[Archie on multimedia--]
Ashi's POV
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, napakasaya ko dahil sa wakas ay nagising na siya.
Nagising na si Arshain!
Niyakap ko siya ng pagkahigpit-higpit. "Oh? Bakit ka umiiyak? Ayaw mo ba na...nagising na ako?" May halo pang pagtatampo sa boses niya.
Napalo ko siya ng mahina. "Ikaw talaga!! Syempre, tears of joy 'to!! Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayon dahil gising kana!!" Pinahid niya ang luha ko.
"Bakit mo ko sinisigawan?"
"Hindi kita sinisigawan!" Mahina kong sinabi tapos, sabay kaming nagtawanan.
Kaso, bigla siyang tumigil sa pagtawa. "Ilang araw akong natulog?"
Saglit akong nag-isip. "Tatlong araw ata? O, apat? Hindi ko alam. Tsaka huwag mo na iyon isipin. Ang mahalaga, gising ka na."
"Ilan nalang tayong natitira? Tayo nalang bang dalawa? Huli na ba ako?" Malungkot niyang tanong.
"Walo nalang tayo...." Naluluha kong sinabi. "At hindi ko alam kung, ilan nalang tayong matitira pagkatapos ng tatlong araw." Dagdag ko pa.
"Ang tagal ko rin pa lang natulog, tatlong araw nalang pala ang natitira saatin bago tayo makaalis dito. Sana, buhay pa rin tayong walo pagtapos ng tatlong araw na iyon."
"Sana nga Arshain."
Miette's POV
Kausap ko ang baliw kong kapatid.
Napakagaling niyang umakto sa harapan ng mga kaibigan niya. Talagang, hindi mo siya mapapagdudahan. Tsaka, iba siya umakto sa harap ng mga kaibigan niya at iba rin siya umakto sa harap ng lalaking kinababaliwan niya at sa harap ko naman, ibang-iba rin. "Alam mo, sinasayang mo lang ang oras mo sakanila. At the same time, sinasayang mo ang buhay mo. Itigil mo na ang pagpatay." Pangungumbinsi ko sakanya. Hindi ko talaga alam kung paano ko siya mapapatigil sa kalokohang ginagawa niya.
"Ayan ka nanaman ate Miette. Hindi ka pa ba nagsasawang pagsabihan ako?" Irita niyang sagot.
"Hindi. Depende nalang kung, talagang suko na ako at wala ng pag-asa na patigilin ka sa kalokohan mo."
Hinawakan niya ang kamay ko. "Alam mo ate...kahit ano pang gawin mo o sabihin mo saakin. Hindi ko susundin ang sinasabi mo na itigil ko ang ginagawa ko ngayon. Nasiyahan na ako sa pagpatay. At 'pag ako, natuwa sa ginagawa ko...wala ng makakapigil pa saakin." Ngayon palang, parang gusto ko ng sumuko. Kahit ano kasing pangungumbinsi ko sakanya, ayaw pa rin talaga niyang tumigil.
Pero, may napansin rin akong mali....parang may mali. "Ginagawa mo ba talaga 'to dahil sa natutuwa ka?"
Tumango siya pero parang hindi pa rin ako kumbinsido. "Ano ba 'yan Ate Miette!! Anong tingin 'yan?!"
Sabi na nga ba. "Hoy, umamin ka nga."
Tinaasan niya ako ng kilay. "Ano namang aaminin ko?!"
"Aminin mo sakin na...ginagawa mo 'to dahil sa lalaking kinababaliwan mo. Tama ba ako?"
Para siyang hindi mapakali na ewan at parang natatae.. Pfft! "Sabi na eh, Ano? Tama ang kutob ko ano?"
BINABASA MO ANG
Experimental Island
Misterio / Suspenso"It's more fun to conduct an ingenious experiment on HUMANS."
