3 5

16 1 4
                                    

POLARIS' POV

Warning: BAWAL KILIGIN!

"Hey, my Dahl, where's your Mama Luan?" pagtatanong ko rito ng makarating ako sa tanggapan ng mansion ng pamilyang Howard.

"Tita Luna, kumusta po?" humalik naman ako sa pisngi nito ng makita ko siyang nakabantay kay Dahl.

"Oh, you're here pala, hijo, have a seat! Yaya! Prepare some snacks and juice for Aris!" masiglang pag-uutos nito sa dumaang maid nila.

Naupo na lang ako sa tabi ni Dahl na naglalaro sa lapag kung saan nakakalat ang mga laruan niya. Tumayo naman ito at lumapit sa akin.

"Papa Lars," humalik siya sa pisngi ko bago sumagot sa katanungan ko, "She's taking a bath po."

"Oh, I see, I should wait here then."

"Papa Lars, can you play muna with me while for Mama Luan? Pwease?" she gave a cute puppy eyes while pleading at me.

"Of course, Dahl, papa Lars will play with you! Come! What do you want to play ba? Is there anything on your mind?" malambing kong tugon sa paanyaya niya sa akin.

"Let's play this po!" tukoy niya sa doll house, "And this," tukoy naman niya sa kitchen set, "And this pa po!" at huling tinukoy niya ang isang remote control barbie sport car, "I want to play them all, Papa! You can be Ken and I will be Barbie!" magiliw niyang sambit at iniabot ang doll na lalaki sa akin.

Napangiti na lang ako habang nakikipaglaro sa kanya at tinuturuan ko rin siya kung papaano kontrolin ang laruan niyang di-remote hanggang sa dumating sila Kuya Warren at Honey na siyang naging kalaro ni Dahl. Nagpaalam naman ako sa kanila na pupuntahan ko si Lua sa kanyang silid.

"Lua, are you in there?" at kasabay nito ang pagkatok ko sa pintuan ng kwarto niya.

No one answered.

"Lua," nilakasan ko pa ang boses kong nagtawag rito ngunit wala pa rin akong natanggap na sagot.

Sinubukan kong pihitin ang doorknob ng kwarto at hindi iyon nakalocked kaya madali akong nakapasok sa loob.

"Lua, where are you?" pagtatawag ko sa loob ng kwarto niya.

Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto sa comfort room niya at tumambad sa akin ang bagong ligo si Lua nakasuot lang siya ng isang manipis na roba at may tuwalyang nakapulupot sa ulo niya. Natulala ako saglit ngunit mabilis rin akong napatalikod.

"Sorry, sorry, wala akong nakita!" mabilis kong depensa rito, "Hindi mo na naman kasi nailock iyong pinto mo saka tinatawag kita tapos walang sumasagot kaya pumasok ako!" natataranta kong paliwanag rito.

Naririnig ko lang marahan niyang paglalakad patungo sa kung saang sulok ng kwarto niya.

"I'm not naked, why aren't you looking at me?" marahang pahayag niya sa akin.

"Ah, ano kasi- ano-" naiilang akong lumingon sa akin at nakita kong direktang nakatingin siya sa akin mula sa kanyang vanity mirror.

"Naiilang ka ba sa'kin?" nakangiting tanong niya sa akin.

Dahan-dahan akong naglakad papunta kung nasaan siya nakaupo ngayon.

RAINBOW ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon