LUA'S POV
Two weeks bago ang pasukan namin ay nainvite kami ng parents ko at pamilya ng mga girlfriends ko sa isang formal party nang hindi ko kilalang business partner ni Dada na ginanap sa isang five-star hotel.
"Beautiful, bunso!" Adhara, with her violet A-line gown and a high ponytail for her long blonde hair.
"Stunning, babes!" Neoma, with her orange sheath gown and ponytail plait for her hazelnut brown medium hair.
"Gorgeous Deva!" Elara, with her white empire gown and black fascinator for her pixie brown hair.
I awkwardly smile in my black trumpet gown as we blended in the crowd.
Nakita naman namin sila Holmes, Orion, Nash at Ed Asich na masayang nakikipagkwentuhan sa mga businessman nang napansin naming nagpaalam sa kausap nila bago lumapit sa amin.
"Looking goddess as always." nakangiting bati ni Holmes at isa-isang bumeso sa aming magkakaibigan.
"Ang ganda mo naman, miloves!" masayang sambit ni Orion matapos humawak sa bewang ni Neoma.
Napairap naman si Neoma at hinayaan na lang si Orion. Ganoon din ang ginawa ni Nash kay Elara at ni Ed Asich kay Adhara.
Halata namang kinikilig ang mga tatlong bruha dahil may hidden desire sila kahit may pairap-irap na nalalaman doon sa tatlo.
Bago pa magawang hawakan sa bewang ko si Holmes ay biglang sumulpot si Dada na kasama si Mama at sinabing ipapakilala ako sa kaibigan niya. Narinig ko lang ang kantyaw nila kay Holmes bago kami makalayo ni Dada sa kanila.
Pumasok kami sa isang elevator at patungo iyon sa isang penthouse na nasa top floor na malayo sa grand hall kung nasaan ang mga bisita sa party.
Tahimik lang akong sumunod sa parents ko papasok sa penthouse.
"Hello, ate Deva!" nagulat ako sa masiglang bati ni Apollo.
Apollo Brooks. A 14-year-old incoming grade 8 student of Rainbow Academy.
Ngumiti lang ako sa kanya, "Hello there, Apollo!"
Napatingin naman ako sa dalawang hindi kilalang tao sa likod ni Apollo.
"Good evening, amiga, amigo!" masayang bati ni Mama at bumeso doon.
"Good evening!" anang ginang kay Mama at nakangiting tumingin sa akin.
Nakangiti lang din ako sa kanya kahit medyo awkward sa akin ang ambiance.
"Deva, meet our business partner, Mr. Paulo and his beautiful wife, Mrs. Arpina Brooks." nakangiting pagpapakilala ni Mama sa kanila.
Ngumiti naman ako bago magpakilala sa kanila. "Hello po, I'm Lua Deva Howard. Nice to meet you po."
"It was nice to meet you, too, hija. I think you already know my youngest son, Apollo." nakangiting sambit ni Mrs. Arpina habang nakahawak sa balikat ni Apollo.
Tumango ako.
"I'm sorry, I'm late." biglang bati ng isang lalaki mula sa likuran.
Napalingon naman ako doon at nakita ang isang pamilyar na lalaki.
Polaris Brooks.
Ngumiti siya sa akin at napilitan na ngumiti lang din ako sa kanya bago siya lumapit kila Mr. and Mrs. Brooks at Apollo.
"Hija, this my oldest son, Polaris Brooks. Hijo, meet Lua Deva Howard, the unica hija of our business partners, Mr. Dave and Mrs. Luna Howard." pormal na pagpapakilala ni Mrs. Arpina sa aming lahat.
BINABASA MO ANG
RAINBOW ACADEMY
Teen FictionRAINBOW ACADEMY is a school where a bitter-sweet story hides and seeks, death and happy endings. The two major rules are that students and teachers are not allowed to tell everybody about the colorful stories outside of the school - and do not trust...