LUA'S POV
"Akala ko ba roadtrip lang sa Tagaytay, eh, bakit nandito na tayo sa session road ng Baguio?" mataray na tanong ni Elara.
"Nakatulog kasi kayong lahat sa bus, eh, namali akong liko sa manibela, akala ko pa-Tagaytay 'yong daan, Baguio na pala!" depensang sagot naman ni Aten kay Elara, "Saka sinundan ko lang 'yong nasa waze na nilagay ni boss!" dagdag pa niya at tinuro ako.
"Ayaw niyo ba? Balik na lang tayo." nakangiting tanong ko sa kanila.
"Ay, wala kaming reklamo rito no!" mabilis na tugon naman nila sa akin.
Tamang picture na lang si Ophelia sa gilid at napapatingin naman sa paligid sila Holmes.
"Haluhh! Madame, first time ko rito!" manghang sambit ni Titania.
"Shuta, ang lamig! Pero kakabugin 'yan ng outfit ko!" malanding pahayag ni Glyndon na suot ang isang pink corset top, black cardigan, denim button-down long skirts at pink loafers.
"Ay, 'di ako papatalo dyan!" pasimpleng hinubad ang croptop denim ni Amaris lumantad ang itim na corset top, nakasuot lang rin ng dark truffle cargo pants at black sneakers.
"Aba'y 'di ako papatalo sa inyo! Mga accla 'to!" pasingit rin ni Adhara na sinundan rin ni Neoma ang hirit ng dalawa.
Suot ni Adhara ang isang wide leg denim pants, white turtle neck to, at white loafers. Samantalang suot naman ni Neoma ang isang blue floral slit skirt, purple cloud-design cardigan at white sneakers.
"Ikaw, Elara, Titania? G ba ang outfits mo?" patanong na hamon ni Glyndon.
"Huwag ako, Glyn, girl scout 'to!" sagot ni Titania sa hamon nito sabay ikot. Suot niya ang isang red floral maxi dress, denim crop jacket, at beige two strap heels.
Napataas naman ng kilay si Elara kay Glyndon at sinensya ang katawan na nakasuot ng black turtle neck top, black checkered skorts at black ankle boots.
Napatingin naman sila sa akin. Nakasuot lang ako ng maxi fitted black bodycon dress, white leather cropped jacket at white flat sandals.
"Wala, talo agad! Arat, lakad na lang!" sabay na pahayag nila Glyndon at Amaris.
Napailing na lang ako at nag-umpisa na ring maglakad na nakasunod sa kanilang anim, nakasunod naman ang mga boys sa likuran ko at tahimik lang na nasa tabi ko si Polaris na nakahawak pa sa kamay ko.
Ang mga boys naman ay pare-parehas na nakasuot ng itim mula sa damit pati sa sapatos nila. Para tuloy namin silang mga bodyguards.
"Hi, miss!" napatigil ako sa paglalakad nang makita kami ng isang street photographer rito sa session road.
Napatigil rin ang lahat ng mga kasama ko at naging alerto sa lumapit sa akin.
"You're so beautiful, miss, I just noticed your unique features and very charismatic vibes. I'm Kyan Juan, by the way, a street photographer. Can I take a photo of you, if it is okay with you?" nakangiting alok nito sa akin.
They look harmless naman. Should I take his offer?
Napatingin naman rin siya sa mga kasama kong napalibutan na rin siya kaya napatingin ako sa kanila. Natahimik naman ang photographer pati ang mga kasama niya dahil sa presensya ng mga kasama ko.
BINABASA MO ANG
RAINBOW ACADEMY
Teen FictionRAINBOW ACADEMY is a school where a bitter-sweet story hides and seeks, death and happy endings. The two major rules are that students and teachers are not allowed to tell everybody about the colorful stories outside of the school - and do not trust...