Chapter Twenty-Nine

85 4 0
                                    

WARNING: Be ready..

Ashi's POV

Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko ngayon. Ayokong paniwalaan...

Ang hirap paniwalaan..

"IKAW ANG DAHILAN ASHI!! ISAMA MO PA ANG MGA MAGULANG MO!!" Dinuro-duro ako ni Sozine.

"Sa pagkakaalam ko, wala akong ginawang masama!! Wala akong maalala na may ginawa ang pamilya namin sa inyo!!" Giit ko.

"Sabagay...iyong pamilya niyo ay kilalang, napakagaling mag-eksperimento. Napakahusay ng papa mo duon. At bakit ganun!? Bakit wala kang maalala sa mga nangyari noon?! May inexperiment nanaman ba ang papa mo para makalimutan mo ang mga nangyari noon!?" Tinitigan niya ako ng matalim.

"Hindi ko alam!! Hindi ko alam Sozine kung ano man 'yang sinasabi mo, wala akong alam!!" Para akong nababaliw. Sumasakit na rin ang ulo ko.

"Kung hindi mo matandaan, pwes! Ipapaalala ko sayo!!" Bumuntong hininga siya at nagpatuloy sa pagsasalita. "Umutang ang papa ko sa papa mo dahil sa pabagsak na ang hospital na pagmamay-ari namin. Tutal, matalik naman silang magkaibigan, pinautang ng papa mo ang papa ko. Dahil sa papa mo, nakaahon ulit kami. Pero, hindi ko alam na may kapalit pala ang pagpapautang ng papa mo.." Sa puntong ito, gusto ko ng takpan ang mga tainga ko.

Ayokong marinig ang sasabihin ni Sozine lalo pa't tungkol ito sa papa ko.

"NOONG ARAW NA PUMUNTA ANG KAPATID KONG SI HENRY SA BAHAY NINYO, BIGLA SIYANG NAWALA 'DIBA?! ALAM MO BA KUNG ANO ANG DAHILAN!?"

Umiling-iling ako.

"KASI--GINAMIT NG PAPA MO ANG KAPATID KO SA GAGAWIN NIYANG EKSPERIMENTO!! PAANO KO 'TO NALAMAN?! NAGPAIMBESTIGA AKO!! WALANG-HIYA ANG PAPA MO!! NAG-AADIK PALA ANG PAPA MO!! BAKIT SA DINAMI-DAMI NG TAONG PWEDENG GAMITIN SA WALANG KWENTANG EKSPERIMENTO NIYA, BAKIT ANG KAPATID KO PA?! BAKIT SI HENRY PA!?"

Naguguluhan na ako. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba siya o hindi.Pero, sa nakikita ko sa mga mata niya, alam kong nagsasabi siya ng totoo. Hindi ko lang talaga siguro matanggap na, nagdrudrugs ang papa ko...

"At ikaw naman Ashi, wala kang kwentang nobya!! Nanduon ka noong pag-eeksperimentuhan na ng siraulo mong ama si Henry, pero anong ginawa mo!? Wala!! WALA KANG GINAWA PARA SA KAPATID KO NA NOBYO MO NOON!! ANONG KLASENG GIRLFRIEND KA!?"

Ngayon, samu't-saring alaala ang bumabalik sa isipan ko. Oo, natatandaan ko na...

Umiyak lang ako noon at wala man lang nagawa para sa boyfriend ko. Kinabukasan nuon, binalita nalang sakin ni papa na wala na daw si Henry, nagwala ako nun. Pakiramdam ko rin noon na, parang gusto ko nalang mamatay.

"Alam mo ba ang naging resulta sa eksperimento ng punyeta mong ama?! Ito...ito ang ginawa niya sa kapatid ko!!" Tinawag ni Sozine ang kapatid niya.

Anong ibig sabihin nito!?

Akala ko ba---patay na si Henry?!

Napahagulgol ako nang makita ang itsura niya. Hindi ko na makilala ang Henry na minahal ko noon. Ibang-iba ang itsura niya. Maraming mata, walang ilong, malaking bibig, at may mga matatalas na ngipin...

Experimental Island Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon