmes habang nakatingin kay Ed Asich.

"Lagot! Damay na naman tayong lahat!" rinig kong reklamo nila Glyndon at Titania.

RAINBOW ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon