0 7

21 3 0
                                    

LUA'S POV

"Let's go, Brooks." masungit kong anyaya kay Polaris habang nakikipagkwentuhan kila Holmes.

Tumango naman siya at sumunod sa akin palabas ng classroom.

Tahimik lang siya habang nagsasalita ako at binabanggit ang lugar kung saan kami napapadpad.

Tumigil kami sa secret garden kung tawagin nila dahil sa nagtatayugang mga halaman at puno rito. Humarap ako sa kanya habang naka-pokerfaced at naka-crossed arms pa habang siya nakangiting nakatingin sa akin.

"So, you're from the Ryven Dale Academy?" mataray kong tanong.

"Yes, love." nakangising tugon niya.

Here we go again, love pa nga.

"Are you aware that you are going to be the other president in the student body?" masungit kong tanong ulit.

"Yes, love."

"When will you stop calling me that? If other students heard you calling me that - you will go to hell as you study here." pagbabanta ko sa kanya.

"No, I won't stop calling you like that. Cause you're already mine, love." maangas niyang tugon.

"I'm not yours, Polaris. So, stop it." seryosong sabi ko.

Humalakhak lang siya at biglang naging seryosong tumingin sa akin saka hinawakan ako sa baba habang seryosong binitawan ang katagang, "Magiging akin ka din, Lua."

Inalis ko naman ang kamay niya sa baba ko, "In your dreams, Brooks. Nahihibang ka na."

"Dream with me then, Lua." nakangising sabi niya at nakapamulsang nakatingin sa akin.

At napairap na lang ako sa kanyang kakulitan.

"You're cute, love." natutuwang sambit niya.

Napataas naman ang isang kilay ko sa kanya, "You're crazy and annoying assh*le."

Humalakhak lamg siya kaya mas lalo akong napairap.

Sira na yata ang ulo ng tukmol na 'to.

Nakasunod lang siya sa akin papuntang cafeteria kung nasaan ang mga kaibigan namin at halos mapatigil ang lahat ng pumasok ako sa loob.

Nakilala ako bilang napakasungit, strict at mainitin ang ulo na student council president kaya masyadong ginagalang ako ng mga students dito dahil natatakot sila sa akin. Kilala din ako bilang napakabully at harsh sa lalaki na marami na ring nagtangka ngunit nauwi silang lahat sa pagiging heartbroken nila, but they still admired me from a far.

Kinalabit naman ako ni Polaris na parang nanghihingi ng permiso sa akin.

"What?!" masungit kong tanong.

"Punta na ko kila Holmes." nakangiting paalam niya.

"Just go, Polaris. You don't need to tell me." masungit kong tugon.

Nakangiti naman siya sa akin.

"Bakit hindi ka pa umalis sa harapan ko-" napatigil naman ako nang bigla niya akong hilain at nagulat ako nang halikan niya ako sa noo ko.

Automatic naman na nasuntok ko siya sa dibdib niya.

"Aray! Para saan 'yon?" natatawang tanong niya sa akin habang hinihimas ang dibdib niya.

"Aalis ka ba sa harapan ko o gusto mo sa mukha na kita susuntukin?" naasar kong tanong habang nakaambang suntukin siya ulit.

"Oo na, aalis na po! Sayang naman 'tong mukha ko kung masusuntok ng napakalambot mong kamao. Saka 'di ko ikakapogi kung may black-eyed ako," natutuwang tugon niya at naglakad patungo kila Holmes.

RAINBOW ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon