[Izle Fujiyoga on multimedia--]
Yuxei's POV
Natigilan ako sa kinatatayuan ko. Paulit-ulit sa utak ko ang sinabi ni Izle.
Gusto kita Yuxei....
Gusto kita Yuxei...
Gusto kit--
*KRIIIIIING*
Ang lakas naman ng alarm clock niya! Ay teka, aalis na ako at baka makita pa niya ak--
"Yuxei?" Napatigil ako sa pag-alis at unti-unting tumingin sakanya.
Pupungas-pungas pa siya. Bakit ang hot niya ata kapag bagong gising?
Hindi pwede tss. Bakit ba kasi ang gwapo ni Izle!? Sayang, duwag nga lang. Ayaw ko pa naman sa mga duwag. Tss, kalalaking tao DUWAG! Katurn-off!! Hindi rin ito papasa kay dad.
"Uy, Yuxei? Kanina pa kita tinatanong." Napagitla ako nang marinig ulit siyang magsalita.
"Ah, ano ba 'yung tinatanong mo?"
"Anong ginagawa mo rito? May kailangan ka ba?" Pinagmasdan ko ang mukha niya.
Matagal ko ng alam na may gusto siya saakin, hindi man niya sinasabi pero, ramdam ko naman. Pero, kakaiba ang naramdaman ko kanina. Noong sinabi niya na gusto niya ako, may kakaiba akong naramdaman. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Pero, hindi ito ang tamang oras para sa mga ganitong bagay.
"Yuxei, tapos mo na ba akong titigan?" Ngumisi siya.
Nakakahiya!! "A-ano?! Hindi kita tinititigan!!" Hindi nga ba? "A-ano, 'yung susi kung saan pinatay si Yokasta, akin na!"
"Ay, galit?" Nang-aasar ba 'to?
"Akin na kasi para makaalis na ako rito!"
"Ayoko nga. Kasi, kapag binigay ko, aalis ka na dito. Gusto pa kitang kasama, kaya hindi ko muna ibibigay." Muli, ngumisi nanaman siya.
"Bwisit!! Ibigay mo na kasi! May kailangan akong gawin, kaya ibigay mo na!!" Inis kong sinabi.
"Sabihin mo munang..."
"Ano?!" Galit ko ng sinabi dahil naaasar na ako sakanya. Sinasayang niya ang oras ko.
"Sabihin mo munang...GWAPO AKO."
Nahihibang na ba siya?!
"Hoy! Wala akong panahon para sa biruan! Pwede bang pakibigay nalang 'yong susi dahil naiinis na ako!!"
BINABASA MO ANG
Experimental Island
Misterio / Suspenso"It's more fun to conduct an ingenious experiment on HUMANS."
