Greetings again from yours truly, marjee16! It's been a while, readers! Are you ready for another roller coaster ride with the Rainbow Academy Squad? Let's start again with our unexpected chapter! Enjoy my short update! Padayon, readers!
LUA'S POV
Warning:
Bad words and violence included. Skip, if you want to."Deva, si Glyndon may kabardagulan doon sa likod nitong building!" anunsyo ni Amaris habang vacant namin matapos ang unang klase namin ngayong hapon.
Tumango naman ako at sumunod sa kanya kasama ang buong klase. Naabutan namin silang nagsisigaw doon. Napasandal naman ako sa puno habang nanunuod sa kanilang drama. Boring.
"Hoy bakla, mang-aagaw ka! Ahas ka! Inagaw mo sa akin si Xavier! Malandi ka!" paratang ng isang babae na mukhang nasa lower years.
"Bakla, may popcorn kayo dyan? Magiging masaya ang palabas na ito." rinig pagtatanong ni Aten.
"Hindi mo man lang ba sila pipigilan, Miss President?" pagtatanong ni Amaris.
"Huwag ng pigilan ni Miss Pres kasi kaya na ni Glyndon iyan." komento ni Ophelia.
"GO GLYNDON! PUSH MO IYAN!" pagbibigay pa nang suporta ni Titania.
"Hoy babaita, wala akong inaagaw sa'yo! Malay ko bang mahuhulog sa akin iyang jowa mo! Ni wala nga akong ginawa para agawin siya sa'yo!" mataray na sumbat naman ni Glyndon.
Lumapit naman iyong babae sa kanya at pinipilit na sabunutan siya sa buhok nito ngunit hindi niya maabot si Glyndon dahil may katangkaran ito.
"Try mo kung abot mo ko sa liit mong iyan." pang-aasar ni Glyndon.
Napatingin naman sa akin si Glyndon at nagkibit ng balikat. Bigla namang may pumagitnang lalaki sa kanilang dalawa.
"Miramar Salome, please lang, tumigil ka na! Wala naman siyang inaagaw sa'yo! Gumagawa ka pa nang eksena rito! Nakakahiya ka! Ako ang unang nagkagusto sa kanya at matagal ko nang tinapos ang relasyon natin kasi sobrang toxic ng ugali mo at pinakita ka nila ng maganda pero sa huli ay hindi mo man lang nirespeto ang mga magulang ko kahit na tinanggap ka nila para sa akin sa kabila nang hindi mo kagandahang pag-uugali!" iritang sigaw ni Xavier kay Miramar.
"Kaya puwede ba, Miramar! Tigilan mo na kami! Masaya na kami! Tanggapin mo na lang na wala na tayo na may mahal na kong iba! Mas tinanggap pa ng pamilya ko siya kesa sa iyo dahil mas ramdam nila ang magandang ugali niya!" matapang na dagdag pa nito.
"Wow naman, Xavier! Ang galing mo rin, ah! Ikinumpara mo pa ako sa pangit na bakla na iyan! Sa ganda kong ito? Hindi rin kita maintindihan, eh! Ibigay ko ang lahat lahat sa iyo maski ang pagkababae ko pero anong nakuha ko sa huli? Wala! WALA! Dahil mas pinilit mong magmahal ng kauri mong hindi straight ang utak sa taong magugustuhan! Sabagay ay bagay naman kayong dalawa, isang bakla at isang mapagpanggap na hindi malaman kung anong gusto, kung lalaki ba o babae, pero ngayon mukhang lumabas ka na sa lungga mo! Congrats, ha? Manggagamit ka! Tama lang na magsama kayo!" puno ng inis na sambit ni Miramar rito.
"Ay weak naman ni ate gurl, defeated agad. Walang thrill." komento ni Titania.
"Gurl, tama na iyan kasi tinapos na nila iyong laban. Nagawa mo nang ipahiya sila maski ang sarili mo sa harap ng mga schoolmates natin, oh." mahinhin na saad ni Molly sa kanya.
Napaatras naman siya nang makita niya kaming lahat na nanunuod sa kanila.
"Mas mabuti ngang nandito silang lahat dahil mas mabuti ring malaman ng lahat na itong si Xavier ay..." at itinuro niya ang lalaki at tumingin kay Glyndon, "...pumatol sa isang bakla-"
BINABASA MO ANG
RAINBOW ACADEMY
Teen FictionRAINBOW ACADEMY is a school where a bitter-sweet story hides and seeks, death and happy endings. The two major rules are that students and teachers are not allowed to tell everybody about the colorful stories outside of the school - and do not trust...