3 4

8 1 2
                                    

LUA'S POV

"Uy, mga bakla, nareceive niyo na ba iyong wedding invitations nila Sir Cameron at Miss Kate? Nakakagulat, no? Unexpected na couple pala iyong dalawang teacher na iyon in real life." Pambungad ni Titania na nahuling magpunta rito sa Hell House dahil may raket na pinuntahan kanina.

"Ante, huli ka na sa balita! Kahapon pa naming nalaman iyan kay Madam Neoma." Sabat naman ni Amaris sabay tinuro rin si Neoma.

"Edi wow, kayo na ang updated sa mga showbiz balita sa bahaghari." Masungit na banat ni Titania kasabay ang padabog na umupo pero biglang napangisi at tumingin kay Amaris, "Bati na kayo ulit ni Saross?"

"Luhh, pinagsasabi mo dyan? Bakit kami magbabati? Nag-aaway ba kami?" pabalang na depensa ni Amaris na napatingin sa nakangising naghahasa ng kutsilyo sa gilid na si Saross na mukhang natutuwa sa naririnig.

"May pagpaparinig ka pa ngang nalalaman noong nakaraan, eh! Broken yarn? Wala namang kayo, diba?" dagdag pa ni Titania.

Napairap naman ang bading na Amaris kay Titania.

Busy ang iba sa kanilang mga sariling mundo habang walang pakialam sa nagbabardagulang Titania at Amaris.

"Uyy Saross, nakita mo iyong chicks na sinend ko sa'yo kanina?" pagpaparinig ni Aten na halos tumalim ang tingin ni Amaris kay Titania na pasimpleng inaasar siya.

"Kung straight lang ako at napatol sa sisiw, bet ko iyon! Kainggit ang face niya, gandang morena, eh!" komento naman ni Glyndon na halatang pasimpleng nang-aasar rin kay Amaris na halatang anumang minuto ay sasabog na rin.

"Oo, ang ganda nga, eh! Laki nang hinaharap kung maging akin-" natatawang sagot ni Saross kay Aten.

Lalong tumalim ang tingin ni Amaris na direktang tumingin kay Saross na natutuwa sa sa reaksyon naman niya.

"...kaso taken na ko noong isa dyan. Malapit na kong ilibing sa tingin palang. Ha-ha, sayang rin iyong sisiw na iyon, puwede nang i-lechon kapag lumaki." Dagdag naman ni Saross na may kunting pang-aasar at assurance kay Amaris na halata namang naaasar na kinikilig.

"Gusto mong makita iyong anak ng alaga kong manok, Amaris?" ani Aten na natawa na lang dahil kamuntikan siyang sugurin kung hindi lang napigilan ni Saross sa pamamagitan nang pagyakap nito sa bewang si Amaris.

"Bwisit ka talaga, Russell!" asar na lang na sambit ni Amaris.

Napailing na lang akong nakikinig sa kanila at bumalik sa pagtatype ko sa laptop habang patuloy pa rin ang bardagulan nila.

*ding!*

I received a message from Dada about a mission for tonight.

To all members of Arco Iris La Pandilla,

I received an anonymous request to take down a fifty years old named Lakandula Mariano, who was recently a customer of Alpha BaResto, owned by Alpirino Baresto. Requesting a con bartender who knows the "angel shot code" to take down this Mariano due to complaints from their VIP customers and regular customers, especially girls. The anonymous sender wanted a clean execution tonight without ruining Alpha BaResto's image and reputation, but you don't need to meet him with death yet. You can just scare or torture him. And then you give him to my subordinate that I will send to your playhouse after playing him.

Hope for good news later.

"Stop whatever you are doing right now because we got a mission for tonight." Seryosong sambit ko at napatingin silang lahat sa akin na napatigil sa mga ginagawa nila.

RAINBOW ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon