POLARIS' POV
"Aris," seryosong tawag sa akin ni Holmes.
"Bakit?" nakangiting tugon ko at itinigil ang ginagawa.
"May gusto ka ba kay Deva?" biglang tanong niya sa akin.
"Ano naman sa'yo kung meron nga?" kaswal kong tanong.
Nabigla naman ako nang suntukin niya ako sa panga kaya natumba ako sa sahig na siyang pumagitna agad sila Nash, Orion at Ed Asich sa aming dalawa.
Anong problema ni Holmes kung magkagusto ako kay Lua? Big deal ba 'yon? Takte! Ang sakit ng panga ko!
"Anong kaguluhan 'to, Holmes, Polaris?" maotoridad na tanong ni Lua na pumagitna na rin sa aming dalawa ni Holmes.
Walang sumagot sa aming dalawa dahil seryoso lang kaming nagsusukatan ng tingin sa isa't-isa.
"Walang sasagot sa inyong dalawa?" iritang tanong niya ulit.
Tinulungan naman akong tumayo ni Ed Asich.
"Holmes sa detention room. At ikaw, Polaris, sumama ka sa akin sa clinic at ipapagamot muna kita bago ka tumuloy sa detention room." seryosong sambit niya saka tumingin sa buong klase, "Pagbalik ko rito wala akong maririnig na kahit ano tungkol sa nangyari dito at mananatili ang nangyari sa loob ng klase, maliwanag ba o baka gusto niyong madetention rin?" maotoridad niyang dagdag.
Tumango ang karamihan dahil sa takot nila sa kanya.
"Maliwanag ba?" muli niyang tanong.
"Yes, Miss Pres! / Noted, Pres!" nahihimigan ko roon ang takot nila sa kanya.
"Good. Now, you two, Holmes to the detention and you," seryosong tingin niya sa akin, "Follow me to the clinic. Kaya mo namang maglakad mag-isa dahil nasuntok ka lang at hindi ka nalumpo."
Narinig ko ang mahinang tawanan ng mga kaklase namin.
Tumango na lang ako habang hawak-hawak ang panga ko.
ΦΦΦΦ
"Love, anong meron sa inyo ni Holmes?" nacucurious kong tanong.
Napairap naman siya ang napadiin ang hawak niya sa ice bag.
"Aray, love! Dahan-dahan lang! Masyado kang gigil sa akin!" reklamo ko at kinuha sa kanya ang ice bag baka ulitin pa niyang idiin sa panga ko iyon.
"Chismoso ka! Kalalaki mong tao!"
"Bakit masama bang magtanong?" pabalang kong tugon.
Napabuntong hininga naman siya.
"He was my suitor before, in short, he likes me, but I rejected him because I'm not into men." biglang paliwanag niya.
"Babae ang type mo?" biglang tanong ko sa kanya.
Mabilis na lumanding ang kamao niya sa balikat ko.
"Aww.. Aray ulit!" biglang reklamo ko.
Napailing naman siya.
"Ano ba yan, love! Gusto mo yatang dagdagan ang masakit sa akin." nakasimangot kong pahayag.
"Ang OA mo naman." masungit niyang tugon.
Sakit niya talaga sumuntok.
"I just don't like to entertain any suitors or flirt with a guy like you while I'm still studying. But it's not doesn't mean that I like girls. I don't want distractions. For me, relationships are like a pain in the ass. And I'm not yet ready to commit to it for now." mataray niyang paliwanag.
BINABASA MO ANG
RAINBOW ACADEMY
Teen FictionRAINBOW ACADEMY is a school where a bitter-sweet story hides and seeks, death and happy endings. The two major rules are that students and teachers are not allowed to tell everybody about the colorful stories outside of the school - and do not trust...