1 6

12 3 0
                                    

POLARIS' POV

Last week natapos ang traditional service activity na naganap sa loob ng campus at may ilang taong naging guest speakers ang naimbitahan namin para doon.

Tinext ako ni Tita Luna, ang mama ni Lua, na kumain raw akong lunch sa kanila kaya pumayag naman ako, tutal ay weekend naman at walang pasok sa school ngayon. Pinatuloy nila ako sa dining area. Mukhang nasa dreamland pa si Lua dahil wala pa siya dito.

Napalingan naman ako sa paligid.

Mukhang nasa dreamland pa talaga siya, sayang!  Puntahan ko kaya sa kwarto niya! Gisingin ko kaya---

"Kung hinahanap mo si Lua, baka tulog o kagigising lang niya." puna ni Tita nang mapansin niyang nakatingin ako sa direkyon ng pintuan.

Napakamot na lang ako ng batok ko at naiilang na ngumiti.

"Kamusta naman kayo ng anak ko, hijo?" anito habang inaayos ang lamesa.

"We're good naman po as frienemy as she called."

"Ang panliligaw mo sa kanya?"

Ngumiti lang ako at hindi nagsalita.

"I guess my daughter is giving you a hard time like what she done to Holmes before. Actually hindi ko naman siya pinagbabawalang magkaroon ng boyfriend dahil parte iyon ng kabataan niya pero napapansin ko baka hindi pa siya ready sa commitment at baka hindi pa niya kayang makaramdam ng sakit ulit."

Napatango na lang ako.

"Afternoon, Ma." pambungad ni Lua na bagong ligo na nakasuot ng itim na sport bra at itim ding dolphin shorts at naupo sa katapat kong upuan. May eyeglass din siyang suot-suot ngayon.

"I invited Polaris to join us here today." sambit ni Tita.

Napatingin naman sa akin si Lua at napasimangot sa akin.

"Hi. Good afternoon, Lua." nakangiting bati ko dito.

"Tsk. You're here." pagsusungit nito.

Tita Luna gave me an apologetic smile before asking Lua, "How's your sleep, honey? Did you sleep well? Do you any dreams or nightmares?"

"Dreamless and darkness." kaswal na tugon nito at bored na bored ang mukha.

"I cooked your favorite meal, daing na bangus, omelet at fried garlic rice." masayang pahayag ni Tita rito.

Bigla naman siyang ngumiti at excited na kumain.

Nagdasal muna kami bago umpisahang kumain ng pananghalian.

Tahimik lang kaming kumakain at napag-alaman kong maagang umalis kaninang umaga si Tito Dave dahil sa trabaho niya kaya hindi namin siya kasabay na kumain ng pananghalian ngayong araw.

"Mama," biglang pagtatawag ni Lua.

"Yes, hon?"

"Do you think I could see him again? When will we see each other kaya? I want to see him." nahihimigan ko ang malungkot niyang tinig.

Napatingin naman sa akin si Tita bago sumagot kay Lua, "Fate will find ways for you to see him again."

ΦΦΦΦ

Tahimik lang kami sa music room nila.

"Do you know how to play instruments, Polar?" biglang tanong niya sa akin habang nakatingin sa piano.

"Guitar and piano." simpleng sagot ko.

"Do you also sing?"

"Yes, pero hindi ako magaling na tulad ni Holmes."

RAINBOW ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon