1 3

17 3 0
                                    

POLARIS' POV

"Knife throwing ulit?" narinig ko ang pagkadismaya ni Neoma doon.

"Kaya nga! Hindi pwedeng paupuin na lang sa silya-elektrika, bunso?" suhestiyon pa ni Adhara.

"No, masyadong harsh naman, ipabugbog niyo na lang kila Holmes." gatong ni Elara.

Nagpatunog naman ng kamao ang mga kaibigan kong nakangising parang tuwang-tuwang gawin agad iyon, "We glad to do that. Torture or going to meet the hell?"

"Matagal na kong hindi nakakatikim ulit ng lalaki, bakla! Baka naman pwedeng paisa kami, bossing!" natutuwang sambit ni Glyndon.

"True, sissy! Beke nemen!" parinig din ni Amaris.

"Kadiri kayo, mga bakla! Pwede namang lunurin na lang natin or ipakain sa pating!" masungit na pahayag ni Titania.

"Jusko! Barilin niyo ba lang sa ulo para matapos na!" kaswal na sambit ni Ophelia.

"Tapos chop-choppin natin!" nakangising suhestiyon din ni Saross habang hawak ang isang bagong hasa na kutsilyo.

"Tama! After ma-chop-chop ay ibenta natin ang organs niya!" dagdag ni Aten.

Ang harsh pala nila sa lagay na 'yan. Hindi na lang nila sabihin na patayin agad parang torture na torture na siya kahit buhay pa. Ganito pala itong mga 'to sa labas ng school parang 'di makabasag plato kapag nasa loob ng school parang mga inosente.

Napatingin naman ako kay Lua na nakangising pinagmamasdan ang itsura ng lalaking nakatali sa malaking roleta ng kanyang kapalaran. Napailing na lang ako.

"Who ordered you to shoot me? Speak now, or else," malumanay na tanong ni Lua sa lalaki.

Tang*na! Itong mokong na 'to ang bumaril kay Lua!? Gag* pala siya eh! Kulang pa ang sinabi nilang pwedeng gawin sa kanya!

Sumama ang tingin ko sa lalaking nakatali sa roleta ng kapalaran niya ngunit tumahimik muna ako.

Hindi sumagot ang lalaki sa kanya.

"Oh? Titania gather information about him, please?" biglang utos ni Lua.

"Yes, boss!" mabilis namang tugon ni Titania habang humarap sa laptop.

"Adhara, Neoma, Elara, you can throw it." marahan niyang pagbibigay ng pahintulot sa kanila.

"Roger!" natutuwang sambit niya at ibinato ang kutsilyo na akala mo dart board ang pinapatamaan nila.

"Paikutin ang roleta ng kapalaran, Saross!" pang-uutos naman ni Elara rito.

Tumango naman ito sa kanya anmt pinaikot nga ang malaking roleta.

"Next, Holmes and squad, punch him if he still doesn't say anything yet." muling utos ni Lua at napangisi naman sila.

Napatingin naman siya kila Glyndon at Amaris.

"Taste him if you want to."

"Noted, madam!" excited na tugon noong dalawa.

"Ophelia, Saross, Aten, prepare your sharpest weapon and guns."

"Aye, aye, madam!" natutuwang pahayag nila saka pumasok sa kung saang kuwarto.

She looked at me and slightly nodded.

What was that for? Why did she nod at me?

"Titania, the information please?" marahan niyang tanong.

RAINBOW ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon